WISH
Kaliwa't-kanan ang pagkislap ng mga camera ng bumaba na ng limousine si Danica o mas kilala na sa pangalang CYTHIA REID. Iyun man ang ginamit niyang pangalan bilang isang kilala at highest paid na model ay nanatiling Danica Yvas pa rin ang ginamit niya behind the stage. She's already forgave them. Pinalaki siya ng mga ito kaya bilang naging isang anak ng mga ito hindi na niya binago ang kinalakihan pangalan.
Napukaw siya ng mga nagkikislapan mga camera mula sa mga iba't-ibang press. Wearing ang yellow long gown tube top dress na may disenyong bituin. Makikita din sa likuran ng kanyang balikat ang tattoo na bituin. It's a three stars. Ang laki niyun ay sapat lang para makita ninuman.
Walang araw na hindi niya naalala ang binata. Nagising na lamang siya ng kinaumagahan matapos na may nangyari sa kanila ay wala na ito sa tabi niya pero may liham na iniwan para sa kanya na siyang pinakaiingatan niyang itago.
Ilang buwan na din mula ng bumalik ang binata kung saan ito nagmula.
Walang gabi na hindi niya iniyakan ang pag-alis ng binata. Walang gabi na hindi niya tinitingala ang kalawakan na nagbabakasali na makita ang binata sa isa sa mga nagkikislapan mga bituin kahit na napakaposible niyun.
Nang makabalik ba ito sa pinagmulan nito ay isa na ba itong ganap na bituin kagaya ng mga nasa kalawakan?
Hindi na ba ito makakabalik pa dahil tuluyan na ito naging bituin?
"Hindi..gaya niyo mga tao may mundo din kami na tinitirhan at iyong ang tinatawag namin templo.."
Wendell assured about that kaya nagkaroon siya ng pag-asa na makakabalik pa rin ito gaya ng mga kaibigan nito na nasa lupa na.
"Ms.Reid! Congratulations to your success show sa Paris! Grabe ang papuri ng lahat sayo! Anong masasabi mo sa mga nagreak ng tanggihan mo ang pagsign ng kontrata sa nasabing show sa Paris?"untag ng isang babaeng taga-media.
Nakangiti na hinarap niya ito. Nakatutok sa kanya ang lahat pati ang mga bitbit na mga camera at recorded gadget ng mga ito.
Naging isang malaking isyu ang tungkol sa bagay na iyun. Alam niyang maraming nanghinayang sa pagkakataon na iyun pero bilang baguhan marami pa siyant dapat matutunan at magsisimula yun sa pinakababa. Hindi niya masasabi na pinaghirapan niya ang pangarap niya kung naging instant model lang siya at iyun ay dahil lamang kilala si Joyce sa Paris. Hindi niya gugustuhin na isumbat sa kanya ng kung sinuman ng dahil lang siya ang paborito. Nakakarinig na siya mula sa mga kasamahan model na hawak ni Joyce na malakas lang daw ang may hawak sa kanya kaya mabilis siya nailagay sa spotlight at gusto niya patunayan sa mga ito na gaya ng mga ito magsisimula muna sa baba. She want to be fair. Oo. Masasabi niya na deserved naman niya pero siya na may gusto nito.
"Bilang bago pa lang po sa mundo ng pagmomodelo. Isang malaking oppurtunidad sakin na mapasama sa show na iyun bilang represented ng bansa natin. As a answer sa tanong niyo po..i have to take a step hanggat maabot ko yun sa tamang proseso and they respected my decision with that,"matapat niyang sagot sa tanong nito.
Tumango-tango ang mga ito at mababanaag ang pagkamangha sa naging sagot niya.
Bago pa masundan ng sunod na tanong ay sumingit na si Joyce na siyang kasama niya sa event na yun. Ito na ang naprisenta ng kung ano mga tanong ng mga ito at ito na ang sasagot.
She thankful with him. Hindi kaila rito ang kalungkutan niya at pangungulila niya kay Kennet dahil ito ang araw ng kanyang kaarawan.
May inihandan ang Tita Celyn niya para sa kanya isang simpleng selebrasyon at gusto nito sa bahay ng mga ito idaos yun kaya naman pagkatapos ng event ay dederetso siya roon kasama si Joyce.
BINABASA MO ANG
Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)
FantasyIsa si Kennet sa sampung bituin o mga tinatawag na Star of life. Sila ang mga bituin na nagbibigay ng pangalawang buhay sa mga tagalupa at isa iyun misyon para sa kanila. Si Kennet ay matagal ng namamangha kung ano nga bang klaseng mundo meron ang m...