AMAZE
Sa pinagmulan niya pulos magaganda ang mukha ng mga babaeng bituin pero hindi pa ganun kalapit niya natitigan kung gaano kamangha-mangha ang isang magandang mukha ng isang babae. Titig na titig si Kennet sa mukha ng natutulog na tagalupa. Ang babaeng siyang misyon niya ng pagbibigyan ng Star of Life .
"Danica,"usal niya sa pangalan nito. Maganda gaya ng magandang mukha nito.
Napabuntong-hininga siya habang nakatitig pa rin sa mukha nito ng maalala niya ang nangyari rito. Puno ng putik at wala ng buhay ang katawan nito ng madatnan niya ito.
Ano kaya ang ginagawa nito sa lugar na iyun? Tanong ng isip niya.
Tatlong araw na ang lumipas mula ng matagpuan niya ito.
Sa pagtitig niya pa rin sa mukha nito hindi na niya napigilan ang sarili na haplusin ang mahaba pilik nito na tumatabon sa nakapikit nitong mga mata.
"Ang ganda din siguro ng mga mata mo?"usal niya habang maingat na hinahaplos ng hintuturo niya ang pilik-mata nito.
Dumako naman ang paningin niya sa makurba nitong kilay. Maingat na dinantay at sinundan ng hintuturo niya ang perpekto kurba niyun. Namamanghang napangiti si Kennet.
Bumaba naman ang paningin niya sa matangos nitong ilong. Marahan na pinindot ng dulo ng daliri niya ang dulo ng ilong nito saka mahinang tumawa. Nahuhumaling siya na pagmasdan at damahin ang maganda nitong mukha. Ang ganda nito lalo na siguro kapag nagising na ito!
Natuon naman ang paningin niya sa mapupula labi nito. Napakurap-kurap siya. Bigla kasi siya nakaramdam ng hindi niya maipaliwanag na pakiramdam..parang kasing may nag-uudyok sa kanya na subukan kung malambot din ba yun gaya ng mga labi niya.
Hindi tuloy maalis ang mga mata niya sa mga labi nito. Kuryuso siya malaman kung malambot din ba ang mga labi ng mga tagalupa.
Sige na..tulog naman eh! Bigla pag-udyok ni Kuryusidad.
Napalunok tuloy siya.
Kalaspatanganan naman ata kung gagawin niya iyun!
Hindi naman niya malalaman saka ikaw lang ang makakaalam eh,panunudyo pa rin ni Kuryusidad.
Muli siya napalunok. Napakakuryuso naman kasi kung bakit ang perpekto ng bawat angulo ng mukha ng tagalupa ito!
Dahan-dahan bumaba ang mukha niya sa mukha ng babae na nanatiling tulog pa rin.
Malakas ang galabog ng dibdib niya. Nasapo niya tuloy ang dibdid sa tapat ng puso niya.
"Ang bilis ng tibok ng puso ko,bakit kaya?"usal niya habang pinakikiramdaman ang sarili.
Nakatuon pa rin ang mga mata niya sa mga labi ng babae.
Mabilis ang tibok ng puso niya habang nakatitig siya sa mga labi nito. Bakit ganun?
Ngayon lang niya iyun naramdaman!
Para siyang aatakehin. Kinakapos na din siya ng hininga.
Anong nangyayari sa kanya?
Gawin mo na baka bumagal din!
Iyun ang paniwala niya kaya naman hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Inilapat niya ang bibig sa mga labi ng babae. Nanlaki ang mga mata niya maramdaman niya ang mga labi nito sa labi niya.
Malambot.
Mainit.
Marahas na napalayo siya sa mukha ng babae. Napakurap-kurap ang mga mata habang nakaawang na ang mga labi niya.
Akala niya tama sila ng kuryusidad niya kapag ginawa niya babagal ang tibok ng puso niya pero màs dumoble pa iyun!
Nagmamadali tuloy siyang tumayo upang lisanin ang silid ng babae.
Sapo-sapo niya ang dibdib habang tinutungo niya ang palabas ng bahay.
Kailangan niya ng hangin. Hindi siya makahinga!
Ano nangyari sa kanya? Bakit ganun ang epekto sa kanya?
Huwag ka na magtanong..ngayon ka lang nakahalik ng babae,anang ng kuryusidad niya.
Natulala tuloy siya sa kawalan. Tama ang sinabi ng kuryusidad niya.
Nang makalma na siya saka lang niya natanto ang kapangahasan niya.
"Hindi ko dapat ginawa yun,"usal niya habang paroo't-parito.
Hindi naman niya malalaman yun,anang ng kuryusidad niya.
Marahas siya napabuga ng hininga. Kinakain siya ng konsensya sa kapangahasan niyang iyun.
Bigla gumitaw sa isip niya ang ginawa niya kanina.
"Hindi! Hindi na mauulit yun!"nagiguilty niyang bulalas sabay tingala sa kalangitan.
"Haring-bituin at Reynang-bituin,may parusa ba ginawa ko? Gusto ko lang talaga alamin kaya...kaya ko ginawa,"usal niya habang nakatingala pa rin sa kalangitan.
Mayamaya ay nabuga siya ng hininga. Saka nilingon niya ang nakasarang pintuan ng bahay.
"Tama..hindi naman niya malalaman dahil ako lang ang nakakaalam,"pagbawi niya sa sarili.
Tumango-tango siya saka tumindig upang magbalik sa loob ng bahay.
Pero ang lambot ng mga labi niya.
"Tama na,Kennet!"sita niya sa sarili saka inabala niya ang sarili sa loob ng kusina.
Hindi niya alam kung paano magluto pero sa sobrang kuryuso nga niya inalam niya kung paano magluto lalo na ng mapanuod niya sa telebisyon na may nagluluto at nagkaenteres siya sa bagay na yun at inaral niya.
Hindi man perpekto sa simula pero magagawa din niya.
Hindi siya susuko hanggang sa mapunan ang pagkakuryuso niya sa mga bagay-bagay.
Ang mga tanong na Ano, Saan ,kailan at bakit.
Ngayon nandito na siya sa mundo ng mga tao wala siyang palalampasin na kahit ano mapunan lang ang mga dapat niyang malaman kung ano nga ba mayroon ang mundong ito kung bakit mas pinipili ng mga dating bituin manatili sa mundong ito.
Pero isang bagay ang mas kuryuso siya. Iyun ay ang tinatawag nilang sumpa.
Sila na naiwan sa templo iyun ang tinawag nila sa bagay na yun kung saan nabawasan sila magkakaibigan dahil mas pinili ng mga ito na manatili sa mundo ng mga tao dahil sa sumpang iyun.
Totoo ba talagang isang sumpa iyun?
Napakibit siya ng balikat. Malalaman din niya rin ang sagot sa bagay na iyun sa oras na magkita-kita silang lima!
Bigla tuloy siya naexcite na makita ang mga ito. Hihintayin lang muna niya magising ang babae at maging maayos ang lahat saka niya pupuntahan sina,Constell,Alazis, Wendell at Deo.
Curious siya kung magaganda din ba ang mga babae na pinili ng mga ito kaysa sa kanila.
Gaya ba na kasingganda ng babaeng misyon niyang si Danica.
Napasulyap siya sa nakasarang pintuan ng silid ng babae.
"Ano kaya magiging reaksyon mo kapag nagkamalay ka na?"kuryuso niyang tanong sa hangin.
Hintayin na magising saka mo malalaman,tugoñ ng isip niya.
BINABASA MO ANG
Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)
FantasyIsa si Kennet sa sampung bituin o mga tinatawag na Star of life. Sila ang mga bituin na nagbibigay ng pangalawang buhay sa mga tagalupa at isa iyun misyon para sa kanila. Si Kennet ay matagal ng namamangha kung ano nga bang klaseng mundo meron ang m...