Isang matunog na sampal ang gumimbal sa katahimikan ng malaking salas ng pamilyang Reid. Kung hindi lamang inaasahan iyun ni Celeste malamang nabuwal na siya sa malamig na sahig. Agad na nilapitan siya ng nakababatang kapatid na luhaan at takot na takot sa maaaring kahihinatnan ng malaking problema binigay ng nakakatandang kapatid nito sa ama.
Sinapo ni Celeste ang pisngi kung saan dumapo ang kamay ng ama. Iyun ang unang pagkakataon na sinaktan siya ng amo kahit noon pa lang ay nagkakasagutan na sila mag-ama pero ngayon lang ito nagawang saktan siya.
"PAPA,tama na! Huwag mo na saktan si Ate Celeste!"luhaan pakiusap ni Celyn sa ama ng puno ng galit ang mga mata na nakatitig sa kanya.
"Huwag ka makielam rito,Celyn! Kung ayaw mo pati ikaw madamay!"puno ng galit na bulyaw ng ama.
Naramdaman niya ang panginginig ng kapatid sa braso niya kung saan nakahawak ito para alalayan siya.
Nilingon niya ang kapatid.
"Sige na,Cel...hayaan mo na kami ni Papa rito,"mariin niyang sabi sa luhaan kapatid.
Lalo umagos ang mga luha ng kapatid. Takot at pangamba ang makikita. Nilapitan ito ng isa sa kasambahay nila na siyang nagpalaki sa kanila mula ng pumanaw ang kanilang ina dahil sa cancer.
"Sige na,hija.."naiiyak na inakay ito ng kasambahay ang kanyang kapatid.
Nginitian niya ang kapatid upang ipakita rito na ayos lang siya.
Nang harapin niya ang ama wala ng emosyon ang kanyang mukha.
"Kung hindi ka ba naman tonta! Nagpabuntis ka pa sa taong yun!"galit na galit nito bulyaw sa kanya.
"Nagpabuntis ako dahil mahal ko siya,Papa.."mariin at matapang niyang sagot.
Umangat muli ang braso nito pero inunahan na niya ito.
"Sige,Papa..saktan mo ko. May magagawa ka pa ba kung nasa sinapupunan ko na ang magiging apo mo,"mariin at matapang niyang turan.
Natigil ang tangka nitong pagsampa sa kanya. Ang nanlilisik nitong mga mata ay lalong tumalim.
"Sinadya mo ba ito para galitin at pahiyain ako sa mga tao!"
"Anong nakakahiya na umibig ang anak niyo sa isang mahirap?!"tugon niya at ang pagpipigil na taasan ng boses ang ama ay di na niya napigilan pa.
"Anong nakakahiya?! Ha?! Kilala ang pamilya natin sa bayan ito tapos! Ano? Magpapabuntis ka sa isang hamak na magsasaka lang?!"
"Huwag niyong insultuhin ang pagiging hamak na magsasaka lang ni Brian,Papa..dahil nasisiguro kong malayo ang pagkakaiba niyo sa ugali niyo!"singhal niya tugon sa ama.
Napasinghap siya ng hiklatin nito ang braso niya. Ngunit hindi siya nagpatinag sa galit ng ama.
"Siguro nga tama ka. Hindi ako papayag na bahiran mo ng kahihiyan ang pamilyang ito!"puno ng diin at babala saad ng ama.
Noon lang siya nakaramdam ng takot para sa kanila ni Brian at ng kanilang anak.
"Hindi! Papa! Hindi mo pwedeng gawin ito sakin!"sigaw niya at kalampag sa nakalock na malapad na pintuan.
Sapilitan siya dinala sa kanilang rest house at doon ikinulong siyang parang kriminal ng ama.
"Papa! Maawa ka sa amin! Hindi mo pwede gawin samin to!"luhaan na niyang sigaw.
Sakit. Galit at takot ay naghalohalo na. Napakalupit ng kanyang ama para gawin ito sa kanila.
"Papa!"luhaan sigaw niya kasunod niyun ang impit na pagdaing niya ng maramdam ang sakit sa puson niya.
"Hindi..anak..w-wag...k-kumapit ka.."takot na takot niyang usal habang namimilipit na siya sa sakit.
"P-papa---t-tulong!"saad niya kasabay ang pagdausdos sa likod ng pintuan hanggang sa masadlak siya sa sahig.
"T-tulong!"sigaw niya. Alam niyang may tao sa labas ng kwarto.
"P-papa!"huling sambit niya ng magdilim ang paningin niya.
Nagawang niyang magtiis at maging matapang para sa kanilang anak ni Brian pero labis na nagpapasakit ng puso niya ay ang wala siya balita tungkol sa kasintahan. Gabi-gabi lagi niya kinakausap ang maumbok na niyang tyan tungkol sa ama nito hanggang isang araw na ibalita sa kanya ang isang masamang balita.
"Hindi..."sambit niya ng makarating sa kanya ang balita na patay na ang kasintahan dahil sa isang aksidente.
Akala niya iyun lang ang ikalulugmok niya ng magsimula makaramdam siya ng sakit at pagbagsak ng kanyang kalusugan. Natatakot siya para sa anak niya. Gusto niya isilang ang bata ng ligtas.
"May stage 1 breast cancer ang anak niyo,Mr.Reid.."
Walang emosyon na nakatitig lang siya sa kawalan habang naririnig ang pag-uusap ng ama at ng isang doctor na siyang tumitingin sa kalagayan niya.
Tanging masasayang alaala na lamang nila ng kasintahan ang siyang kinakapitan niya upang maging matatag para sa kanilang anak.
Labis ang kanyang kasiyahan ng sa wakas ay maisilang niya ang kanilang anak. Pinangalanan niya itong Cythia pinaghalo pangalan niya at ng kasintahan. Napakagandang sanggol. Kawangis niya ito pero ang mga mata nito ay nakuha sa ama nito.
Sa tuwing hawak niya ang anak at maramdaman ang maliit at malambot nitong katawan sa kanyang mga bisig ay naiibsan niyun ang kalungkutan at pangungulila para sa ama nito hanggan sa muli subukin sila ng pagsubok.
"Hindi! Hindi ako papayag,Papa!"mariin na kontra niya sa nais ng ama.
"Dadalhin kita sa ibang bansa para magpagamot at para na rin makapagsimula ka....ng wala ang batang yan,"dominante sabi ng ama.
Mariin siyang umiling sa kagustuhan ng ama. Hawak-hawak niya ang bata.
"Hindi! Ano pa gusto mo?! Wala na si Brian! Bakit kailangan pati ang anak namin kukunin mo!"
Nanatili ang lamig at banta sa anyo ng ama.
"Hindi ko kagustuhan mawala ang taong yun kaya huwag mo isisi sakin ang pagkamatay niya. Hindi ko matatanggap ang batang yan sa pamilya ko!"
"Hindi...hindi,hindi!"pagtanggi niya sa kagustuhan ng ama pero masyadong malupit ang mundo at ang kanyang ama para humantong na sa pagsuko.
Hindi na niya kinaya pa ang kalupitan ng kanyang ama. Ang ipaampon ang sarili nitong apo ang siyang bagay na hindi niya nagawa pang ipaglaban.
"Ate Celeste!!!!!"hilakbot at pagtangis ni Celyn ng madatnan ang wala ng buhay ng kanyang Ate Celeste.
"Hindi..Ate Celeste!!!!"puno ng pagdadalamhati na paghagulhol ni Celyn habang yakap-yakap ang malamig ng katawan ng kanyang Ate Celeste.
BINABASA MO ANG
Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)
FantasyIsa si Kennet sa sampung bituin o mga tinatawag na Star of life. Sila ang mga bituin na nagbibigay ng pangalawang buhay sa mga tagalupa at isa iyun misyon para sa kanila. Si Kennet ay matagal ng namamangha kung ano nga bang klaseng mundo meron ang m...