(🔞)
Muli niya naranasan sa pangalawang pagkakataon na maging masaya ng tunay kasama ang tunay na pamilya niya sa pagkakataon ito.Walang katumbas ang kasiyahan sa puso niya habang masayang nagkukwentuhan lalo na nasa tabi niya si Kennet na masaya at magiliw na nakikipag-usap sa kanyang Tita Celyn. Nagkaayaan din sila magmountain hiking na labi na namiss niya ng sobra. Kung noon ay ginagawa niya iyun para takasan ang problema at lungkot pero ngayon nagagawa na niya ulit sa pagkakataon iyun dahil masaya siya kasama ang mga mahal niya sa buhay.
Idinipa niya ang mga braso ng makarating siya sa dulo ng bangin. Ipinikit niya ang mga mata at nilanghap ang sariwang hangin. Ang nakasanayan niyang paghahiking ay siya pala hilig din ng kanyang ama ng nabubuhay daw ito dahil laki sa probinsya ang ama niya ayon sa kwento ng kanyang Tita Celyn. Unti-unti iminulat niya ang mga mata at tinanaw ang nagkukulay kahel ng kalangitan.
"Ang bilis mo nakarating dito,"untag sa kanya ni Kennet. Agad na nilingon niya ito na may ngisi sa mga labi niya.
"Sanay ako sa ganito,"proud niyang sagot.
"At sa ganitong lugar tayo nagtagpo,"anito.
Agad na naalala niya ang huling nangyari sa kanya at ng araw iyun kung saan din siya binawian ng buhay.
Napukaw siya ng akbayan siya ng binata. "Bigla ka nalungkot. Pasensya na baka ayaw mo ng maalala pa nangyari sayo,"saad nito. Niyakap niya ang mga braso sa beywang nito.
"Pero iyun din ang araw na...dumating ka para buhayin muli ako,"usal niya.
Umihip ang hangin. Tiningala niya ang binata. Nakatanaw ito sa magandang tanawin.
"Siguro namimiss mo na sa templo. Lalo na ang mga tulad mo,"untag niya rito.
Bumaba ang tingin nito sa kanya.
"Marami sila pero..sinanay kami na darating ang oras na may pipiliin kami,"usal nito.
May gusto sabihin ang puso at isipan niya pero...natatakot siya sabihin yun dahil ayaw niyang maobliga lamang ito dahil sa kanya. Oo. Misyon lang ang pinunta nito sa lupa at siya yun pero nagawa na nito iyun. May sarili itong buhay at dapat balikan. Hindi siguro niya dapat pa hilingin na bukod pa sa buhay na binigay nito sa kanya ay ang hilingin na manatili sa tabi nito.
Agad na sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito bago pa nito makita ang panunubig ng mga mata niya. Humigpit ang yakap niya rito. Baka ito na ang huling yakap niya sa binata ngayon magbabalik na ito sa templo.
"Gusto ko sana sumama kanina sa pag-akyat niyo kanina kaso masyado na matanda ang Tita niyo para sabayan kayo. May rayuma na tayo eh,"anang ng Tita Celyn niya. Nagkatawanan sila habang maganang pinagsasaluhan nila ang inihaw na bangus na baon nila. Napagpasyahan nila na mag-overnight mismo sa lugar na iyun kung saan may nakalaan naman na cottage para sa mga turista. Matapos sila maghapunan at magtsaa nagpaalam na ang mag-asawa para mamahinga tila nanibago sa hangin ang Tito niya kaya hindi naging maganda pakiramdam nito.
Kanina pa siya kabado nang makapasok na sila sa cottage nila ni Kennet. Kanina pa niya napagdesisyunan ang bagay na ito. Nakailang beses na siya magpupuno ng hangin sa dibdib para kumalma habang hinihintay ang binata na umakyat sa kama na tutulugan nila.
Nahigit niya ang hininga ng pumasok na ang binata.
"Hindi ka makatulog?"concern nitong tanong kaagad sa kanya. Tumabi na ito sa kanya habang nakasandal siya sa may headboard.
"Ahm,hindi naman. Hinihintay lang kita,"aniya. Ngumiti ito saka pinatay na ang ilaw tangin maliit na ilaw na malamlam ang liwanag ang siya tangi nilang panglaw.
Umayos na siya ng pagkakahiga at gayun din ang binata kaagad na niyakap siya nito mula sa likuran niya.
"Kennet,"tawag niya rito.
BINABASA MO ANG
Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)
FantasyIsa si Kennet sa sampung bituin o mga tinatawag na Star of life. Sila ang mga bituin na nagbibigay ng pangalawang buhay sa mga tagalupa at isa iyun misyon para sa kanila. Si Kennet ay matagal ng namamangha kung ano nga bang klaseng mundo meron ang m...