STAR
Kennet keep on smiling sa kabila ng paggalabog ng dibdib niya. Ano nga ba tawag dun?
Kinakabahan?
Sino hindi kakabahan sa kaharap niya ngayon na kung makatitig sa kanya ay parang kulang na lang handa nito buhatin ang mesa na nasa pagitan nila at ipukpok sa kanya.
Ang mga mata nito na kay lalim kung tumingin pero nagbibigay iyun ng kaba sa kanya.
"Uh,nagugutom ka ba? Anong gusto mo kainin? Hindi ko kasi alam kung ano pagkain ang gusto mo kaya walang pagkain na nakahain sa mesa?"untag niya rito.
"Sigurado ka bang...buhay pa ko?"patanong na tugon nito sa kanya.
"Buhay ka pa..hindi ko ba nararamdaman ang tibok ng puso mo? Dinig na dinig ko,"saad niya sabay sulyap sa kaliwang bahagi ng harapan nito kung saan niya naririnig ang malakas na tibok ng puso nito.
"Anong tinitingnan mo?"untag nito sa kanya na nagpaangat sa mga mata niya sa mukha nito.
Matalim na tingin ang pinukol nito sa kanya.
"Uh,kung nasaan ang puso mo,"matapat niyang tugon.
"Hindi mo ba alam na hindi maganda ang ganun? Ang titigan ang isang babae sa parte kung saan hindi komportable ang tinititigan mo?"pagalit nitong sabi.
Napakurap-kurap siya. "Ganun ba? Pasensya na. Hindi ko kasi binabasa ang nasa isip mo kasi gusto ko natural na malaman ko kung ano ang nasa isip mo,"tugon niya.
Nakita niya ang pagkamaang nito sa sinabi niya.
"Tao ka ba?"
Ngumiti siya sa tanong nito. "Sa pisikal,oo...pero isa akong bituin o star mula sa kalawakan pero may templo kami kung saan naroroon ang mga tulad kong bituin,"tugon niya sa tonong proud na proud kung sino man siya.
Natigilan siya ng makitang tila natulala ang babae. Tila hindi na nga ito kumukurap sa pagkakatitig sa kanya.
"Uh,okay ka lang?"untag niya rito.
Napakurap-kurap ang babae at saka marahas na napabuntong-hininga. Iniling-iling nito ang ulo at bigla ito tumawa ng malakas.
Namamanghang pinagmasdan niya ang malakas na tawa mula rito. Hindi niya napigilan na hindi mapangiti dahil sa masaya nitong pagtawa.
"Ang ganda mo lalo kapag tumatawa ka. Umaaliwalas ang mukha mo,"saad niya na nagpatigil sa pagtawa nito.
Tumikhim ito saka seryoso na ang mukha.
Gusto niya mapangiwi dahil bigla na naman nakakatakot ang tingin nito sa kanya.
"Hindi ko alam kung sino sabog satin dalawa eh,"wika nito.
Napakunot siya ng noo sa sinabi nito. Bago sa pandinig niya ang isang salita na sinabi nito.
"Sabog? Anong sabog?"kuryuso niyang tanong.
Napaawang ang mga labi nito at kitang-kita ang hindi pakapaniwala sa katanungan niyang iyun.
Ngunit bigla na lamang ito tumayo kaya gumawa ng ingay ang upuan nito ng matumba iyun sa biglaan nito pagtayo.
Marahas na napasuklay ito sa mahaba nitong buhok kasabay ng pagbuntong-hininga na tila napakalaki ng problema ng dinadala nito.
Nakasunod lang ang mga mata niya sa parro't-parito nito sa harapan niya. Napaigtad siya ng bigla itong umuklo sa harapan niya. Nakatukod ang magkabila nitong kamay sa lamesa at dalawang dangkal ang layo ng mukha nito sa kanya.
Bigla siya nakaramdam ng hindi pamilyar na pakiramdam. Bukod sa gumalabog ang dibdib niya sa lapit nito sa kanya ay may kakaiba pang pakiramdam na umuusbong sa kaloob-looban niya.
Kaba lang siguro...
Naningkit ang mga mata nito sa kanya. Napakaintense ng mga mata nito kaya ganun na lang ang galabog ng dibdib niya.
"Kung totoo yang sinasabi mo,patunayan mo,"panghahamon nito sa kanya.
Mariin na nakatitig sa kanya ang mga mata nito.
"Kaya ko naman patunayan,"saad niya.
"Talaga?"may pangdududa nitong tugon at mas lalo nito inilapit ang mukha sa kanya.
Pakiramdam niya nabablanko ang utak niya sa lapit nito.
Ano ba itong nangyayari sa kanya?
"Pwede,huwag kang malapit?"usal niya kasabay na malakas na pagkabog ng dibdib niya.
Natigilan ang babae pero kaagad din nakabawi. Paismid na pinagkrus nito ang mga braso sa harapan nito.
"Ano na? Kung hindi ka nga may sira sa ulo na isa kang Star? Patunayan mo na,"panghahamon muli nito.
Hindi siya tuloy makapag-isip ng maayos. Kinakalma pa niya ang sarili.
"Kailangan maging Star ka nga ,gaya ng sabi mo,"muli nito panghahamon na siyang nagpatingala sa kanya rito.
"Ha? Gusto mo talaga na maging Star ako?"
"Oo,literal na Star...kapag nagawa mo maniniwala ako sa mga pinagsasabi mo,"anito.
Napalunok tuloy siya ng wala sa oras. Paano niya magagawa iyun?
Tumayo siya. Isang paraan lang para mapatunayan rito ang sinasabi niya.
"Pasensya na. Hindi ko magagawa na maging isang bituin talaga pero mapapatunayan ko naman sa ibang paraan,"aniya.
Napataas ito ng isang kilay.
Unti-unti lumiwanag ang buo niyang katawan. Nang makuntento na siya saka siya tumingin sa babae.
Nanlalaki ang mga mata nito at nakaawang ang mga labi. Tuliro at tila ba sa itsura nito ngayon hindi na ito himihinga.
Muli unti-unti nawala ang liwanag sa buo niyang katawan.
"Naniniwala ka na ba?"untag niya rito.
Saka lang natauhan ang babae. Ilang beses ito nagpakurap-kurap ng mga mata bago ito tuluyan nakabalik sa normal nitong disposisyon.
"H-hindi pa,"usal nito.
Napangiti siya sa nahimigan sa tono nito.
Tumikhim ito saka masama ang tingin na naman sa kanya.
"Okay. Kaya ko basahin ang nasa isip mo,"aniya.
Nanlaki ang mga mata nito.
"Pero hindi ko gagawin na walang permiso mula sayo,"agad na dugtong niya.
"Mag-iisip ako ng isang numero kapag nasabi mo ng isang segundo lang,maniniwala na ko,"panghahamon muli nito.
Agad na napangiti siya sa hamon nito.
"Kayang-kaya ko yan!"naexcite niyang tugon.
"Sige,anong numero ang nasa isip ko ngay--"
"10!"mabilis niyang sagot kahit hindi pa ito tapos magsalita.
Natigilan ito at bahagya nanlaki muli ang mga mata
Nginitian niya ito. "Naniniwala ka na?"
"Hìndi mo ba binasa ang nasa isip ko?"anito.
Nagkibit siya ng balikat. "Hindi. Isang beses mo lang naman ako pinayagan gawin yun. Ang basahin ang numero nasa isip mo,"agad niyang tugon.
Napabuntong-hininga ang babae pagkaraan.
"Buhay pa talaga ako?"usal nito pero sa kawalan nakatitig.
"Buhay na buhay ka. Iyan ang pangalawang buhay mo,"untag niya rito.
Bumaling sa kanya ang mga mata nito.
"Pangalawang buhay..."usal nito sa dalawang salitang iyun.
Tinanguan niya ito na may ngiti sa mga labi niya.
Hindi talaga ito makapaniwala na talagang buhay pa talaga ito.
Mismo siya rin ay hindi makapaniwala na sa misyon ito ay may kung anong pakiramdam itong binubuhay sa kanya. Isang hindi pamilyar na pakiramdam na nagmumula sa kasulok-sulokan ng kanyang puso.
BINABASA MO ANG
Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)
FantasyIsa si Kennet sa sampung bituin o mga tinatawag na Star of life. Sila ang mga bituin na nagbibigay ng pangalawang buhay sa mga tagalupa at isa iyun misyon para sa kanila. Si Kennet ay matagal ng namamangha kung ano nga bang klaseng mundo meron ang m...