Chapter 24

259 30 3
                                    

CONTRACT

Matapos na lang ang buong maghapon ramdam pa ni Danica ang pagkapahiya. Hiyang-hiya siya..hindi sa sarili niya kundi kay Kennet na nakasaksi ng breakdown niya. Nawala na siya ng tapang sa sarili. Natalo siya ng kahinaan at nasaksihan iyun ni Kennet na isang bagay na ayaw niya na may makakita.

Marahas siya napabuga ng hininga at iyun ang naabutan ng boss niya.

"Ang lalim naman nun!"untag sa kanya ni Wendell.

Alanganin siya napangiti rito. Umupo ito sa gilid ng lamesa niya habang nakahalukipkip ang mga braso nito sa harapan.

"May problema ba? Pwede mo sabihin sakin baka may maitulong ako,"alok nito na kinangiti niya.

Agad na umiling siya. "Wala naman,Boss! May naalala lang ako,alam mo naman minsan kapag may mga bagay ka naalala biglaan tapos ayun mapapabuntong-hininga ka na lang,"saad niya.

"Yes,i know that kind of feeling,"pagtango nito at nagpapasalamat siya na hindi na ito nagtanong pa.

"Anyway,buti naabutan kita. May sasabihin pala ako,"saad nito.

Tinutok niya rito ang buong atensyon.

"We have a meeting tomorrow morning at 8am,"saad nito.

Naipilig niya ang ulo. Minsan di niya alam kung Boss ba ito o hindi. Kung hindi lamang niya agad nakilala ang ugali nito magtataka talaga siya. May pagkakataon kasi na pwede naman itawag sa kanya personal ito pupunta sa kanya iinporma siya pakiramdam niya mas Boss pa siya kaysa rito.

"Lahat ng Head department?"tanong niya.

"Nope,ikaw,ako at ang kameeting natin,"agad nito sagot.

Nagtatakang napataas ang isa niyang kilay. Ngumisi ito ng makita ang reaksyon niya saka tumayo na sa harapan niya.

"This is not about my business,"anito na sinundan ng pagkindat sa kanya bago pa siya makapagtanong ulit mabilis na ito nagpaalam sa kanya.

"Alis na ko! Sunduin ko pa si Misis! See you tomorrow, okay?!"anito na sinaluduhan siya saka mabilis na iniwan siya roon.

Napabuga na lang siya ng hininga pagkaraan ng isang saglit saka tumayo na upang magligpit ng gamit.

Nasa parking area siya ng makita si Kennet na nakaupo sa hood ng kotse niya. Natigilan siya saglit at muli na naman nabuhay ang nararamdaman niya pagkapahiya.

Nang matanaw siya nito masaya itong kumaway sa kanya at saka nagpatuloy na siya sa paglalakad palapit rito kung saan naroroon ang kotse niya.

"Kamusta?!"agad na tanong nito sa kanya.

"Okay naman,"naiilang niyang sagot.

Inunahan siya nito sa pagbukas ng pintuan ng sasakyan. "Sakay na po!"turan nito na yumukod pa sa kanya.

Gusto niya tawanan ang ginawa nito pero nauunahan pa rin siya ng pagkailang.

Mabilis ito umikot sa driver side. Tahimik lang siya habang nasa daan sila at mas lalo lang nakakailang sa pakiramdam niya ang katahimikan at pakikiramdam nito sa kanya.

"I'm sorry nga pala kagabi,"usal niya ng magkaroon siya ng lakas ng loob na sabihin iyun.

Napalingon naman sa kanya ang binata pero hindi niya ito sinulyapan. Deretso ang tingin niya sa unahan.

"Bakit ka nagsosorry?"inosente nitong tanong.

Humigit siya muli ng hininga saka niya ibinaling ang tingin rito nasa unahan naman ang mga mata nito.

Ang mga ilaw sa labas ay banayad na tumatama rito. Alam niyang gwapo talaga ito pero habang tumatagal mas lalo itong gumagwapo.

"Dahil sa pagdadrama ko kagabi,"saad niya at bago pa magtama ang mga mata nila agad na tinutok niya sa unahan ang paningin ito naman ang nakatingin sa kanya habang traffic sa unahan.

Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon