Chapter 26

272 29 2
                                    

ADOPTED

The feeling is like a magical. Mabilis ang pangyayari mula ng pirmahan niya ang kontrata ng isang kilalang modeling agency. Heto siya ngayon,inaaral ang kailangan niya gawin para sa isang mahalagang launching ng isang kilalang clothing line. Siya ang magiging highlight sa event na yun bilang bagong modelo ni Joyce. Excited na kabado siya. Iyun ang pinakauna-unahang pagkakataon na mapapanuod siya ng marami at hindi lamang yun mabobroadcast pa international kaya mas lalo siya kabado.

Mas kabado siya ng makitang Summer theme ang irarampa sa entablado. Hindi niya alam kung kakayanin ba niyang rumampa na nakaunderwear lang pero ginusto niya ito. Bilang isang modelo dapat handa ka sa lahat lalo na pagdating sa susuotin mapasexy man o hindi. Hindi naman insecure sa katawan niya dahil natural ng fit at slim ang katawan niya siguro nga pinanganak siya talaga na may katawan na pangmodelo.

"Ganyan ang...susuutin mo?"untag ni Kennet ng makita nito ang Portfolio na nakalapag sa center island. Kunot ang noo nito habang nakatitig roon.

Iniwan muna niya saglit ang niluluto para harapin ito.

"Oo,summer theme kasi ang ilolaunch ng company yun,"sagot niya.

Salubong ang kilay nito na nag-angat ng tingin sa kanya. "Bakit kailangan ganyan lang suutin?"

Pinigilan niya ang matawa sa nakikitang reaksyon nito. Alam niyang inosente pa ito sa ibang bagay.

"Isa yan sa sinusuot kapag summer,kennet,"magiliw niyang tugon rito. Lalo lumalim naman ang kunot sa noo nito.

"Alam ko saka may nakita na ko na may nakasuot na ganyan sa tv pero.."saad nito at di matuloy-tuloy ang sasabihin.

Humalukipkip siya rito. "Bakit? Hindi ba bagay sakin magsuot ng ganyan?"

Nanlaki ang mga mata nito. "Wala naman ako sinasabi! Ano,kasi--- baka..maraming lalaki dun,"anito saka nagbaba ng tingin.

Hindi na niya napigilan na tumawa. Mas lalo siya natawa ng sumimangot ito.

"Nagseselos ka ba?"

Bigla ito napaangat ng tingin sa kanya. "Ayaw mo makakita sakin ibang lalaki na ganyan ang suot?"panunudyo niya rito.

Hindi ito umiimik pero kita sa mga mata nito ang sagot. Napabuga siya ng hininga.

"Nagseselos lang ang isang tao kapag..may feelings sila,"marahan niyang sabi.

Nagbaba ito ng tingin. "Ayoko aminin sayo,"usal nito.

Sa sinabi nito agad na nagreak ang puso niya. "Gusto mo ako?"

Dumiin ang tingin nito sa portfolio.

"Kennet,"pagtawag niya rito.

Napabuntong-hininga ito saka nag-angat ng tingin sa kanya.

"Hindi ko alam kung bawal o...ayaw mo na magkagusto ako sayo. Hindi ko naman sinasadya na maramdaman ko yun para sayo,"wika nito na lalo nagpabilis ng tibok ng puso niya.

"Hindi naman sa ayaw ko,kennet..hindi ba parang hindi madali yun para sayo kasi...di ka naman magtatagal dito,"aniya.

Nagbaba ito muli ng tingin. "Pwede naman ako manatili dito eh,"mahina nitong sabi.

"Ha?"saad niya pakiramdam niya nabingi siya sa sinabi nito at gusto niya marinig ng malinaw ang sinabi nito.

"Ano ulit sinabi mo?"

Nag-angat ito ng tingin sa kanya pero bigla nag-ingay ang celpon nito na nakapatong sa center island sa tabi ng portfolio niya.

Sabay na sinulyapan nila ang tunatawag at makitang pangalan ni Atty.Alazis ang nasa screen. Agad na dinampot iyun ni Kennet at sinagot ang tawag.

"Talaga? Anong oras?"anang ni Kennet sa kausap.

Nang matapos ang tawag agad na tinuon nito ang atensyon sa kanya.

"May update na tungkol sa pakiusap ko kay Alazis,"anito.

"Sa pag-iimbestiga sa pamilya ko?"

Tumango ito.

"May..natuklasan sila tungkol sayo,"saad nito na kinatigil niya.

"Sinabi kung ano?"saad niya at may kung anong umuusbong na kaba sa dibdib niya.

"Gusto niya magpunta tayo mismo sa opisina niya para sabihin yun,"sagot nito sa kanya.

Hindi niya alam kung ano mararamdaman. Kakabahan ba siya o ano. Wala siya maisip kung ano dapat malaman niya sa katauhan niya.

Ngayon nasa harapan na sila ng opisina ni Atty. Alazis muli nabuhay ang kaba niya pero may halo iyun kuryuso. Napukaw siya ng may pumisil sa kamay niya saka nilingon niya ang katabi. Hawak-hawak nito ang kamay niya.

"Okay ka lang ba?"

"Okay lang ako. Kinakabahan lang ako,"sagot niya.

"Huwag ka mag-alala nandito lang ako,okay?"

Napangiti siya sa sinabi ng binata. Magkahawak-kamay sila na pumasok na ng tuluyan sa loob ng gusali kung saan naghihintay na sa kanila si Alazis.

Hindi binitawan ni kennet ang kamay niya kahit nasa loob na sila ng opisina ni Atty.Alazis. Naiilang lang siya ng kaunti o baka dahil hindi naman siya sanay sa ganito. Lalo na kaibigan ito ni Kennet. Aware kaya ang mga ito kung anuman ngayon ang namamagitan sa kanila ng binata?

"First of all gusto kita batiin nakaabot sakin ang balita na isa ka ng modelo,"simula nito.

"Salamat,Atorney,"kaagad niya tugon.

Sumulyap ito sa magkahawak-kamay nila ng binata pero agad din binalik sa kanila ang tingin nito at base sa reaksyon nito mukhang inaasahan na nito iyun. Kinalma niya ang sarili at isip sa kung anoman ang maaari sabihin nito na ayon rito na may natuklasan tungkol sa kanya mula sa pang-iimbestiga.

Napukaw siya ng may ilapag itong papel sa harapan nila.

"Sa tulong na din ng asawa ni Wendell mas napadali ang paghahalungkat tungkol sa background ng parents mo,"lahad nito.

"Base sa natuklasan ng private investigation ito ang nakuha niya,"anito saka tinulak ang papel sa harapan niya.

Nagtataka naman na inabot niya iyun at pinasadahan ng basa. Wala naman siya maintindihan sa nakasaad roon maliban sa dalawang salita na nakalagay dun.

ADOPTATION PAPER

Bumilis ang tibok ng puso niya. Nakasaad roon ang pangalang CYTHIA REID.

Puno ng katanungan na tumingin siya kay Atty.Alazis.

"That's your real name when you are a 9 mos old,"pagsagot nito sa nakikita katanungan sa mga mata niya.

Nahigit niya ang hininga. Humigpit ang paghawak ni Kennet sa kamay niya.

"Inampon ka ng mag-asawang YVAS,noong 9 mos old ka pa lamang,"patuloy.

Halos malukot na ang papel na hawak niya. Hindi magsink in sa utak niya ang sinabi nito.

Ampon?

Inampon lang siya ng kinalakihan niyang magulang?

Cythia Reid ang tunay na pangalan niya hindi Danica Yvas!

"It is a legal process para maampon ka na may consent ng...tunay mong ina,"dagdag nito na halos magpabingi sa kanya.

Hindi na niya namalayan ang pagtulo ng mga luha niya.

Masakit marinig sa kanya na pinaampon siya ng sarili niyang ina!

Sobrang sakit. Nakakamanhid!

Yakap-yakap na siya ni Kennet habang umiiyak ng tahimik.

Kaya pala ganun ang trato sa kanya ng magulang niya mula ng isilang si Daisy kasi di naman talaga siya ng mga ito tunay na anak.

"N-nalaman ba kung nasaan ang tunay ko ina?"may luha niyang tanong.

"Hinihintay ko lang ang permiso para dyan sa tanong mo,"tugon kaagad nito.

"G-gusto ko malaman kung nasaan ang tunay kong ina,"saad niya.

Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon