MNB55- What are friends are for?

1.1K 34 2
                                    

2 months later.

"Para ba kasi saan 'tong mga to?" reklamo ni Anessa sa akin. Dala dala niya ang mga plastic bag na pinamili ko sa Divisoria kanina.

"Basta." sagot ko sa kanya.

"Alam mo ako kinakabahan na ko sayo. Last week pa ang weird ng kinikilos mo. Last time we went to the coffee shop and to think you want to buy that area, then this and oh I forgot last time you drag me to the jewe--" Anessa cut off her words and been shocked.

"OH MY GOD!!! Are you planning something?"

"Shut your mouth. It's time. This is the right time."

Ano bang nangyari after we go home? Wala normal diretso kami sa condo. No more talks, no more arguments. Hindi kasi healthy kay Savier kung makikita niya kaming nagaaway lagi ng daddy niya. Inenroll ko na din si Save sa isang private school na malapit sa condominium. Kinotinue ko pa din ang trabaho ko kahit pa ayaw ni Julian. Yun yung isang di matapos tapos na issue naming dalawa but then everything was smooth.

"Let's go, Aness."

"Where to?"

"Sa Infinity and Coffee."

"What? Di ba nga sabi nila they won't sell that shop." naiiritang sagot ni Aness sa akin.

"Keri yun. Konting convince lang dun bibigay din."

"You can build your own naman bakit ba kating kati ka sa shop na 'yun?"

"Sabihin na lang natin na that was a special place for me."

"Wow! ha ganun? kapag special kailangan bilin? Iba talaga pagsobrang yaman no?"

"Alam mo ang daldal mo. We are friends right? So what are friends are for?"

"Tolerating each other hell yahh! Pasalamat ka mahal kita, Sierra."

"Too cheesy di bagay sayo."

"Talaga si Ace lang bagay sakin." masayang sagot nito. I don't know kung ano ang balita sa kanilang dalawa pero kapag nakikita kong masaya si Aness alam ko na kung sino ang dahilan.

"Arte. Tuktukan kita dyan eh."

Pasado alas sais ng dumating kami sa coffee shop.

"Opppps!" pigil ko sa manager. Tumalikod agad kasi siya ng makita ako. Siguro at nakukulitan na sa akin. Nakakaapat na balik na kasi ako dito.

"Mam, hindi po talaga to for sale."

"Sige na. Sabihin mo sa amo mo gusto ko siyang makausap."

"Friend ang kulit mo hindi nga daw for sale. Ilang beses ka bang pinanganak?" bulong ni Anessa sa akin.

"Shut up."

"Ganito na lang set mo na lang ako ng meeting with him. Here's my calling card. Sierra Chantelle De Asis."

"Susubukan ko po, Mam."

"Do it. Please." pakiusap ko sa Manager. Agad naman akong hinila ni Anessa palabas ng coffee shop.

"Sorry ha. Praning kasi tong kaibigan ko."

"Tara na nga."

"Aness anong oras na?"

"7:33"

Nataranta akong bigla sa sinabi ni Anessa. "Pakshet."

"Bakit?"

"Nagpromise ako kay Julian at Save na magdidinner kami sa labas."

"Patay ka." Agad kong kinuha ang phone ko sa bag. Nakasilent nga pala ito. 57 missed calls, 66 messages lahat ay galing kay Julian.

Alam ko sa sarili ko na hindi na ako aabot dahil may kalayuan ang coffee shop sa bahay. Kaya naman bumili na lang ako ng take outs.

"Damn!" nahampas ko ang manubela dahil sobrang traffic bumaba na si Aness kanina dahil may lakad sila ni Ace.

Pasado alas nueve na ng makauwi ako sa Condo.

"Juls." nakita ko siyang umiinom ng alak sa may veranda. "Si Save?"

"Tulog na."

"I'm sorry."

"Save it for tomorrow. I'm tired." matamlay na sagot nito.

"I di---

"I cancel my very important meeting para sa dinner na sinasabi mo. But you didn't show up. You know how important the company, Sierra. Oras ko yung nasayang and it's not funny." he was so serious. Hindi ako nakakibo this is the first time I saw him like this. Baka may problema or something.

"Julian kasi."

"Pagod ako." tinalikuran niya na ako. Ang bigat ng pakiramdam ko. Bakit pakiramdam ko may malaki siyang problema?

Author's Note:
May readers pa ba 'to? Paramdam naman kayo :) :)

MY NERDY BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon