Chapter 7

369 35 1
                                    

ELEVATOR

Nakatingala at manghang nakatitig si Kennet sa nagtataasan gusali kahit saan siya lumingon tila nakikipagkompetensya ang mga iyun sa pagtaas.

"Ang galing ng mga tao. Nagawa nila ang mga ito,nakakamangha.."usal niya habang nakatingala pa rin.

"Sa inyo ba..wala?"untag sa kanya ni Danica.

Nagbaba siya ng mga mata rito. Nakaharap ito sa kanya. Kuryuso na hinihintay ang sagot niya sa tanong nito.

"Mula kami sa kalawakan,kami ang pinakamataas mula rito sa lupa,"tugon niya.

Napatango-tango ang dalaga sa sinagot.

"Tama nga naman,"sang-ayon nito pero mababanaag ang pagkamangha sa sinagot niya.

Napangiti siya dahil roon.

"Saan nga pala tayo pupunta?"pagtatanong niya.

Pumihit ito paharap sa isang katapat na gusali.

"Sa gusali niyan,nagtatarabaho ako dyan. May pag-aaring kompanya ang papa ko,"tugon nito na siyang kinaexcite niya.

Gusto niya makita ang loob ng gusali na tinutukoy nito.

"Gusto ko makita ang loob at makasakay sa elevator!"excited niyang saad.

Napabaling sa kanya ang dalaga.

"Alam mo ang elevator?"

Malaking ngiti ang pinukol niya rito.

"Oo..nakita ko sa isang magasin habang hindi ka pa nagigising, "tugon niya rito.

"Mukha hindi mo naman na kailangan turuan..saka hindi ka normal na nilalang kaya madali na lang sayo makatanda ng kahit anong bagay..sana all,"anito.

"Pero gusto ko pa rin matuto ng iba pang bagay,marami pa akong hindi alam,"aniya.

Napatitig na lang sa kanya ang dalaga at nginitian lang niya ito.

"Ikaw gusto ko magturo sakin,okay lang ba?"untag niya rito.

"Ako?"

Agad na tumango siya. "Oo!"

Napatitig muli sa kanya ang dalaga.

"Habang nandito ako sa lupa kung okay lang sayo,"dugtong niya. Puno ng pag-asa na papayag ito.

"Uh,okay lang naman,"mayamaya tugon nito na kinangiti niya ng sobrang laki.

Sa dala ng katuwaan niya bigla niya ito niyakap na kinabigla marahil ng dalaga.

"Salamat! Sana all kasingbait mo!"tuwang-tuwa niyang sabi ramdam ang paninigas ng dalaga.

Nang hindi pa rin gumagalaw ang dalaga at dinig na dinig niya ang malakas na galabog ng dibdib nito kaya binitawan niya ito pagkaraan.

"Okay lang ba?"untag niya rito at doon lang niya nakita ang panglalaki ng mga mata nito at ang pag-awang ng mga labi nito.

Bigla tuloy siya nakaramdam ng pagkapahiya.

"Uh,pasensya na..hindi ko ba dapat ginawa yun? Bigla kita niyakap na walang permiso mula sayo?"nahihiya niyang turan.

Napakurap-kurap ang dalaga na tila natauhan sa sinabi niya.

Tumikhim ito at nag-iwas ng tingin sa kanya. Mas lalo tuloy siya napahiya. Agad na nakaramdam siya ng kaba ng lumakad ito at mabilis naman niya ito sinundan.

"Pasensya na! Galit ka ba sakin?!"nakasunod niyang tanong rito.

Hindi pwede magalit sa kanya ang dalaga. Gusto niya ito ang makatulong sa kanya tungkol sa mga bagay-bagay na gusto niya malaman!

"Sorry na!"

Bigla huminto ang dalaga sa paglalakad at nilingon siya agad naman na tumigil siya sa pagsunod rito.

Tumikhim muna ito. "Hindi ako galit,okay..alam kong inosente ka sa kahit ano bagay..uh,wala naman masama sa ginawa mo,uh,basta! Halika na nga!"turan nito sabay talikod muli sa kanya at nauna ng lumakad patungo sa tinatahak nila gusali na pag-aari ng ama nito.

Napangiti siya habang nakasunod rito.

Hindi lang siya maganda! Ang bait pa niya! Sana all!

Napansin niya na pinagtitinginan sila ng mga tao nakakasalubong nila papasok pa lang ng gusali. May bumati pa sa kasama niya dalaga na tahimik lang na tumatango.

Ang gwapo ng kasama ni Ms.Yvas

Narinig niyang bulungan ng mga babae habang nakasunod pa rin siya sa dalaga.

Eh di totoo pala usap-usapan na baka nakipagtanan si Ms.Yvas ..siya siguro boyfriend niya.

Lilingunin niya sana ang nagsabi iyun pero naagaw ng atensyon niya ang pagtunog ng kung ano. Agad na napabaling siya sa pagbukas ng isang elevator.

Agad na pumasok ang dalaga at mabilis naman na pumasok din siya bago pa iyun nagsara. Marahil iyun ang unang beses na nakasakay siya roon muntikan na siyang matumba kung hindi lamang siya napakapit sa dalaga na nabigla naman sa ginawa niya.

"Ayos ka lang?"tanong nito sa kanya.

Agad naman siya umayos ng pagkakatayo.

"Hindi ko alam na ganito pala nakakagulat sumakay dito kapag first time mo,"turan niya .

Isang mahina tawa mula sa dalaga ang nagpabaling sa kanya rito.

Agad naman naging pormal ang anyo nito kahit halata na nagpipigil lang ito.

Napakibit-balikat na lang siya.

Napukaw siya ng tumunog ang elevator at kusang bumukas iyun. Agad naman siya sumunod sa dalaga palabas roon.

Namamanghang sinuyod niya ang kinaroroonan nila palapag hanggang sa matuon ang mga mata niya sa salamin na dingding kung saan kita ang labas. Agad na lumapit siya roon at talaga namangha siya ng makita na mataas ang kinaroroonan nila.

Tinanaw niya kabuoan ng siyudad. Kitang-kita sa ibaba ang mga abalang sasakyan at mga tao.

"Mabuti naman at naisipan mong magpakita?! Saan ka nanggaling?!"

Agad na napalingon siya ng marinig ang galit na boses iyun.

"Bigla ka na lang nawala ng walang pasabi? Sabihin mo nakipagtanan ka ba?!"anang muli na galit na boses ng lalaki.

Agad na nakaramdam siya ng pagkabahala sigurado siya na kausap iyun ng dalaga. Mabilis ang hakbang na nilapitan niya ang nakabukas na pintuan.

"Hindi po ako nakipagtanan,Papa.."mahinahon na tugon ni Danica .

"Kung hindi,saan ka nagpunta?"

"Naaksidente po ako,Papa kaya hindi ako kaagad nakabalik. Nawala ang dala kong gamit kaya hindi ko kayo nakontak pagkagising ko,"paliwanag nito sa ama.

Nanatili siya nakasilip sa nakabukas ng pintuan. Kitang-kita niya ang galit sa mukha ng lalaki.

"Naaksidente? Bakit? Umakyat ka na naman ng bundok?! Kasalanan mo yan basta ka na lang umaalis na di nagsasabi. Alam mong marami akong trabaho at kailangan kita oras-oras! Ano? Inuna mo? Yang paghahiking mo na magdadala sayo sa kapahamakan!"

Hindi niya nagustuhan ang sinabi ng ama ng dalaga. Hindi ba dapat mag-alala ito dahil naaksidente ang anak nito?

"Pasensya na,papa.."

"Marami akong gagawin..may bago na ko sekretarya kaya..sa bahay na tayo mag-usap,"pagtataboy nito kay Danica.

Tahimik lang na umalis ang dalaga at hinayaan niya ito. Sumunod lamang siya rito hanggang sa makasakay muli sila sa elevator.

"Uuwi na ko sa amin,salamat.."mayamaya sabi nito pagkalabas nila ng building na iyun.

"Gusto ko malaman kung saan ka nakatira,"agad na sabi niya.

Napabaling sa kanya ang dalaga.

Nginitian niya ito.

Napabuga na lang ng hangin ang dalaga.

Kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata nito kaya gusto niya sumama rito. Hindi kasi siya mapapakali kung hahayaan niya ito mag-isa.

Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon