FIRST TIME
Sinilip ni Kennet ang labas kung saan humimpil ang sinasakyan nila ni Danica .
"High Class restaurant,"untag ni Danica sa namamanghang tono. Nilingon niya ang dalaga.
"Nakapasok ka na dyan?"tanong niya rito.
Agad na umiling ang dalaga. "Dito minsan nagdidinner sina Papa kapag nagiging success ang show ni Daisy,"saad nito.
"Hindi ka kasama?"
Mapait na ngiti ang nakapaskil sa mga labi nito saka umiling. "Hindi naman nila ako sinasama,"anito sabay kibit ng balikat.
"Eh di parehas pala tayo first time makakapasok dyan!"cheer up niya sa dalaga.
"Masarap daw pagkain dyan eh,"tugon ng dalaga.
"Eh di tara na!"masigla niyang sabi sabay tulak ng pintuan ng kotse. Magkasabay sila ng dalaga na bumaba ng kotse.
Parehong may ngiting excited sa mga labi nila ng dalaga ng pumasok na sila sa loob ng resto. Tinanong sila ng usher kung may reservation ba sila at agad naman niya sinabi ang pangalan ng kaibigan si Wendell. Hinatid sila ng babae sa kinaroroonan ng kaibigan kung saan ito nagpareserve. Agad naman siya natigilan ng makita kung sino ang nasa mesa na kasama ng mag-asawanģ Wendell at Vivian.
"Dito na pala kayo!"untag sa kanila ni Wendell.
Tuliro siya na lumapit sa mga ito at nakatutok sa kanya ang tatlong pares na mga mata na matagal na niyang hindi nakikita.
"Constell...Alazis...Deo...?"usal niya sa pangalan ng mga ito.
"Present,"untag ni Constell sa kanya sabay ngisi. Ang laki na ng pinagbago nito. Magaan ang aura nito.
"Kami lang 'to..huwag masyado tulala dyan,"si Alazis naman. Ganun pa rin naman ang hitsura nito. Blanko ang emosyon sa mukha pero makikita ang kislap ng emosyon sa mga mata nito.
"Hindi ka ba uupo muna?"si Deo naman. Nakangisi ito sa kanya saka lang siya natauhan ng may kumalabit sa kanya kaya napabaling siya roon.
"Upo ka daw muna,"si Danica na may malaking pagtataka sa hitsura nito. Napapahiya naman na agad naman siya naupo sa katabi nitong upuan. Isang tawa ang nagmula kay Wendell kaya napabaling siya rito.
"Under agad..bilis sumunod ah!"makahulugan nitong sabi sa nanunuksong tono.
Hindi niya naman maunawaan ang sinabi ng kaibigan.
"Hindi mo ba kami ipapakilala sa kanya?"untag ni Constell sa kanya.
Agad naman niya nilingon ang katabi na may naiilang na tingin. Mukha itong naawkward pero nakuha pa rin ngitian ang mga kasama nila sa mesa.
Binalik niya ang atensyon sa mga ito na naghihintay na ipakilala niya ang dalaga sa mga ito.
"Uh,si Danica..siya ang misyon ko dito sa lupa,"pakilala niya sa dalaga sa mga ito saka niya sinulyapan ang dalaga na tahimik na nakangiti sa mga ito.
"Uh,Danica..mga kaibigan ko sila..gaya ko,"untag niya rito.
"Si Constell,"una niya pakilala rito. Tumango naman ang kaibigan sa dalaga at ganun din ang ginanti ng dalaga na may kasamang ngiti. "Siya naman si Alazis,"sunod niya pakilala. Tumango lang din ito sa dalaga habang nakahalukipkip. "Si Deo,"huli niya pakilala rito. Nagwave ito ng kamay sa dalaga at nahihiya naman gumanti din ang dalaga gaya ng ginawa ng kaibigan.
"Hindi ko inaasahan na...makikita ko kayo rito!"bulalas niya.
"Baka magtampo sila dahil ang tagal mo magpakita sa kanila kaya ito ang magandang pagkakataon para magsama-sama ulit tayong lima,"si Wendell.
"Salamat sa ginawa mo,"turan niya rito. Isang kindat ang ginawa nito bilang tugon sa kanya. Naihain na ang pagkain sa mesa nila at namamanghang napatitig siya sa mga pagkain na naroroon. Iba't-ibang klase pagkain ang mga iyun.
Nilingon niya ang dalaga na nakatitig rin sa mga iyun.
"Mukhang masarap nga noh,"untag niya sa dalaga.
Tumango ito na hindi inaalis ang tingin sa mga pagkain at muli niya binalik roon ang atensyon.
"Ang weird niyo dalawa?"untag ni Deo na nakapansin sa inaakto nila ng dalaga.
Napahiya tuloy ang dalaga.
"Baka gutom na sila. Di ba galing pa kayo sa shoot lalo na yan si Danica,"si Vivian.
"Gutom nga kami pero kasi first time lang namin pareho matitikman mga pagkain na yan,"bulalas niya.
Nagkatinginan sa isa't-isa ang mga kasama nila sa lamesa.
"Maniwala pa ako ikaw,oo..pero si Danica?"marahan na sabi ni Wendell habang tinatantya ang magiging reaksyong ng dalaga.
Nilingon niya ang dalaga at may nahihiyang ngiti sa mga labi nito.
"Hindi pa ba? Sigurado lagi sa mamahalin resto kumakain si Ms.Danica,"komento ni Constell.
Napatingin siya kay Wendell. Alam niyang batid nito ang pinagdadaanan ni Danica.
"Mabuti pa kumain na muna tayo lahat! Come on! Bago pa magbago isip ko at pagbayarin ko kayong tatlo sa kakainin niyo,"si Wendell sa mga ito.
Natawa siya sa nakitang reaksyon ng mga ito.
"Tsk,pwede naman kita sampahan ng kaso..Scammer?"si Alazis.
"Sang-ayon ako dyan,"anang ni Deo.
"Binibiro ko lang kayo! Parang hindi tayo magkakapatid dito ah!"si Wendell.
Napailing na lang ang tatlo. Nilingon niya ang dalaga na tahimik lang mula pa kanina.
"Okay ka lang ba?"
Tumango naman ito. "Sana di ka naoffend sa sinabi nila,"nag-aalala niyang sabi.
Nagkibit ito ng balikat. "Hindi naman. Nahiya lang ako,"mahina nitong sabi.
Tumango-tango siya sa sinabi nito. "Ako din naman kasi hindi na sila dating bituin na kilala ko..parang ang laki na ng pinagbago nila,"sabi niya sabay sulyap sa mga ito na abala sa pagkain saka muli binalik ang atensyon sa dalaga. "Mayayaman na sila,"dugtong niya sa huling sinabi.
Pigil na tawa ang tinugon ng dalaga na kinangiti niya. "Oo nga! Tayong dalawa lang ata hampaslupa dito,"tugon nito.
"Ang sweet naman nagbubulungan,share niyo naman pinag-uusapan niyo!"si Wendell na biglang sitahin sila nito.
"Huwag na! Nahihiya na nga kami eh,"tugon niya sa kaibigan na kinatawa nito ng malakas. Hinampas naman ito kaagad ng asawa sa braso nito para tumigil sa malakas na pagtawa.
"Sa tingin niyo mga Pare..mawawala kaya kainosentihan nitong si Kennet?"turan nito sa tatlo.
"Depende at kung matured si Ms.Danica,"tuwiran sagot ni Alazis.
"Okay lang ba sayo ang pagiging inosente niya?"si Constell na inusisa ang dalaga.
Naalangan na napasulyap sa kanya si Danica. Hindi rin naman niya alam ang sasabihin. Alam niyang inosente siya pero ang hindi niya mawari kung ang pinupunto ng mga kaibigan niya.
"U-uh,hindi naman..saka mabilis naman siya matuto o...matandaan ang isang bagay kapag may tinatanong siya sakin,"tugon ng dalaga.
"Sana magawa mo din mapabago ang desisyon niya kasi...gaya namin apat masaya dito lalo na kung natagpuan mo na yung forever mo,"si constell.
Hindi na nakaimik si Danica.
"Paliwanag mo nga pinagsasabi mo kay Danica,"untag niya kay Constell.
Sabay na napangisi ang mga ito.
"Basta! Malalaman mo din,innocent star,"si Constell.
Napalingon siya sa dalaga at kitang-kita niya ang pag-ilag ng mga mata nito sa kanya.
Sana ayos lang ito dahil mukhang hindi komportable ito sa mga sinabi ni Constell.
Pasaway talaga mga ito. Malaki na nga ang pinagbago ng mga ito. Hindi na niya masabayan o talagang sadyang inosente lang siya.
BINABASA MO ANG
Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)
FantasyIsa si Kennet sa sampung bituin o mga tinatawag na Star of life. Sila ang mga bituin na nagbibigay ng pangalawang buhay sa mga tagalupa at isa iyun misyon para sa kanila. Si Kennet ay matagal ng namamangha kung ano nga bang klaseng mundo meron ang m...