DEATH
Hindi inaasahan ni Danica na maaabutan siya ng malakas na bagyo ng magpasya siyang magmountain hiking. Mahilig siya maghiking kapag nag-istress siya mula sa trabaho lalo na sa pamilya niya. Ito ang stress reliever niya pero hindi sa pagkakataon ito na maabutan siya ng ganitong hindi magandang panahon. Marahil sa sobrang kadesperadahan niya na makalimot sa problema ay hindi na niya inalam pa kung wala magiging problema sa pag-akyat niya ng bundok ng mag-isa na wala man lang sinabihan.
Gusto niya muna makalayo. Tila sasabog na ang utak niya sa sobrang stress niya sa mga taong nakapaligid sa kanya lalo na ang pamilya niya na dapat ay nakakatulong sayo pero sila pa ang nagbibigay sayo ng dahilan upang mapagod na intindihin ang mga bagay-bagay na sila lang ang may karapatan na maintindihan.
Paano siya? Hindi ba nila kaya siyang intindihin?
Isinuko niya ang pangarap niya na maging isang modelo para sa kapatid niyang si Daisy na pangarap maging modelo. Sinuportahan ng magulang niya ang kapatid niya pero siya?
Nabalewala. Napilitan pasukin ang mundo ng pagiging dakilang sekretarya ng ama. Hindi siya masaya dun. Hindi niya gusto. Hindi iyun ang pangarap niya!
Napatili siya ng bigla siya nadulas sa nagsisimula ng magputik na lupa. Pababa ang tinatahak niya para makababa ng bundok. Nilibot ng paningin niya ang kagubatan. Sumasayaw ang mga sanga ng puno dahil sa hangin.
Tiningala niya ang mukha na nababasa na ng ulan.
"Makakababa din ako,tiwala lang,Danica!"saad niya sa kawalan saka muli nagpatuloy sa pagbaba.
Maingat ang bawat pagpapadausdos niya sa lupa. Ang malalaking ugat ng mga puno kung saan siya mahigpit na humahawak kapag sa palagay niya madudulas siya.
Ni minsan hindi siya natatakot na umakyat ng mag-isa sa bundok pero hindi sa ganitong lagay ng panahon. Pinagsisihan niya ngayon ang pagdalosdalos niyang desisyon na hindi man lang inalam ang safety niya.
Huli na para magsisi. Ang tanging gagawin niya ngayon ay mag-ingat at maging alerto sa bawat apak ng mga paa niya sa maputik at madulas na mga bato.
Muntikan na siyang mapasigaw ng bigla kumidlat ng malakas. Halos atakehin siya sa puso sa sobrang pagkabigla.
"Kidlat ka lang,makakababa din ako,"kausap niya sa sarili at muli nagpatuloy sa pagbaba.
Basang-basa na siya pero ang hindi niya inaasahan ay ng bigla maputol ang ugat na nahawakan niya kaya malakas na tili ang kumawala sa mga labi niya habang nagpagulong-gulong siya sa maputik na lupa pababa.
Bawat hampas ng katawan niya ay napapaigik siya dahil sa pagtama niya sa mga bato at ugat.
Imbes na indahin ang bawat kirot at sakit na nararamdaman pinilit niya magpakatatag at maghanap ng makakapitan upang hindi siya tuluyan magpagulong-gulong kung saan man siya dadalhin pababa.
Papadilim pa ang paligid. Saka lang niya napansin iyun ng sa wakas ay makakapit siya sa isang ugat.
Sobrang higpit ng kapit niya sa ugat na iyun. Nakagat niya ang pang-ibaba labi. Kinalma niya ang sarili sa kabila ng nararamdaman sakit at kirot sa buo niyang katawan pero nagpapasalamat pa rin siya na hindi siya nabalian ng buto.
Huminga siya ng malalim na hininga saka buong lakas na iniangat niya ang sarili upang makasandal siya sa katawan ng puno ngunit nahihirapan siya dahil dumudulas ang kamay niya sa sobrang pagkabasa mula sa ulan.
"Tiwala lang,Danica..makakaangat ka din!"humihingal niyang saad.
Muli niya pinilit at sinubukan na iangat ang sarili pero natigilan ng makita mula sa itaas ay ang pagbulusok ng kung ano.
Nanlaki ang mga mata niya ng makita na hindi lamang tubig lang iyun may kasamang makapal na putik.
Hindi..hindi..hindi!
Nababalot na siya ng takot at kaba pero hindi siya susuko. Kailangan niyang maiangat ang sarili at makakapit sa katawan ng puno upang hindi siya matangay.
Pero ito na ata ang oras niya para tuluyan na niya makalimutan ang problema niya sa buhay at ang pinagdadaanan niya.
Hindi siya madali umiyak. Matapang siyang tao kahit nga na makitang tila hindi na siya nakikita ng kanyang magulang bilang anak ng mga ito binalewala niya. Tinanggap niya iyun dahil hindi niya ipapakita sa mga ito na mahina siya.
Pero hindi sa mga oras na ito. Hindi niya pa natutupad ang pangarap niya na sinakripisyo niya para sa kapatid niya para makitang masunurin siyang anak at mapagbigay na ate.
Ano ba ginawa niya noong past life niya?
Sobrang masama ba siya ng mga panahon iyun kaya ganito ang parusa sa kanya?
Ni minsan hindi siya nagreklamo o dumaing. Sinarili niya iyun at ang tanging si Lord lang ang nakakaalam ng hinanaing niya at pagrereklamo.
Sinubukan niyang muli isalba ang sarili pero huli na ang lahat. Malakas na humampas sa kanya ang rumaragasang tubig at tinangay siya niyun pababa.
Walang maririnig na ingay sa bawat hampas ng katawan niya sa pagdaing. Nilulunod ng maruming tubig ang kanyang pagdaing.
Binabalot ng putik ang buo niyang katawan at gayundin ang kanyang mukha at nalalasahan na niya ang lupa sa kanyang bibig.
Wala siyang makita sapagkat pinapalabo ng maruming tubig ang kanyang luhaan mga mata.
Lord..salamat marahil naaawa ka na sakin kaya kukunin mo na ko.
She gave up.
Kung oras mo na talaga,oras mo na. Sa maganda man paraan o hindi wala kang magagawa kung oras mo na.
Binalot na siya ng kadiliman. Simbolo ng kamatayan. Tuluyan ng huminto na rin ang pagtibok ng kanyang puso. Ang puso na maraming beses na sumuko na umasa na kahit minsan ay maambunan siya ng kaunting pagmamahal mula sa kanyang mga magulang.
Minsan talaga unfair ang buhay pero wala naman siya dapat ireklamo dahil hindi naman niya inilaban ang karapatan niya kaya bakit niya sisihin ang mundo?
Mula sa kadiliman handa na siya sumama sa kung sino man ang susundo sa kanya.
Naging masunurin at mapagbigay naman siya pero naalala niya may pagkawar freak siya pero limitado lang yun sa iba,oo. Matapang siya sa ibang tao pero hindi sa kanyang pamilya.
Nanatili siyang bulag sa kadiliman. Walang naririnig na pagtibok ng puso. Malamig at...nakakasilaw?
Salamat,Lord...sa langit ako mapupunta.
Hinayaan niyang balutin siya ng nakakasilaw na liwanag na iyun at hayaan ito na dalhin siya sa lugar na alam niyang gusto niyang mapunta ang kanyang kaluluwa kahit doon man lang ay napagbigyan siya kung saan siya magiging masaya sa piling ni Lord na siya lamang nagmamahal at nakakaintindi sa kanya.
BINABASA MO ANG
Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)
FantasyIsa si Kennet sa sampung bituin o mga tinatawag na Star of life. Sila ang mga bituin na nagbibigay ng pangalawang buhay sa mga tagalupa at isa iyun misyon para sa kanila. Si Kennet ay matagal ng namamangha kung ano nga bang klaseng mundo meron ang m...