MNB26- Unclear Confession

1.3K 39 0
                                    


Maaga akong umuwi ng bahay wala pa si Anessa obviously nasa date pa yun. Wala pala kaming stock ng grocery kaya napagpasyahan kong magrocery sa isang mall malapit dito sa amin. Bukas pupuntahan ko din si Lola Sonia after ng klase ko. Nagbihis lang ako at agad na umalis.



Ang liit talaga ng mundo para sa amin dahil habang papasok ako ng mall nakita ko si Julian kasama si Syris masayang naguusap sa coffee shop. Nagdirediretso lang ako at tinungo ang supermarket. Nahihirapan nanaman akong huminga. Binilisan ko lang ang paggrocery una dahil ayokong makita sila Syris pangalawa naiinis ako. Pero parang pinaglalaruan ako ng tadhana. Nagkasalubong kami ni Julian but this time hindi nya na kasama si Syris. Hindi ako pinansin nito at dirediretsong pumasok ng supermarket. Inano ko ba sya? Dahil sa inis ko umuwi na lang ako.


"Oh bat ganyang itsura mo?" bungad sa akin ni Aness.



"Wala." natawa ito anong nakakatawa sa sinabi ko? "Julia texted me may gusto daw sayo si Julian is it true?"


"Wala akong alam dyan."


"Wow ha. So ikaw wala ka bang gusto kay Julian?" seryosong tanong nito.


"Wala." diretso kong sagot sa kanya.


"Talaga lang ha. Ano ba yan ang ingay sa labas" tumayo ito para kutkutin ang mga pinamili ko. Kumuha siya ng isang v-cut. May nagcoconstruction kasi malapit sa amin.


Iniwan ko na si Anessa at pumasok na ako ng kwarto wala naman akong mapapala sa kanya bubwisitin lang ako nito. Nahiga ako sa kama at tinignan ang cellphone ko puro text lang ng operator. Bago ko umalis sa party inabot sa akin Carl ang iphone at ipad ko.


Pwede ba tayong mag-usap.... delete delete

Can we talk? delete delete

Hay I feel guilty dahil sa sinabi ko sa kanya last night. I didn't mean it.

Mag-usap tayo. Sent.

Beep.

Akala ko si Julian hindi pala chain message lang. Bakit ba ang daming taong mahilig magpasa ng mga walang kwentang cahin messages?

beep.

Who you? sagot nya sakin. What the? did he erase my number? nireplyan ko ito.


"YOURNOLONGERPARTOFMYLIFE." yan ang reply nya sa akin CAPSLOCK walang space ang arte.

Ang arte mo. It's about the case. Sent.


K. Let's meet after 5 mins sa coffee shop malapit sa inyo. Sagot nya sakin nagiinarte pa eh.


Agad akong lumabas ng bahay at naglakad patungong coffee shop. Nakita ko syang nakaupo malapit sa window. Bakit feeling ko kanina pa sya dito.



"Julian."


"What?" pagalit na tanong nito sa akin.



"Please cooperate with Carlos para mapabilis maayos ang kaso."


"You said your no longer part of my life. So bat ka nakekealam?"


"I'm worried."



"Stop that nonsense reason of yours."



"Teka nga Julian bakit ba ikaw tong galit na galit? Aba ikaw tong malaki ang kasalanan sa akin." Hindi ito kumibo. "Ano di ka makasagot ngayon? Okay I'll apologize I didn't mean to say that naiinis lang ako." nakita ko naman nagliwanag ang mukha nya.



"Don't you dare say that again."



"Okay aalis na ko. Wala na kong sasabihin."



"Hahatid kita." Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya. Habang nasa kotse kami dahil nga malapit lang naman ilang minuto lang ay nasa tapat na kami ng apartment.

Akmang baba na ako ng sasakyan ng hawakan nya ang braso ko. "Ano?"

"Sierra." bulong nito. "Ano nga?"



"MAHALNAYATAKITA" hindi ko naintindihan ang sinabi nya dahil sa ingay sa contruction site na malapit sa amin.


"HA? ANO YUN?"


"Puta naman!"




"Maingay di ko maintindihan text mo na nga lang." bumaba na ako ng kotse nya at pumasok sa apartment.

Julian's POV

"Bullshit." sabay hampas ko sa manibela. Lintik na buldozer yun sumabay pa dumiretso ako sa bahay nila Ace sakto naman nandun si Eli na naglalaro ng Xbox tinext ko na din si Greg at Hyo. Kaya halos sabay lang kaming dumating. Alasais na ng hapon.


"Bat ba pinabili mo ko ng beer? Wala bang stock dito si Ace?" tanong ni Greg habang hawak ang plastik ng beer.



"Gusto nyo bang balian ako ng buto ni erpat, buti nga wala sya ngayon eh." sagot ni Ace nandito kami sa may garden nila.




"Papa's boy." sabay tawa ni Greg. "Ano ba problema Julian?" sinabi ko sa kanila yung nangyari kanina.



"HAHAHAHA seryoso Juls? sinisi mo pa yung contruction site? sa katangahan mo?" sabi ni Ace. Lahat sila ay tawa ng tawa. Tama kayo inamin ko sa mga ugok na to na ang tungkol kay Sierra. Hindi na ako sumagot at binuksan ko na lang ang lata ng beer na nasa harapan ko.




"Sir Ace eto na po yung kaldereta." biglang dating ng sexing bagong katulong nila Ace na nasa disisais lang. "Baba mo na lang sa table. Thanks."



"Chix yun ah." bulong ni Eli kay Greg. "Retired na ko dyan."



"Wow ha." inisan ng dalawa. "Manahimik ka nga Eli disisais lang yun makasuhan ka ng child abuse madagdagan pa kaso mo." saway ni Ace dito.



"Kj nito. Back to the topic so you love that nerd Juls? Sabi na nga ba eh." tudyo ni Eli. "Nakakapraning." yun lang ang naisagot ko sa kanila.Napangisi naman si Koreano.



"Napapraning? oh men that thing called LOVE." masayang sabi ni Eli.



"Ugok" sabay sabay namin sigaw kay Eli binato pa sya nila Greg ng throw pillow.


"Aray! Ano ba!"



"Hindi ko gusto yang ngiti mo K-pop."




"What's wrong with this?" at ang loko nangiinis talaga ngumiti ng nakakagago.




"So Juls need our help??" tanong ni Greg.




"That's why I'm here."




"San mo gustong daanin sa santong dasalan o santong paspasan?" tanong ni Eli habang ngumangata ng mani.



















MY NERDY BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon