Chapter 30

277 26 0
                                    

YOURSElF

Ang pagkompronta sa kanya ng ina at ni Daisy ng gabing iyun ay nagbigay ng lungkot at udyok na mas kilalanin ni Danica ang tunay niyang magulang. Oo. Utang niya sa mga ito ang buhay niya. Pinalaki at pinag-aral siya ng mga ito pero hindi habambuhay hahawakan siya sa leeg ng mga ito.

Ngayon na niya mas nauunawaan kung bakit ang mga ito ganito ang trato sa kanya kasi hindi naman talaga siya tunay na anak ng mga ito.

Is Diasy knew about that?

Kinabukasan din iyun lakas-loob na umuwi siya ng bahay kung saan siya lumaki upang makausap ang mga ito. Sigurado siyang nasa bahay ang mga ito dahil weekend naman.

Tila naman inaasahan ng mga ito ang pagdating niya.

Tensyon iyun ang pumapagitan sa kanila. Maliban sa kapatid na si Daisy na kulang na lang manaksak ang mga titig nito sa kanya sa sobrang talim ng mga iyun.

Nasa salas sila at nasa harapan niya ang mag-asawa. Nakaingos naman ang kapatid habang nakatayo sa likuran ng kinauupuan ng magulang nila.

"Gusto ko lang ng explanation mula po sa inyo, "pagbasag niya katahimikan nila dahil mukha wala balak ang mga ito na mauna magsalita.

"Explanation for what?"si Daisy.

Hindi niya ito pinansin. Hindi ang kapatid ang gusto niya marinig kundi ang mga magulang na kinilala niya paglaki.

"Tungkol po sa tunay na magulang ko,"deretso niyang sagot.

Walang emosyon ang mababanaag sa mukha ng magulang. Tila nga na napilitan lang ito harapin siya. Tila ba nasa business meeting lamang pa nga ang dating ng mga ito.

"Tutal naman nalaman mo na inampon ka lang namin. Bakit hindi mo alamin kung sino ang tunay mo mag-"

"Legal na proseso ang pag-ampon sayo,Danica.."pagputol ng ama sa sasabihin ng kanyang ina.

"Inampom ka namin dahil akala ko hindi na ko magkakaanak,"ang ina.

Napangisi sa kanya si Daisy.

"Alam ni Daisy ang tungkol sakin?"deretsahan niyang tanong.

Tumikwas ang isa nitong kilay at taas-noo pa na sinagot siya. "Ako ang tunay na anak nina,Mommy at Daddy. Dapat lang sabihin nila sakin ang totoo,"may pagmamalaki nitong sabi.

Mariin niya naikuyom ang mga palad na nasa ibabaw ng kandungan niya.

Kailangan niya maging kalmado sa pagkakataon na ito. Gusto niya matapos ang lahat ng ito.

"Kaya ganun na lang ang trato niyo sakin,"usal niya na kinatigilan ng mag-asawa.

"Akala ko dahil lang mas paborito niyo lang si Daisy..pero ang totoo pala bakit niyo bibigyan ng halaga ang isang anak na di naman kadugo,"mariin niyang saad na kinamaang ng ina.

"Malaki ang utang na loob mo sa amin,Danica,"mariin at maawtoridad na sabi ng kanyang ama.

Kung noon sa tuwing gagamitin siya ng ganoon tono ng pananalita. Natatakot siya pero ngayon mas nanaig ang tapang sa dibdib niya dahil pinagkait ng mga ito ang totoo niyang pagkatao.

"Alam ko po yun. Hindi ko naman iyun kinakalimutan. Ginawa ko ang lahat na gusto niyo. Sinunod ko kayo. Pinaubaya ko ang pangarap ko para kay Daisy,"saad niya na nagpasama ng tingin ng ina sa kanya.

"Gusto mo isumbat ang mga yan sa amin pagkatapos ka namin palakihin at palamunin?!"galit na sabi ng kanyang ina.

Buong tapang na sinalubong niya ang galit na galit na ina.

"Pagkakaalam ko po pinagbabayaran ko naman mga yan,hindi po ba?"kalmado niyang sagot.

Hindi nakaimik ang ina. Mariin naman nakatitig lang sa kanya ang ama.

Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon