MRS.CELYN
Malaki ang ngiti sa mga labi ni Kennet habang binabasa ang frontpage ng isang magasin kung saan nakaimprinta roon ang imahe ni Danica.
Sobrang proud na proud siya para sa dalaga. Sa wakas matutupad na nito ang pangarap nito.
"Baka matunaw na yan kakatitig mo dyan,"untag sa kanya ni Alazis.
Agad na napaangat siya ng tingin sa pagdating ng kaibigan.
Ipinakita niya rito ang larawan ng kasintahan.
"Girlfriend ko yan!"proud na proud niya sabi rito.
Napailing na lang ito sa kanya.
"Anyway,we got the address of Danica's relative,"wika nito na kinatigil niya. Agad na binaba niya sa center table ang hawak na magasin. Tinutok niya rito ang atensyon.
"Talaga?! Sigurado matutuwa si Danica!"masaya niyang turan.
"But the sad part is...her biological mother is already pass away 20 yrs. Ago.."inporma nito na kinabura ng saya niya sa balita nito.
"Sigurado ka?"
"Yes,"agad na tugon nito. "Her father,also dead bago pa malaman na pinagdadalang-tao siya ng kanyang ina,"dagdag nito na mas lalo kinalungkot niya.
"Here's the address of her relatives,"pagpatong nito ng papel sa center table.
Malungkot na inabot niya iyun at tinitigan.
"Ang relatives lang niya ang makakapagsabi ng lahat sa gusto malaman ni Danica,"dugtong nito.
Magana na naghahapunan si Danica kasabay niya habang siya nakikiramdam kung paano niya ipapaalam rito ang tungkol sa kamag-anak nito lalo na sa tunay nitong mga magulang.
"May gusto ka bang sabihin? Kanina pa kita napapansin parang may gusto ka sabihin,"puna sa kanya ng dalaga.
Napahawak siya sa batok at alanganin na napangiti sa dalaga.
"Ano ba yun?"turan nito.
Inilapag niya sa harapan nito ang papel kung saan nakasulat roon ang address na tinitirhan ng kamag-anak nito.
Nagtataka naman na dinampot iyun ng dalaga at may pagtatanong sa mga mata nito na tumingin sa kanya.
"Address yan kung saan nakatira ang kamag-anak mo,"tugon niya.
Gumuhit ang katuwaan sa mukha nito.
"Talaga?! Dito nakatira ang mga magulang ko?"
Hindi siya kaagad nakaimik. Ayaw niya mabura ang saya sa mukha nito. Alam niyang sabik ito makita ang tunay nitong magulang.
"Puntahan natin bukas ng maaga. Gusto ko sila makita,"sabik nitong sabi.
Inabot niya ang kamay nito at matamis na ngiti ang pinukol nito sa kanya.
"Ayokong mawala ang saya mo,Mahal..pero..pareho ng...pumanaw ang mga magulang mo,"nanantiya niyang sabi.
Unti-unti nabura ang ngiti sa mga labi ng dalaga. Ang saya sa anyo nito ay nabubura na din.
Napalitan ng lungkot at pagkadismaya ang anyo nito. Tumayo siya at tumabi sa kinauupuan nito at patagilid na niyakap ito.
"Hindi ba gusto mo malaman kung ano dahilan kung bakit ka pinaampon? Masasagot na ang lahat ng katanungan mo kapag nakausap mo na ang naiwan kamag-anak ng magulang mo,"pag-alo niya sa dalaga.
Hindi ito umiimik. Ramdam na ramdam niya ang lungkot nito at pangungulila.
Hinayaan niya ito at pinatakan ng halik ang tuktok ng ulo nito at sinamahan ito sa pananahimik nito.
Inihinto niya ang sasakyan sa harapan ng isang malaking bahay na siyang nakasaad na address na tinitirahan kamag-anak ng dalaga.
Malaki ang bahay at base sa pundasyon na iyun ay may sinabi sa buhay ang pinagmulan ng kasintahan.
Bumaling siya sa dalaga na tahimik na nakatanaw sa labas ng bintana.
"Kinakabahan ka ba?"untag na tanong niya rito.
Agad na lumingon ito sa kanya.
"Alam kaya nila ang tungkol sakin?"may pangamba sa himig nito.
Inabot niya ang kamay nito na nakakuyom na nasa ibabaw ng kandungan nito saka marahan na pinisil iyun.
"Kahit ano man ang maging reaksyon nila maging handa ka lang. Nandito lang ako,"masuyo niyang tugon sa dalaga.
Tumango ito saka humugot ng malalim na hininga.
Isang pindot lang sa doorbell ng magbukas ang malapad na kulay asul na gate. Isang may edad na babae ang sumungaw roon.
"Sino po sila?"pagtatanong nito.
Nasa likuran lang siya ng dalaga. Nakaalalay lang.
"Pwede po ba makausap si Mrs.Feri?"sagot ng dalaga sa matandamg babae.
Titig na titig naman ang matandang babae sa dalaga na tila ba kinikilala nito ang nasa harapan.
"Ah,sino ho ba sila?"nanunuri ang mga mata nito na natatabunan ng salamin.
Sinulyapan muna siya ng dalaga at agad na pinukulan niya ito ng ngiti na nagsasabing nasa tabi lang siya nito.
"Anak po ako ni...CELESTE REID..ako po si CYTHIA"pakilala nito sa matandang babae. Kitang-kita sa likod ng salamin nito ang paglaki ng mga mata nito at pagkagulat.
"Ikaw...ikaw ang anak ni Señorita Celeste?"bulalas nito. Mababanaag ang hindi pagkapaniwala.
Tipid na nginitian ng dalaga ang gulantang na matandang babae.
"Brenda,sino yan?"pagtawag ng isang boses ng babae sa matandang babae.
"Ma'am! May nagpakilala pong anak ni Señorita Celeste!"tugon ng matanda rito.
Itinulak nito pabukas ang gate upang makita ng kausap nito kung sino ang nasa labas ng gate.
Pinisil niya ang kamay ng dalaga na hawak-hawak niya. Ramdam na ramdam niya ang kaba sa dibdib nito.
Bumungad sa kanila ang isang babae na nasa mid 40's na.
Ang mga mata nito na agad na tumutok sa dalaga. Pagkagulat at hindi pagkapaniwala ang makikita sa mga mata nito.
Nahagod nito ang dibdib at kasabay niyun ang biglang pagyakap sa dalaga kaya binitawan niya ang kamay nito upang mas maayos na matanggap ng dalaga ang pag-akap ng ginang.
"Diyos ko! Ang tagal ko pinalangin na makita ka!"umiiyak ng turan ng ginang.
"Diyos ko! Kamukhang-kamukha mo si Ate Celeste!"luhaan nitong sabi at puno ng pananabik na niyakap muli si Danica.
"Diyos ko!"umiiyak pa rin untag ng ginang.
May luha na niyakap ni Danica ang ginang na siyang kapatid ng ina nito.
Ang Tita Celyn nito.
Nasa loob na sila ng kabahayan nito ng hindi pa rin nito binibitawan ang kamay ng dalaga.
Tahimik at nakikiramdam pa ang huli dahil hindi rin nito inaasahan ang magiging reaksyon ng sinasabing kamag-anak nito.
Hindi nila alam ang tunay na dahilan kung bakit nawalay sa tunay na kadugo nito ang kasintahan. Sa pagkakataon ito ay masasagot na ang lahat.
BINABASA MO ANG
Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)
FantasyIsa si Kennet sa sampung bituin o mga tinatawag na Star of life. Sila ang mga bituin na nagbibigay ng pangalawang buhay sa mga tagalupa at isa iyun misyon para sa kanila. Si Kennet ay matagal ng namamangha kung ano nga bang klaseng mundo meron ang m...