CYTHIA REID
Abot-abot ang kaba ni Danica sa likod ng entablado kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay makakaapak na siya ng entablado. Hindi niya alam kung deserved ba niya na sa gabing iyun sa kanya ang spotlight. Marahil malaki din ang tulong ng Boss niya si Wendell kaya ganun na lang ang tiwala ng mga ito sa huli at dapat ibalik niya ang tiwala iyun.
Ito ang matagal na niyang pangarap. Pangarap na ipinaubaya niya sa iba sa inaakalang magbabago ang turing sa kanya ng mga magulang niya...hindi..ang kinikilala niyang magulang. Handa na siya kausapin ang mga ito pagkatapos ng gabing ito. Hindi siya pinatatahimik ng mga katanungan mula ng malaman niya ang tungkol sa tunay na katauhan niya. Her real name,Cythia Reid. Sa kadahilanan na legal ang pag-ampon sa kanya nagawa palitan ang tunay niyang pangalan. Nadudurog ang puso niya kapag naiisip niya kung bakit siya pinaampon. Gusto niya magalit sa tunay niya magulang pero pilit niya iintindihin na baka may dahilan ang mga ito kung bakit siya pinaampon.
Marahas siya napabuga ng hininga.
"Relax ka lang,Gorl! Super natural kaya ng ganda mo kaya bongga na ikaw ang huling rarampa,"pukaw sa kanya ng binabaeng make-up artist.
Pinukulan niya ito ng palakaibigan na ngiti. Pinapagaan nito ang loob niya at kahit papaano nabawasan naman sa matamis na salita nito.
"Aww..ang gwapo naman ni boyfie,"pabulong na tili nito na kinabaling niya.
Nakangiting Kennet ang papalapit sa kanya. Agad naman lumawak ang ngiti niya. Proud ang pakiramdam niya dahil base sa pigil na kilig ng mga naroroon ay maswerte siya na may ubod na gwapo siyang nobyo.
"Hi! Sorry,hindi na ko makapaghintay ibigay ito sayo,"bungad nito sabay abot sa kanya ng star gazing flower.
Mabilis na pinatakan nito ng halik ang noo niya sa maingat na paraan marahil hindi nito gusto masira ang pagkakaayos ng buhok niya.
Kumikinang sa paghanga ang mga mata nito. "Masayang-masaya talaga ako para sayo pero...ang totoo nag-aalala ako para sa huling...ipapasuot sayo,"anito sa mahinang tono sa huling sinabi nito.
Pasimple naman lumayo ang make-up artist at pinagpapasalamat niya iyun dahil binigyan sila nito ng privacy na makapag-usap ng maayos.
"No worry..may tabon naman kaya di ganun kaexpose ang makikita sakin,"nakangisi niyang sabi.
Napanguso ito saka tinitigan ang sinenyas niya. Naningkit ang mga mata nito saka tila napapantastikuhan na binalik ang tingin sa kanya na kinatawa niya ng mahina.
"Ano yan? Kulambo?"
Hindi na niya napigilan matawa ng malakas at naulinigan niya ang pagtawa ng nakarinig sa sinabi ng kasintahan.
Inabot niya ang mukha nito at hinaplos ang magkasalubong nito mga kilay.
"Wag kang ano dyan. Ako din naman di ko gusto na may mga babaeng na panay tingin sayo,"aniya.
Napakurap-kurap ito saka napabaling sa paligid. Nangunot ang noo nito.
"Hindi ko naman sila kilala,"sagot nito.
Natawa siya sa kainosentihan nito.
Napabuntong-hininga siya saka hinaplos ang kabila pisngi nito. Hinawakan naman nito ang kamay niya na nakadampi sa pisngi nito.
"Nakita ko ang magulang mo..nasa audience sila,"saad nito na kinatigilan niya.
Hindi niya inaasahan na manonood ng live ang mga ito.
Pinisil nito ang palad niya saka dinala sa mga labi nito upang patakan ng halik.
"Gusto ko ipakita mo sa kanila ang bagay na kinuha nila sayo na karapat-dapat ka sa pangarap mong ito,"matiim nitong sabi.
"Malaki ang kinuha nila sayo. Ang tunay na pagkatao mo...pati ang pangarap mo. Karapatan mo bawiin ang lahat ng iyun sa kanila dahil marami ka ng nagawa para sa kanila. Huwag kang matakot..nandito lang ako,mahal."madamdamin nito sabi at nilukob ng mainit na pakiramdam ang puso niya sa huling salita na sinabi nito.
Dati mag-isa lang siya. Mag-isa lang niya iniisip ang problema niya. Sinosolo ang lahat ng pighati at sakit pero ngayon...may kasama na siya.
Kahit na sa maikling panahon lang niya ito makakasama.
"Handa na tayo,Girls! Magsisimula na tayo!"pag-anunsiyo ng isang babae.
"Kinakabahan ako,"pag-amin niya sa nobyo.
Pinisil nito ang palad niya. "Sakin ka lang tumingin para hindi ka kabahan,okay ba yun?"
Nang makuha niya ang ibig sabihin nito tumango siya.
Tama dito siya titingin habang rumarampa. Alam niyang kasama nito ang Boss niyang si Wendell na nasa VVIP seat.
"Salamat,"matamis na ngiti saad niya.
"Para sayo,mahal!"masigla nitong sagot na kinailing niya. Wala pake sa paligid.
Ilang minuto na lang lalabas na siya para rumampa sa harap ng maraming tao. Sa harap ng mga taga-media. Buong mundo makikita siya. Tahimik na humihiling na sana mapanuod siya ng kanyang mga magulang .
"Ms.Cythia? Ready?"pukaw sa kanya ng babae.
Agad na tumango siya.
"Yes,I'm ready.."
Nagthumbs up ito sa kanya at sumenyas na hintayin ang signal nito bago siya humakbang palabas ng stage.
Hindi naman nagtagal. Inanunsyo na ang paglabas niya ng stage. Ang reference ng suot niya na nirarampa niya at habang naglalakad sa pahabang stage nasa kasintahan lamang nakatutok ang mga mata niya. He look so proud for her. Humakbang siya pakanan at pakaliwa at nahagip ng mga mata niya ang paggulantang na ekspresyong ng kanyang ina at kapatid. Agad na itinuon niya ang atensyon sa pagrampa. Ayaw niyang ipahiya ang sarili sa harap ng lahat kung magpapadala siya sa kaba at...takot.
"We proud to pronuonce to all of you,Our new model..CYTHIA REID!"pagpapakilala ng announcer pagkabalik niya sà unahan.
Hindi siya magsisisi na ginamit niya ang pangalan na iyun dahil iyun naman talaga ang tunay na siya.
Pag-aari niya ang pangalan na iyun na binura ng papel. Ang pangarap niya na pinaubaya niya para lang sa pag-amot ng pagmamahal sa magulang na hindi naman pala niya tunay na magulang.
Ang kaba at takot na naramdaman niya ng makita ang mga ito ay bigla naglaho na parang bula.
Hearing your true name makes her proud and...real whoever is she.
The real her.
The real Cythia Reid...Danica Yvas,the fake one.
BINABASA MO ANG
Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)
FantasyIsa si Kennet sa sampung bituin o mga tinatawag na Star of life. Sila ang mga bituin na nagbibigay ng pangalawang buhay sa mga tagalupa at isa iyun misyon para sa kanila. Si Kennet ay matagal ng namamangha kung ano nga bang klaseng mundo meron ang m...