PHOTOS
Satisfied na ngumiti si Kennet ng maidikit ang huling litrato sa pader ng kanyang silid. Sinuyod niya ng tingin ang maraming larawan na nakadikit roon. Hindi siya magsasawa na pagmasdan ang mga iyun sa tuwing nasa loob siya ng kanyang silid. Palagi niya tinititigan ang mga iyun bago siya matulog at sa paggising niya sa umaga.
Para sa kanya ang mga larawan iyun ang pinakamaganda sa lahat na nakita niya. Napukaw siya ng makarinig siya ng katok. Nasa silid man siya dinig na dinig pa rin niya iyun. Mabilis na lumabas siya ng silid niya at agad niya nakilala ang presensya na nasa likod ng pintuan niya.
Excited na pinagbuksan niya si Danica ng pintuan.
"Danica!"masaya niyang bungad rito bahagya pang nagulat ito sa inakto niya pero kaagad din nakabawi.
Agad na bumaba ang tingin niya sa hawak nitong paper bag at isang tila bucket. May nakasulat roon na kilalang fast food chain.
Iniangat nito sa harapan niya ang hawak nito. Nakita na niya ang nakapangalan sa paper bag kapag nasa labas siya.
"Sana di ka pa nagmimeryenda?"untag nito sabi.
"Hindi pa! Para satin ba yan?!"
"Uh,gusto ko sana bumawi sa pagtanggap sakin ni Sir.Wendell. Alam kong isa ka sa dahilan kung bakit may trabaho na ko ulit,"anito.
"Pasok ka muna,"pang-anyaya niya rito saka niya tinugon ang sinabi nito ng makapasok ito.
"Wala yun! Destiny yun kaya ka natanggap nagkataon lang naman yun at kahit siguro na hindi kami magkilala ni Wendell sigurado ikaw ang ihahired niya kasi kuryuso siya sayo kahit wala na siya kakayahan bilang bituin gaya ko malakas pa rin ang instinct nun,"mahaba niyang sabi.
Nakangiti ito na humarap sa kanya at saka nito ipinatong sa center island ang paper bag at isa-isa nito inilabas ang laman niyun. Agad na nakaramdam siya ng takam ng maamoy niya ang masarap na amoy mula sa nilabas nito.
"Sana hindi ka pa nakakain ng ganito,"saad nito saka binuksan nito ang isa sa mga iyun.
"Spaghetti,"sabi nito ng mabuksan iyun saka naman nito binuksan ang isang lalagyan pa na sa tingin niya tawag ay bucket.
"Fried chicken,"anito. Napangiti siya ng makita iyun ang naaamoy niyang masarap na amoy!
"Hindi ko pa natitkman mga yan!"puno ng excitement sabi. Natawa sa naging reaksyon.
"Eh di kain na tayo!"anito na agad naman siya dumampot ng isang fried chicken.
"Ang sarap! Pwede kaya ako nito magluto dito sa bahay?"tanong niya habang nginunguya ang laman na nasa bibig niya.
"Oo naman..pati yan spaghetti pwede mo din yan matutunan lutuin,"sagot nito na kinamangha niya.
May bago na ulit siya paboritong pagkain at pag-aaralan niya kung paano lutuin ang mga iyun.
Mas marami siya nakain na fried chicken sa kanila dalawa at hinahayaan naman siya nito na kumain ng kumain. Masarap naman kasi talaga pati na rin ang spaghetti.
"Alam mo kung paano gawin yung fried chicken saka yung spaghetti?"tanong niya.
Tumawa ito ng mahina habang nililigpit ang mga kinain nila.
Namamangha nakatitig siya sa mukha nito.
"Mayroon yan sa Recipe Book,"sagot nito sabay angat ng tingin sa kanya.
"Pero gusto ko ikaw ang magturo sakin eh,"tugon niya.
Ito ang una nagbaba ng tingin at hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagkailang nito.
BINABASA MO ANG
Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)
FantasyIsa si Kennet sa sampung bituin o mga tinatawag na Star of life. Sila ang mga bituin na nagbibigay ng pangalawang buhay sa mga tagalupa at isa iyun misyon para sa kanila. Si Kennet ay matagal ng namamangha kung ano nga bang klaseng mundo meron ang m...