SLAP
She open her eyes to see the most beautiful place where she at now. Masaya ang puso niya dahil sa liwanag na iyun alam niyang sa langit siya napunta. Sa wakas makikita na niya ang langit kung saan ang mga karapat-dapat lang na makakarating.
Sa pagmulat ng mga mata niya ay agad na sumalubong sa kanya ang kulay puting kalangitan...pero bakit parang...
Kisame?
Muli niya ipinikit ang mga mata saka niya idinilat muli ang kanyang mga mata..pero kisame talaga ng bahay ang nakikita niya?
May kisame ba sa langit?
Nakipagtitigan siya sa kisame hanggang sa bumaling ang mga maya niya sa puting kurtina na banayad na tinatangay ng hangin na nagmumulas sa nakabukas na sliding door?
Napabalikwas siya ng higa.
May kwarto pala sa langit?
Napakurap-kurap siya na sinuyod ang kinaroroonan niya. Isang maaliwalas na kwarto nga siya naroroon. Dinama ng palad niya ang malambot na kama na kinahihigaan niya. Ang bango pa.
Kung hindi lamang niya nararamdaman ang gaan ng pakiramdam niya at wala sakit na nararamdam mula sa aksidente na kinamatay niya talagang magtataka na siya kung bakit nasa loob siya ng isang silid.
Kung buhay pa siya malamang nasa loob siya ng ospital at balot na balot ng benda ang buo niyang katawan.
Napabuntong-hininga siya. Ito ang pakiramdam na gusto niya maramdaman. Walang stress.
Nangyayari na sa kanya ang gusto niyang peace of mind!
Gumuhit ang isang ngiti sa mga labi.
Malungkot man na wala na siya sa mundo atleast dito matiwasay na siya mabubuhay kasama si Lord!
Magaan ang pakiramdam na bumaba siya ng kama at tinungo ang nakabukas ng sliding door. Agad na sumalubong sa kanya ang sariwa at malamig na hangin mula sa labas.
Tinanaw niya ang mga puno na nasa harapan niya.
"Ang ganda dito sa langit. Sayang hindi ko nakita si San Pedro saka yung gate,"bulalas niya saka natawa sa huli.
Nilibot ng mga mata niya ang buong paligid.
Ang tahimik. Ito ang lugar na gusto niya. Walang problema.
Bigla niya naalala ang kanyang pamilya. Iniiyakan na ba siya ng mga ito?
Malungkot ba ang mga ito ngayon wala na siya?
Sana nakikita niya ang mga ito ngayon habang nasa harapan ang mga ito sa kabaong niya.
Binalot ng lungkot ang puso niya. Sanay na siya sa pakiramdam iyun pero...bakit nararamdaman niyang tumitibok pa rin ang puso niya?
Sinapo niya ang dibdib kung nasaan ang puso niya. Tumitibok iyun na tila buhay pa siya.
Hindi ba dapat wala ng mararamdaman na pagtibok ng puso dahil patay na siya?
Baka naman ganun talaga kasi dito ka na sa langit mabubuhay ng walang hanggan.
Humugot siya ng malalim na hininga.
Ang dami niyang tinatanong. Ang importante natapos na ang paghihirap niya sa lupa.
"Gising ka na,"untag ng boses ng lalaki na siyang nagpalingon sa kanya.
Isang matangkad na lalaki na may inosenteng ngiti sa mga labi nito na nakatayo sa bukana ng sliding door.
Infairness ang gwapo ng guardian angel niya..
BINABASA MO ANG
Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)
FantasyIsa si Kennet sa sampung bituin o mga tinatawag na Star of life. Sila ang mga bituin na nagbibigay ng pangalawang buhay sa mga tagalupa at isa iyun misyon para sa kanila. Si Kennet ay matagal ng namamangha kung ano nga bang klaseng mundo meron ang m...