STARRY STARRY TEMPLE
Humahangos na tinungo ni Kennet ang kinaroroonan ng Mahal na Haring-Bituin at ng Mahal na Reynang-Bituin. Natawa ang mga ito ng hingal na hingal siya ng makarating ito kung nasaan ang mga ito. Nakatukod sa magkabilang tuhod ang mga kamay at habol-habol ang hininga.
"Mukhang nakalimutan mo ata na pwede ka naman makarating ng di humihingal, "panunudyo ng Mahal na Haring-bituin sa bituin.
Isang magiliw na tawa ang nagmula sa Reynang-bituin.
"Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig.."panunudyo turan ng Mahal na Reynang-bituin.
Napapahiyang umayos ng pagkakatindig ang bituin at magalang na yumukod sa harapan ng mga ito bilang pagbibigay pugay.
"Ipagpaumanhin niyo po ang aking inasal.."napapahiyang sabi ni Kennet habang nakayuko sa mga ito.
"Tumindig ka at gusto namin makita kung gaano ka kasaya,mahal na Prinsipeng Bituin!"saad ng Mahal na Haring-bituin.
Agad na tumalima si Kennet. Pigil na pigil sa sarili na huwag sumabog sa katuwaan.
Narinig niya at malinaw na malinaw!
Ang mga salita na hinahangad niya mula sa dalaga.
"Muli nadagdagan ang masayang bituin dahil sa pag-ibig at labis kami nalulugod ng Mahal na Reynang-bituin.."anang ng Haring-bituin .
"Pinaghandaan naman ito ng ating mahal na Bituin,"nakangiting sabi ng Reynang-bituin.
Malugod na tumango si Kennet.
"Masaya kami sa inyong mga bituin na nasa kalupaan..mahalin mo ang taong siyang magbibigay sayo ng panibagong buhay.."basbas ng Haring-bituin.
"Maraming Salamat,Mahal na Haring-bituin,Mahal na Reynang-bituin!"pagyukod niyang muli.
Ngiting-ngiti na hinarap niya ang limang bituin.
"Mamimiss niyo ba ko?"
Napailing ang mga ito. "Hindi naman na bago,"untag ng isang bituin.
"Magkita-kita tayo sa baba,okay?!"
Wala nagreak at ang iba nagkibit lang ng balikat.
Samantala,sa kalupaan naman ay naghahanda na si Danica para sa isang engrandeng event na kung saan personal na inimbitahan siya ng isang silat na fashion designer. Ayon rito hinahangaan siya nito. Numero uno fan daw siya nito at sa unang pagkikita nila nito agad na nagkasundo sila. Gustong-gusto siya nito at nais nito siyang kunin modelo sa ilolaunch na bago design na mga damit nito. Gaya ng gusto niya mangyari nagsimula siya bilang rookie.
Nagtatagpo pa rin ang landas nila ng kapatid na si Daisy lalo na sa ilang event. Daisy try to ignored her and she respect that baka ayaw na lang din nito maisyu lalo na kilala na siya at pabor siya dun. Hindi siya magagawang maliitin nito ngayon iisa na ang mundo nila magkapatid na tinatahak.
Mula ng huling magkakaharap sila mag-anak ay hindi na muli sila nagkita pa maliban sa kapatid.
"Hindi naman siya excited na makita ka noh! Hindi lang naman ikaw ang bisita niya dun!"bulalas ni Joyce matapos ang tawag mula sa Fashion Designer na nag -inbita sa kanila.
Natawa siya. Hindi naman ito nagrireklamo. Nastress lang dahil panay ang tawag nito upang paalalahanan na wag siya bigyan ng schedule at ireserba ang araw nito sa kanya sa pagdalo niya rito.
"Huwag ka na mastress mabenta lang talaga ako,"nakangisi niyang sabi rito.
Tumirik ang mga mata nito.
"Hay naku,dapat sa Tita mo lang ako mastress hindi sayo noh!"mataray nitong sagot na kinatawa niya.
Napailing na lang siya at tumanaw sa labas ng bintana ng sasakyan. Patungo na sila kung saan gaganapin ang event. She's happy now pero may kulang pa din. Hindi kumpleto. Kahit nasa kamay na niya ang pinapangarap may isang bituin pa rin na hindi niya maabot.
Her star. Her beloved star.
Inaasahan na niya ang maraming tagamedia na nag-aabang sa mga darating na bisita. Red carpet and medias.
"Invited nga pala sister mo,"inporma sa kanya ni Joyce habang nasa sasakyan pa sila naghihintay na makausap ang nasa unahan nila sasakyan na siya din bisita.
Tumango-tango siya.
"Si Ms.Ignored,"patirik ang mata nitong turan na kinatawa na lang niya.
Okay na yun sa kanya kaysa naman gumawa ng eksena.
Pinuno muna niya ng hangin ang dibdib ng bumukas na ang pintuan ng sasakyan at saka inalalayan siya makababa ng isang lalaking nakatuxedo. Abala siya sa pagsikop ng kulay itim niyang silky gown. Hindi naman iyun mahaba. Tama lang para di maapakan. Aminado naman siya hanggan ngayon naiilang pa rin siya sa mga ganoon istilo ng kasuotan.
Agad na kumapit siya sa nakalahad na palad upang makababa siya ng maayos lalo na highheels ang suot niya. Nakayuko pa rin siya dahil ayaw niyang magkamali ng aapakan.
Hawak pa rin ang kamay niya ng nakaalalay sa kanya kaya sinulyapan niya ito.
Tila naging slowmotion ang lahat ng magtama ang mga mata nila ng lalaking umalalay sa kanya.
"K-kennet....?"maang niyang usal pagkaraan matulala.
Isang malapad na ngiti ang pinukol nito sa kanya. Itinaas nito ang magkahawak-kamay nilang kamay at yumukod ito sa kanya na tila isang prinsipe na nagbibigay pugay sa prinsesa nito habang nasa likuran nito ang isang braso.
"Magandang gabi,Mahal!"saad nito.
Sa labis na pangungulila niya sa binata at kasabikan na makita itong muli. Dinamba niya ito ng mahigpit na yakap kasabay ng pag-agos ng mga luha niya.
"B-bumalik ka!"luhaan niyang usal habang mahigpit pa rin niya itong yakap.
"Oo. Hindi ba wish mo na bumalik na ko sayo,"masuyo nitong tugon.
Lalo siya naluha na natupad ang hiling niyang iyun.
Napukaw lamang sila ng nagkikislapan na camera saka lang siya natauhan na marami nga pala tao sa kinaroroonan nila.
Natatawang inalalayan siya ni kennet na makatayo ng maayos. Hiyang-hiya tuloy siya dahil pakiramdam niya nasira na ang make-up niya although na manipis lang yun at di ganun kadali matanggal. Salamat sa high class na make-up.
"Kainis dahil sayo naging drama scene ang event na ito,"nahihiya na natatawa niyang turan.
Natatawang na kinulong nito ang mukha niya sa pagitan ng mga palad nito.
Mariin na tinitigan siya at mababanaag sa mga mata nito ang labis na kasiyahan na makita siyang muli.
"Mahal kita!"usal nito.
Nagsitilian ang nasa paligid at nangingibabaw na roon ang tili ni Joyce.
"Mahal na mahal din kita,"agad na tugon niya na lalong nagpatili sa mga ito.
Unti-unti bumaba ang mukha nito at hinayaan na angkinin nito ang mga labi niya. Halik na puno ng suyo at pagmamahal.
Pinagsaluhan ang isang halik na di alintana ang mga nagkikislapan mga camera mula sa mga tagamedia.
THE END.
BINABASA MO ANG
Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)
FantasyIsa si Kennet sa sampung bituin o mga tinatawag na Star of life. Sila ang mga bituin na nagbibigay ng pangalawang buhay sa mga tagalupa at isa iyun misyon para sa kanila. Si Kennet ay matagal ng namamangha kung ano nga bang klaseng mundo meron ang m...