Chapter 20

281 27 8
                                    

RENT

Tahimik si Danica habang nilalagay sa malaking maleta niya ang mga damit na dadalhin niya sa paglipat. May nahanap siyang marerentahan na unit na malapit sa pinagtatrabuhan niya. Ilang araw din niya iyun pinag-isipan bago siya nagdesisyon na humanap ng mauupahan. Hindi niya na matitiis ang lumalala pagtrato sa kanya ng magulang niya. Napabuga siya ng hininga. Bakit ba parang aping-api siya sa pamilya ito? Sarili niyang kadugo ganun siya tratuhin?

Bumukas ang pintuan niya at hindi na siya nagulat na pumasok roon ang Mama niya.

"Magsasama na kayo ng lalaking yun?"agad nito sita sa kanya.

Natigilan siya sa tanong ng kanyang ina. Nag-angat siya ng tingin rito at nakitang nasa may pintuan ang kapatid niya si Daisy na nakatikwas ang isang kilay.

"Kailangan ko lumipat malapit sa pinagtatrabuhan ko,"sagot na lang niya pagkaraan.

"At bakit? May nagpapalayas ba sayo rito?"anang ng kanyang ina.

Pinuno muna niya ng hangin ang dibdib saka tuluyan niyang hinarap ang kanyang ina.

"Ma,siguro naman hindi na ko bata para hindi ko buhayin ang sarili ko? Hindi ba nga  bata pa lang ako hinayaan niyo na ko maging independent?"saad niya.

"Naku,Ma..magsasama lang yan sila ng boyfriend niya,"sabad ng kapatid niya.

Bumaling siya rito at matapang naman nito sinalubong ang tingin niya rito.

"May problema ka ba sa pagkakaroon ko ng boyfriend?"deretsahan niyang tanong rito.

Nanlaki ang mga mata nito sa tanong niya.

"Tumigil ka,Danica! Huwag mo awayin ang kapatid mo!"agad na saway sa kanya ng mama nila.

Nanatili ang mariin niyang tingin sa kapatid. Nang makabawi ito naningkit ang mga mata nito sa kanya.

"Tsk,sabagay mukha mayaman yun for sure kaya ka niya buhayin. Hayaan mo na,Ma..huwag na lang tayo pumayag na bumalik siya rito kapag naghiwalay sila ng boyfriend niya,"mataray na sabi nito.

Sumulyap siya sa kanilang ama at galit ang mga mata nito nakatingin sa kanya.

"Pinipili mo ang lalaking yun kaysa sa amin? Iniwan mo ang trabaho mo para sumama sa lalaking yun? O sige! Sumama ka na ng tuluyan dun sa lalaking yun! Pero huwag na huwag kang babalik dito na luhaan at magmakaawa!"galit na galit na sabi ng kanilang ina.

Naikuyom niya ang mga palad. Padarag na lumabas ng kwarto niya ang kanilang ina at naiwan naman ang kapatid niya. Nakahalukipkip ito umismid sa kanya.

"For sure kapag nagsawa yun sayo ikaw naman ang kawawa,tsk!"anito sabay pairap na tinalikuran siya.

Mariin niya naipikit ang mga mata. Gustong-gusto niyang sumabog pero hanggat maaari ayaw niyang mas lalo lumalala ang pagtrato sa kanya ng mga ito.

Nailabas na niya ang kanyang dalawa maleta habang hinihintay ang taxi na tinawagan niya. Gusto niya magpaalam sa kanyang ama kahit sigurado siya na hindi naman siya nito pipigilan.

Tinungo niya ang library room kung saan naroroon ang opisina nito nakabukas iyun pero bago siya makakatok narinig niya ang pag-uusap ng kanyang magulang.

"Anong malaking problema sinasabi mo?"pagalit na tanong ng kanyang ina.

"Humaharap tayo sa malaking crisis ngayon ang ilan sa sharesholder natin gusto ng umatras,"anang ng kanyang ama.

Nanatili siya sa labas ng pintuan. Dinig na dinig niya sa boses ng ama ang problema na kinakaharap nito.

"Bakit hindi mo kausapin? Ano? Ganun na lang yun? Aatras sila dahil lang bumabagsak ang kompanya?!"

Napigil niya ang paghinga ng marinig iyun sa ina. Kailanman hindi nagkaproblema ang kanyang ama sa pagmamanage nito sa kompanya nila.

"Gumawa ka ng paraan! Hindi tayo pwede tuluyan mabancrupt ng dahil sa kapalpakan mo!"

Malakas na busina mula sa labas ang pumukaw sa kanya at agad na umatras siya palayo roon ng marinig ang yabag ng ina palapit sa pintuan. Mabilis naman siya nakalabas ng bahay. Humihingal tuloy siya ng nakalabas.

"Ma'am!"salubong sa kanya ng taxi driver.

"Ah,Manong..yan po gamit ko pakisakay na lang po,"saad niya saka sumakay sa likuran ng taxi.

Àgad naman tumalima ang  Taxi driver. Alam niyang masakit sa kanya na umalis na may kinakaharap na problema ang magulang niya lalo pa at naging bahagi siya ng paghihirap ng mga ito sa kompanya pero ano magagawa niya ngayon ni hindi na mga ito gusto na makielam pa siya.

Nawalan siya ng gana ngayon na ayusin ang mga gamit niya ng makarating siya sa kanyang unit. Panay ang buntong-hininga niya ng makaupo siya sa maliit na kama. Aaminin niya kahit papaano nakaramdam siya ng kalayaan at saya ngayon mag-isa na lang siya. Mapait siyang napangiti. Siguro nga dapat noon pa lang ginawa na niya ito ang lumayo sa mga taong hindi naman siya tinatratong kapamilya.

Nilibot ng mga mata niya ang kabuoan ng unit niya. Maliit ang kabuoan sapat para sa kanya. Mapait siyang napangiti mula sa kinalakhan mansyon napunta siya sa ganitong simpleng tirahan. Gusto niya matawa parang si Cinderella lang kaso nga lang pinagkaibihan nila matapang siya di gaya ng character na iyun hinayaan magpakaapi pero siya lumalaban siya kahit papaano. Muli siya napabuntong-hininga.

Napukaw lang siya ng magring ang celpon niya na nasa ibaba ng pabilog na mesa. Tumayo siya at kinuha iyun. Tumatawag sa kanya si Kennet. Agad na sinagot niya ang tawag nito.

"Hello?"

"Goodmorning!"masigla nito sagot sa kabila linya. Agad na napangiti siya.

"Napatawag ka?"

"Sabi ni Wilson,rest day mo ngayon kaya tumawag ako. Pwede mo ba ko samahan?"

"Saan naman?"

"Mag-aaral kasi ko magdrive!"

"Oh? Talaga?!"

"Oo! Kaya sige na! Pasama ako!"

Natawa siya. Pakiramdam niya kasi hindi ito makakapunta na walang kasama.

Napakainosente talaga!

"Okay,sige..bigay mo sakin ang address doon na tayo magkita,"aniya.

"Susunduin na lang kita sayang pamasahe!"

Hindi na niya napigilan na matawa.

"Sasabihin ko sa driver na daanan ka namin,okay?"

Napabuga siya ng hininga. "Lumipat na ko ng bahay,"saad niya.

"Ha? Bakit?"

Hindi siya kaagad nagsalita. "Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?"sunod-sunod nito tanong pero seryoso ang mahihimigan sa boses nito.

Agad na kumabog ang dibdib niya na kanina lamang ay mabilis lang ang tahip niyun ng marinig niya ang boses nito.

"Pinalayas ka ba nila?"mariin at seryoso sabi nito na kinakurap-kurap ng mga mata niya.

"H-hindi,Kennet..kusa ako umalis. Nagdesisyon ako na mangupahan malapit sa trabaho,"agad na paliwanag niya.

Naulinigan niya ang pagbuntong-hininga nito.

"Sigurado ka? Kasi kapag hindi di mo ako mapipigilan na gantihan sila,"anito na kinalaki ng mga mata niya.

"Kennet!"bulalas niya.

"Okay! Hindi na.."

Nasapo niya ang noo. Alam niyang inosente ito sa lahat ng bagay pero alam niyang malaki ang kaya nitong gawin ang isang imposible bagay.

Ngunit may kung ano katuwaan naman siya naramdaman. He wants  to protective her. Kinatutuwa niya iyun at...isa iyun na nagugustuhan niya sa binata.

Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon