COMMERCIAL
Sobrang abala ng araw para sa paghahanda ng press conference na darating para sa launching day ng bagong model ng sasakyan. Tinawagan si Danica sa opisina ni Wendell at hindi makapaniwala sa sinabi nito.
"N-no way.."usal niya.
Ngumisi ito sa kanya. "It's your Christmas bonus,okay?"
"Sigurado ka? I mean..pwede mo naman ikaltas sa sahod ko eh,"mangha pa rin niya turan.
Tumawa ito sa sinabi niya. "Yung ikakaltas ipanggasolina mo na lang,tsk! Nakakasama ka naman ng loob tinatanggihan mo ko,"pagdadrama nito na kinabuntong-hininga niya.
"Hindi lang ako makapaniwala e. Ibibigay mo kasi sakin ng libre tapos brand new model pa,"aniya.
Nagkibit ito ng balikat. "Why not? Deserved mo naman yun. Saka para maging driver mo si Kennet,"anito sabay kindat sa kanya.
"Alam niya 'to..kaya kailangan niya ng driver license para ipagdrive ka anytime,"may panunudyo nito sabi na nagpailang sa kanya.
Napukaw siya ng ilapag nito sa harapan niya ang susi ng kotse na binibigay nito sa kanya.
"Take it and enjoy your new car,"anito.
Napangiti na siya dahil nanaig na ang excitement sa puso niya na sa wakas ay makakakotse na ulit siya..ng sarili na talaga niya.
Pagkalabas niya ng opisina ni Wendell nagtataka naman na nakatingin sa kaniya ang mga katrabaho niya pagkabalik niya sa kanyang cubicle.
"Bakit?"nagtataka niya untag sa mga ito.
Isang tili mula sa baklang empleyado ang muntikan ng magpasigaw sa kanya sa pagkagulat.
"OMG! Bakla ka! Ang Hot at ang Sexy mo sa commercial!"
Napaawang ang mga labi niya sa sinabi nito.
Commercial?
Napaigtad siya ng bigla sumulpot sa tabi niya ang ibang kasamahan niya sa department na kinabibilangan niya.
Pinakita ng isang babae ang celpon nito at pinakita nito ang sinasabing commercial ng baklang katrabaho. Nanlaki ang mga mata niya ng makita iyun.
Iyun ang unang pagkakataon na napanuod niya ng buo ang ginawa nila shoots para sa pag-advertise ng bagong model ng kotse. Gusto niya maiyak dahil hindi niya akalain na tila ba hindi siya ang nasa commercial na iyun.
"Grabe! Pangmodelo talaga ang datingan mo! For sure marami kukuha sayo para maging modelo!"manghang sabi ng isang katrabaho niya na sinang-ayunan ng lahat.
"Ay pak na pak!"tili ng baklang katrabaho.
Nagkatawanan ang lahat at nahawa na siya sa mga ito pero nakakaramdam siya ng hiya. Hindi talaga siya sanay sa atensyon kahit na noon pa man pangarap na niya maging modelo.
"Ganda ba ng modelo natin?!"
Lahat nasurpresa sa biglaan pagsasalita ng boss nila si Wendell. Agad na nagsibatian ang lahat sa boss at nagkanya-kanya na ng opinyon at pagsang-ayon sa sinabi nito na lalo nagpatindi sa hiyang nararamdaman niya pero nandun ang saya at satisfied sa kaloob-looban niya. This is her dream. This is what she want na pinagkait sa kanya ng sarili niyang pamilya.
Hindi pa nga makaget over sa sasakyan na binigay sa kanya ng libre ni Wendell heto naman at lubos-lubos ang pagkamangha niya habang nakatitig sa celpon niya. Nakailang ulit na ata siya sa pagnunuod ng commercial niya. Panay ang ngiti niya habang nakatutok ang mata sa hawak na celpon.
"Kapag sikat ka na,wag mo ko kalimutan ah?"
Napaigtad siya sa biglaan pagsasalita niyun sa may likuran niya. Mabilis na nilingon niya ito. Siya na lang ang naiwan sa palapag na iyun. Nagsiuwian na ang lahat na kasama niya roon. Plano talaga niya na magpahuli dahil hindi talaga siya handa na may makakakita na kahit sino na gagamitin niya ang sasakyan na binigay sa kanya ni Wendell.
BINABASA MO ANG
Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)
FantasyIsa si Kennet sa sampung bituin o mga tinatawag na Star of life. Sila ang mga bituin na nagbibigay ng pangalawang buhay sa mga tagalupa at isa iyun misyon para sa kanila. Si Kennet ay matagal ng namamangha kung ano nga bang klaseng mundo meron ang m...