Chapter 16

332 36 3
                                    

MODEL

Hindi mapigilan ni Danica na mapangiti sa tuwing natatapos ang trabaho niya. Sa pagtatrabaho niya sa kompanya ito hindi niya naramdaman na pressured siya na kailangan magkunwari ka. Ang mga iyun ay nakasanayan niya ng mga panahon na nagtatrabaho siya sa kanyang ama. Bilang personal secretary nito. Kailangan propesyunal ang relasyon nila mag-ama. Sa tuwing nagkakamali siya palihim na lang umiiyak dahil hindi anak ang trato nito sa kanya.

Napahugot siya ng malalim na hininga. Wala na siya sa poder ng kanyang ama kung saan kailangan maging martir siya sa loob ng trabaho ngayon malaya siya. Masarap sa pakiramdam niya. Dinagdagan pa na pamilya ang turing sayo ng mga katrabaho niya ngayon di gaya noon na iniilagan siya. Palakaibigan ang lahat. Kahit kakasimula pa lang niya pero parang ang tagal na siya ng mga ito nakatrabaho.

Naghanda na siya para sa importanteng meeting nila. Kasama siya sa meeting dahil malaking bagay iyun para mabilis niya pa matutunan ang mga bagay-bagay o malaman ang dapat niyang malaman bilang empleyado sa kompanya ito.

Nang makapag-ayos ng sarili. Nagtungo na siya sa meeting room kung saan nadatnan niya na naroroon na rin ang iba. Wala pa ang boss nila kaya may oras pa sila nagkakwentuhan at dahil bago lang siya. Siya ang naging topic ng mga ito. Ilang mga tanong na madali naman niya nasagot hanggan sa dumating ang boss nila.

Sabay-sabay na binati nila ito. Mangha pa nga siya dahil parang kaibigan lang ito makitungo sa kanila. Hindi mo aakalain na big boss nila ito.

Isa pa nakakabilib na gaya ni Kennet ay isa din itong bituin. Isang bituin na pinili ang maging isang ordinaryong tao. Gusto nga niya na makakwentuhan ito kung kagaya ni Kennet ay may binuhay din ito tulad niya na isang tao at alamin kung kamusta na iyun pero ayaw naman niya magmukha close kaagad saka amo pa rin niya ito.

"Honesty,guys..hindi naman totally ma involve kayo sa problema ko ngayon kaso.."anito sabay kamot muna sa ulo na kinangiti nila lahat.

Napabuga ito ng hininga. Kitang-kita na stress ito dinadaan lang sa pagiging kwela nito.

"Naniniwala kasi ko mga malapit lang sayo ang makakatulong sayo kaya nagpatawag ako ng meeting para sana magpatulong sa inyo sakali man,"patuloy nito.

"Ano po yun,boss? Baka po makatulong po kami,"untag ng isang empleyado.

Nginitian ito ng boss nila.

"Uh,guys..alam ko meron naman ako makukuhanan o agency na pwede makatulong pero kilala niyo naman ako much better kung makakatulong ako yung hindi masyadong public figure,i mean..yung hindi kilala kasi gusto ko sa mismo kompanya ko makilala siya at..lalakas ang kita ng kompanya ito hindi dahil sa modelo kundi dahil dun sa product or such..kaya gusto ko sana magpatulong sa inyo na maghanap ng pwede maging modelo ng upcoming shoot ng bagong model ng kotse natin,"litanya nito na kinatinginan nila lahat.

"Umatras po ba ang nakuha niyo modelo,boss?"pagtataka ng isa na iyun din ang pagkakaalam nila lahat na may nakuha ng modelo para roon at isang linggo na lang launching na.

Napabuntong-hininga ang boss nila.

"Hindi siya umatras..she's pregnant at hindi maganda ang sitwasyon nila magkakapamilya at nirerespeto ko yun kaya agad ko kinansela ang contract niya satin,"pagtugon nito.

Lahat sila nanghinayang. Nakita na niya ang nakuhang modelo. Nasa 20s pa lang ang modelo at nagsisimula pa lang sa modelo. Freelancer baga.

Hindi nila maiirekomenda na kumuha na lamang ito sa mga agency kapalit ng naunang modelo dahil base na rin sa nalaman niya mula sa katrabaho niya na kung ano lang ang karapat-dapat iyun lang ang masusunod.

"Isang linggo na lang po launching na..kung kukuha na lang tayo basta-basta baka po mahirapan yung modelo lalo na sa pagproject lalo pa kung hindi naman ganun kaexperience yung modelo makukuha natin para sa shoot,"komento ng isang babae na siyang mas may edad sa kanila.

Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon