Chapter 29

251 29 2
                                    

COMFRONT

Nagpipigil lang si Kennet na gamitin ang kakayahan na paalisin ang mga taong dumudumog kay Danica. Taga-media at mga naging instant fans ng dalaga ang siyang pumipigil sa kanya na agawin ang dalaga sa mga ito. Hindi siya makalapit at ayaw naman niya gumawa ng eksena. Ayaw niya magkaroon ng isyu kaagad ang dalaga kung makikita nito na may lalaking bumabakod rito saka pinayuhan din siya ng kaibigan si Wendell. Nagsisimula pa lang ang dalaga sa pangarap nito at may mga bagay na kailangan isakripisyo para sa pangarap. Walang pasubali na sinabi ng kaibigan sa industriya na papasukin ng dalaga ay sinasantabi muna ang buhay pag-ibig.

Napabuntong-hininga siya. Ito ang gusto niya para sa dalaga. Ang maging masaya ito ng tunay.

Nahagip ng mga mata niya ang dalawang pamilyar na mukha. Sa di kalayuan matatanaw ang disgusto sa mukha ng mga ito.

Ang kinikilalang ina at kapatid ng kasintahan. Naikuyom niya ang mga palad. Kung siya lang ang masusunod ayaw na niyang maugnay pa ang dalaga sa mga ito pero lumaki ang dalaga sa poder ng mga ito kaya tanging si Danica lamang ang makakapagdesisyon para sa mga ito.

Muli niya ibinalik ang atensyon sa dalaga. Abala pa rin ito sa pakikipag-usap sa mga taga-media kasama si Joyce na tuwang-tuwa na inaalalayan ang dalaga.

"Paano yan? Mahirap na karibal ang madla?"pukaw sa kanya ni Wendell.

Bumaling siya rito. "Masaya ako kung saan siya masaya.."seryoso niya sabi saka muli ibinaling ang tingin sa dalaga. "Saka...hindi naman din ako magtatagal dito,"dugtong niya.

"Bakit? Kaya mo panindigan na di bumalik dito?"may panghahamon na sabi nito na kinabaling niya muli rito.

Nakangisi ito sa kanya. Mapanghamon ang mga mata nito sa kanya.

"Maniwala ka. Pimagdaanan na namin yan pinagdadaanan mo. Oo..babalik ng templo pero sa huli mas pipiliin mo pa rin rito,"saad nito. Tinapik nito ang balikat niya. "Alam kong pipiliin mo dito. Miss mo kami di ba? For sure naman mga naiwan pang bituin na kaibigan natin sa templo ay mamumuhay din dito,"anito.

Walang mali sa sinabi ng kaibigan. Iyun naman ang katotohanan. Isang bagay lang ang gusto niya marinig upang piliin talaga niya manatili rito kasama ang dalaga.

Isang salita lang mula sa dalaga sigurado siya dun.

Ibinalik niya muli ang atensyon sa kinaroroonan ng dalaga pero wala na ito roon.

"Relax! She's with them,"anang ni Wendell. Kunot ang noo na nilingon niya ito.

Them?

Ang ina at kapatid nito.

"Sundan mo,hindi maganda pakiramdam ko sa mag-ina na yun,"anang ni Wendell.

Kaagad naman siya tumalima. Maingat siya gamitin ang pagiging bituin niya lalo nasa publiko lugar siya. Hindi niya gusto ipahamak ang sarili kung may makakakita sa kanya.

Nakita naman niya si Joyce at agad na nilapitan niya ito.

"Si Danica?"

"Hi,Kennet! Oh,kausap niya ang Mama at ang kapatid niya,nandun sila. Iniwan ko para makapag-usap sila,"magiliw na sagot nito sa kanya.

"Salamat,"agad na pasasalamat niya at tinungo ang tinuro nito kung saan naroroon ang mga ito.

Sa may fire exit banda ang tinuro ni Joyce kaya mabilis naman niya natunton ang mga ito pero kaagad na pinigilan niya ang sarili na magpakita sa mga ito. Walang tao roon kaya marahil doon pinili ng mga ito makapag-usap.

Ikinubli niya ang sarili na hindi siya makikita ng mga ito. Hindi niya gusto na makinig sa mga ito pero sa huling pangyayari na kausap ng dalaga ang mga ito halos saktan ito kaya wala siyang pakielam kung makinig siya sa pag-uusapan ng mga ito gusto lang niya siguruduhin na sa pagkakataon ito hindi masasaktan ang dalaga mula sa mga ito.

Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon