CRIED
Walang imik. Tuloy-tuloy lang sa paglalakad si Danica. Sinundan ito ni Kennet hanggan sa makarating ito sa inuupahan nito. Tila ba ito isang robot. Nang mabuksan nito ang pintuan at makapasok agad na isinara niya iyun. Nanatili siya nakatingin sa dalaga. Huminto ito sa paghakbang.
"Dito ka na kumain..Magluluto ako,"sabi nito na nakatalikod sa kanya. Bago pa man ito makahakbang pumalibot na ang mga braso niya sa harapan nito mula sa likuran nito ay niyakap niya ito. Natigilan ang dalaga sa ginawa niyang iyun at hindi niya tinangka na baklasin iyun. Gusto niya iparamdam rito na nasa tabi lang siya nito.
"Kahit di maganda ang trato nila sayo..tandaan mo nandito ako.."usal niya. "Ayokong nakikita kang malungkot. Pakiramdam ko may pumipiga sa puso ko. Masakit. Ayoko makita ka ng ganun,"patuloy niya.
Isang hikbi ang kumawala sa dalaga. Mas lalo niya naramdaman ang sakit sa puso niya na marinig ang pag-iyak nito.
Hinigpitan niya ang pagyakap sa dalaga. "Iiyak mo lang hanggan sa gumaan ang pakiramdam mo,nandito lang ako.."saad niya at hinayaan niya ito ilabas ang kinikimkim nito emosyon.
Kahit gaano man katatag at katibay ang isang tao darating at darating din sa punto na manghihina ito lalo na kung ang lakas nito ay siya din nitong kahinaan.
"A-ang tagal ko tiniis at binalewala ang p-pagbabalewala nila sakin mula ng..maipanganak si Daisy nagbago sila sakin,"humihikbing usal ng dalaga.
Hinayaan niya ito magsalita sa pagitan ng pagbuhos ng emosyon nito.
"P-inaparamdam nila sakin...na..na di nila ako anak,"mapait nitong saad.
Mariin niya naipikit ang mga mata kasabay ng pagpisil niya sa braso nito. "S-sinunod ko sila sa gusto nila..dahil...dahil akala ko mararamdaman ko na---anak din nila ako. P-pero para lang akong hangin sa kanila..isang empleyado na kailangan mo sundin ang gusto nila ipagawa sayo,"patuloy nito at sa puntong iyun may halong pait at hinanakit sa tono nito. Nasasaktan siya para rito. Doble pa nga iyun sa nararamdaman nito ngayon.
"Hindi---hindi nila ko mahal,"puno ng hinanakit na saad nito sa huling sinabi at muling napahikbi. "Pati pangarap ko..binigay ko sa kanila para lang maramdaman nila na masunurin akong anak!"umiiyak nitong bulalas.
Ipinihit niya paharap sa kanya ang dalaga. Mas lalo siya nasaktan ng makitang luhaan ito at ang sakit sa mga mata nito. Niyakap niya muli ang dalaga.
"Hindi na nila maaagaw sayo ang pangarap mo,Danica.."saad niya sa mariin na tono. "Pangako. Hindi ko hahayaan na makuha nila sayo yun,"dagdag niya.
Nagpatuloy sa pag-iyak ang dalaga hanggan sa tumigil ito. Magang-maga ang mga mata nito pagkaraan.
"Okay ka na?"untag niya rito pagkaraan.
Humigit ito ng hangin saka tumango na hindi ito tumitingin sa kanya.
"Ang ganda mo pa rin kahit mugto mga mata mo,"saad niya upang pagaanin ang loob nito.
Nag-angat ito ng tingin sa kanya pero mababanaag roon ang hiya. Nginitian niya ang dalaga upang ipakita rito na wala dapat ito ikahiya sa kanya.
"Totoo! Para sakin ikaw ang pinakamagandang babae na nakita ko!"turan niya.
Totoo iyun. Oo. Magaganda din naman ang mga babae bituin pero nahigitan ni Danica ang mga iyun.
"Tama ka na. Parang ginawa mo naman ako bata sa sinasabi mo para lang tumahan,"paos nito sabi.
Nangunot ang noo niya sa sinabi nito. Hindi ito naniniwala sa sinabi niya.
"Pero totoo naman yun!"giit niya.
Nag-iwas ng tingin ang dalaga saka ibinaling ang paningin nito sa kusina.
"M-magluluto ako. Gutom na ko,"tila paiwas nitong turan.
Napangiti siya sa inakto nito. Alam niyang nahihiya lang ito sa kanya.
"Tutulong ako!"agad na boluntaryo niya saka sumunod siya rito sa kusina.
Isang malakas na ulan ang bumungad sa pagbukas ng pintuan ng ihatid siya ng dalaga palabas.
"Mukhang may biglaan bagyo na dumating,"turan ng dalaga habang tinanaw ang malakas na pagbuhos ng ulan.
"Makakauwi naman ako ng maayos,"turan niya rito sabay taas-baba ng mga kilay niya.
Mangha lang napatango sa kanya ang dalaga alam niyang tukoy nito na kaya niyang magteleport.
"Salamat sa hapunan. Goodnight!"paalam na niya rito pero bigla na lamang may gumuhit na liwanag kasunod ang malakas na dagundong sa buong kapaligiran kasabay niyun ang malakas na pagtili ng dalaga.
Nagpanik ito habang nakatakip sa magkabila tainga nito ang mga kamay. Muli umingay ang paligid dahil sa kidlat at kulog.
Agad na dinaluho niya ang dalaga na makitang takot na takot ito. Iginiya niya papasok sa loob ang dalaga na takip pa rin nito ang magkabila tainga at muli napatili ng kumidlat at kunulog muli kahit naisara na niya ang pintuan.
"Okay ka lang ba?!"nag-aalala niyang tanong sa dalaga.
Napaupo ito ng muli umingay sa labas.
"Danica!"
"Natatakot ako! Baka...baka..sa bundok. M-malakas ulan nun. Tapos---tapos.."hindi matuloy-tuloy nito sabi. Umagos ang mga luha sa mga mata nito at kitang-kita niya ang takot sa mukha nito.
Sumiksik ito sa katawan niya habang nakaluhod ang isa niyang tuhod sa sahig. Agad na niyakap niya ito ng mahigpit.
"Natatakot ako. Baka...baka kuhanin sakin ang binigay mong pangalawang buhay sakin,"umiiyak nitong sabi.
"Hindi. Hindi. Huwag kang matakot,Danica. Shhhh..."pag-aalo niya sa umiiyak na dalaga.
Alam niya kung ano ang nangyayari rito. Naalala nito ang nangyari rito bago ito bawian ng buhay at kung saan niya ito natagpuan.
Napukaw siya ng maramdaman na bumigat ang katawan nito at doon niya natanto na nakatulog na ito mula sa labis na pag-iyak.
Pinangahasan niyang patakan ng halik ang noo nito.
"Huwag kang mag-alala nandito lang ako,"anas niya saka ito binuhat at dinala sa kwarto nito.
Nang maihiga niya ito sa kasama nagmulat ito ng mga mata. Agad na ibinaklas niya ang braso sa katawan nito pero pinigilan siya nito.
"Huwag mo ko iwan,"anas nito.
Napaigtad ito ng may liwanag na sumilip sa bintana nito.
"Hindi kita iiwan,"agad na tugon niya rito.
Mahigpit ang hawak nito sa braso niya saka ito pumikit muli.
Pinagmasdan ang mukha ng dalaga. Sumikip ang dibdib niya ng makita ang pagtulo ng luha sa isang gilid ng mata nito.
May mabuti itong kalooban pero bakit ito nagagawa saktan ng iba. Ang masakit pa roon mismong mahal sa buhay nito ang nanakit niya rito at hindi niya iyun matanggap.
Wala man siya matatawag na magulang at kapatid sobrang masakit sa kanya ang makitang kung paano tratuhin ito ng mahal sa buhay nito ang dalaga. Matagal ito nagtiis at...nasaksihan niya ang pagbreakdown nito kanina. Ilan beses na iyun nangyari sa dalaga?
Sigurado siyang maraming beses na.
BINABASA MO ANG
Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)
FantasyIsa si Kennet sa sampung bituin o mga tinatawag na Star of life. Sila ang mga bituin na nagbibigay ng pangalawang buhay sa mga tagalupa at isa iyun misyon para sa kanila. Si Kennet ay matagal ng namamangha kung ano nga bang klaseng mundo meron ang m...