INTERVIEW
Hindi malubos maisip ni Danica na masasabi niya iyun.
Nagpadala lang ba talaga siya sa emosyon kaya sinabi niyang nobyo niya si Kennet sa kapatid niyang si Daisy. Nadala lang ba siya ng bugso ng insekyuridad?
Pero bakit may nararamdaman siyang kaba?
Hindi niya gusto ang nakikitang paghanga ng kapatid niya kay Kennet. Kahit sino magagwapuhan sa lalaking yun..at maganda ang kapatid niya si Daisy.
Napabuga siya ng hininga. Dapat ba iniisip niya ito?
Naiinsecure ba siya?
Natatakot ka baka may maagaw na naman sayo...
Natigilan siya. Maagaw?
Hindi naman sila talaga ni Kennet.
Bakit parang dismayado pa siya?
Agad na nakaramdam siya ng inis. Ano ba ito pinag-iisip niya?!
Gusto ba niya na magiging totoo yun?
Nanlaki ang mga mata niya sa isipin iyun.
Natigilan siya ng may malakas na sunod-sunod na katok ang gumambala sa kanya.
Oras na ng pahinga at hindi niya alam kung sino sa mga kasama niya sa bahay na ito ang kakatukin siya?
Himala yun!
Patamad na binuksan niya ang kumakatok at napagbuksan niya ang kapatid. Suot ang manahalin na sikly night dress.
"Bakit?"malamig na tanong niya rito.
"Boyfriend mo ba talaga siya?"deretsahan nitong sabi.
"Duda kasi ko na nobyo mo siya,"maatityud nitong sabi.
Pinatili niyang malamig ang aura niya sa mapangduda nitong titig.
Bumuntong-hininga siya saka patamad na isinandig ang kabilang balikat niya sa gilid ng pintuan niya.
"What is it to you kung boyfriend ko siya o hindi?"tahasan niyang tanong rito.
She's older than her. Kaya hindi niya hahayaan na kausapin siya nito na akala mo hindi siya kapatid.
Ate siya nito!
Natagilan ang kapatid pero agad din nakabawi.
"Hindi kayo bagay..saka kung ako sayo kilalanin mo muna siya parang kasi hindi lang ikaw ang girlfriend niya. Alright,he's so very handsome and...payong kapatid lang naman.."
Nginisihan niya ang kapatid na hindi nagustuhan ang naging reaksyon niya.
"Why so interested about us?"
Naningkit ang mga mata nito sa tanong niyang iyun.
Umismid ito at mataray na nakipagtitigan sa kanya.
"Malaki pa ang responsibilidad mo kina Daddy dapat inuuna mo iyun kaysa makipaglandian,"mapanuya nitong sabi sa kanya.
Agad na kinalma niya ang sarili sa sinabi nitong iyun. Ayaw niyang sumabog sa kamalditahan nito.
Pinuno niya ng hangin ang dibdib saka kalmante na may ngiti sa mga labi niya na hinarap ang kapatid.
"Ikaw,may responsibilidad ka din sa pagmomodelo mo dapat iniisip mo yun kaysa usisain ang tungkol sa amin ni Kennet,"matapang na supla niya rito at sabay sara ng pintuan niya.
Lumaki ang ngiti sa mga labi niya ng makita ang nabiglang reaksyon ng kapatid bago maisara niya ang pintuan.
Masaya siya na nasabi niya yun sa kapatid. Kung gusto din naman nito ng makipagmalditahan siya tatapatan niya tutal mas matanda siya rito.
BINABASA MO ANG
Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)
FantasyIsa si Kennet sa sampung bituin o mga tinatawag na Star of life. Sila ang mga bituin na nagbibigay ng pangalawang buhay sa mga tagalupa at isa iyun misyon para sa kanila. Si Kennet ay matagal ng namamangha kung ano nga bang klaseng mundo meron ang m...