INVESTIGATE
"Gusto mo ipabackground investigate ang pamilya ni Ms.Danica Yvas?"untag ni Alazis kay Kennet. Sinadya ni Kennet ito sa mismong pag-aaring law firm nito.
Agad na tumango siya sa tanong nito. "Oo,sa legal na paraan sana kaya sayo ako lumapit,"tugon niya.
Mariin na tinitigan siya nito. "Why wasting time for it? Hindi ba malapit ka na bumalik sa templo?"deretsahan nitong sabi.
"Hindi kasi ako mapakali. Hindi maganda ang trato sa kanya ng pamilya niya parang hindi siya kapamilya ng mga ito,"seryoso niyang sabi.
Tumango-tango ang kaibigan na dating bituin. "Alam ba niya gagawin mo ito?"
Agad na umiling siya. "Sasabihin ko din naman,"sagot niya.
"Hmmm..sabihin mo iisa lang ba naiisip natin dalawa?"tanong nito.
Sinalubong niya ang mariin nitong tingin sa kanya. Wala na ito kakayahan pa na meron siya mula ng piliin nito maging tao.
"Hindi naman siguro siya tatratuhin ng ganun kung tunay ba siyang kapamilya ng mga ito,"saad niya.
Umangat ang isang dulo ng mga labi nito.
"Pwede tayo maging magpartnership madali lang naman mag-aral mabilis lang ang panahon dito,"bigla nito sabi.
Nangunot ang noo niya.
"Hindi ko makuha ang ibig mo sabihin,"tugon niya.
"Kung maisipan mo lang manatili dito welcome ka sa firm ko,"anito sabay ngisi na sa kanya.
Namamanghang napatitig na lang siya rito. Napukaw niyun ang interes niya.
"Interesante. Pero sa ngayon gusto ko muna unahin si Danica,"saad niya.
"Oo naman..but is that still part of your mission?"makahulugan nitong tanong.
Pinakiramdaman niya ang sarili. Parte pa nga ba ng misyon niya ang ginagawa niyang ito?
Muli niya naalala ang mga eksena na naranasan niyang halik mula sa dalaga.
Agad naman nagreak ang dibdib niya.
"Natural lang ba na makaramdam ako ng kabog sa dibdib kapag...kasama mo siya? O kaya kapag..nahalikan ka niya?"deretsahan niyang tanong rito.
Lalo lumawak ang pagkakangisi nito. "Natural lang yan sa isang tulad mo na umiibig,"sagot nito.
"Umiibig,"usal niya sa huling salita sinabi nito.
Umiibig siya!
"Umiibig ako kay Danica?"
Tumawa ito ng mahina. "You can find that answer on your self,bituin.."tugon nito.
Hindi nga ba iyun na ang nararamdaman niya simula pa lamang.
"Bigyan mo ako ng ilang araw tungkol dito,"untag nito sa kanya.
"Aasahan ko yan,"saad niya.
Tumango naman ito.
Ipapaalam niya sa dalaga ang pakiusap niya kay Alazis. Ayaw niya naman na ilihim rito ang tungkol doon lalo na pamilya nito ang pinanghihimasukan niya.
"May gusto sana ako ipaalam sayo,"untag niya rito pagkababa nila ng sasakyan nito.
Agad naman ito tinuon ang atensyon nito sa kanya.
"Ano yun?"
Napakamot muna siya sa ulo. Kabado siya talaga kasi alam naman niya pangingielam ang ginagawa niyang iyun.
"Ano yun?"ulit nito tanong sa kanya.
"Huwag ka sana magagalit sa ginawa ko gusto ko lang naman mabawasan ang nararamdaman mo lungkot para sa pamilya mo,"tugon niya.
Dumiin ang titig sa kanya ng dalaga at mas lalo kinabahan. "Nakiusap ako kay Alazis na...na gumawa ng background check para sa pamilya mo,"saad niya.
"Alam ko pangingielam yun! Patawad. Hindi kasi ako matahimik sa naiisip ko tungkol sa bagay na yun,"pagpapaliwanag niya.
Tahimik lang ito habang nagsasalita siyà.
Bagsak ang balikat na binagsak niya ang tingin sa baba. "Ayos lang sakin kung magagalit ka sakin,tatanggapin ko. Siguro pala dapat tinanong muna kita bago ko kinausap si Alazis,"mahinang sabi niya habang nakayuko pa rin.
"Ano bang..naiisip mo at nagawa mong paimbestigahan ang pamilya ko?"untag nito na kinaangat niya ng tingin rito.
"Aminado naman ako na wala akong alam pagdating sa isang pamilya pero kasi--"natigilan siya ng maramdaman ang pagyakap sa kanya.
He too stunned to move. Tanging galabog lang ng puso niya ang tanging nagrireak.
"Ayos lang sakin. Di naman ako galit sa ginawa mo. Alam kong concern ka lang sakin at...pinagpapasalamat ko yun,"marahan nitong sabi.
Nang makabawi ginantihan niya ang yakap nito.
"Hindi na mauulit,pabigla-bigla ako sa ginawa ko,"saad niya. Hindi na niya naisip yun dahil ayaw niyang mag-aksaya pa ng oras.
Tinapik nito ang likod niya. "Ayos lang. Hindi ko man naisip yan pero...salamat,"anito.
He heave a sighed. "Pangako di na ko makikielam sa susunod,"saad niya.
Tumango-tango ito. "Well,kapag may gusto ka naman malaman..jusk ask me,"anito.
Tumango siya at nahihiyang napakamot sa ulo. "Pasensya na. Alam kong hindi na yun sakop ng misyon ko dito pero gusto ko lang naman masiguro na okay ka...kapag kinailangan ko ng bumalik sa templo,"saad niya.
Nakitaan niya ng lungkot ang dalaga sa sinabi niya pero kaagad iyun nawala. "Malapit ka na bang...bumalik sa templo niyo?"mabagal nitong tanong sa kanya.
Tumango siya. "Malapit na malapit na,"sagot niya.
"Dapat pala kailangan mo na sulitin ang pananatili mo rito!"
"Masaya at marami naman ako natutunan lalo na nandyan ka lagi,"tugon niya.
Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito.
"Alam mo bang masaya ako ngayon?"
"Talaga?"
"Oo. May pinirmahan akong kontrata para maging isang modelo sa isang kilala modeling agency,"masaya nitong sabi.
Sa sobrang tuwa niya sa sinabi nito muli niya ito niyakap kasunod ang paghalik sa noo nito.
"Sobrang masaya ako para sayo!"
Natigilan lang siya ng makita ang pagkatigil ng dalaga.
Napakurap-kurap siya. "Uh,Danica?"
Hindi niya napaghandaan ang sunod na nangyari. Namalayan na lamang niya na magkalapat na ang kanilang mga labi.
Ang halik mula rito na paniguradong hahanap-hanapin niya. Ang kinaaadikan na niya.
Tama ba na hilingin niya na sana ay sa kanya lang ang halik nito?
Siya lang ang pwede nitong halikan?
Wala ng iba na hahalik rito tanging siya lamang.
Halik na puno ng damdamin...ng init.
"Halik ba yun dahil masaya ka?"usal niya ng magparte ang mga labi nila.
"Oo..Ikaw ba?"balik tanong nito sa kanya.
"Gusto ko. Gustong-gusto ko ang halik mo,"pag-amin niya sa tunay na nararamdaman niya.
"Pwede ba tayo magkiss kahit...kailan natin gusto?"
Napakurap-kurap ito saka natawa ng mahina. "Hindi ka na inosente,kennet,"anito.
"Masama ba yun?"
Natawa ito muli.
"Baka..masanay ka?"
Ngumisi siya. "Gusto ko!"
Napailing ito. "Ewan ko sayo,"anito sabay talikod sa kanya agad naman na sinundan niya ito.
"Kiss mo ko lagi ah!"
BINABASA MO ANG
Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)
FantasyIsa si Kennet sa sampung bituin o mga tinatawag na Star of life. Sila ang mga bituin na nagbibigay ng pangalawang buhay sa mga tagalupa at isa iyun misyon para sa kanila. Si Kennet ay matagal ng namamangha kung ano nga bang klaseng mundo meron ang m...