MNB52- Punches

1.2K 32 2
                                    

"DADDY? Kuya Carlos? Carl? Ano 'to?" tinitigan ko sila ng masama na tatlo ng makita kong puro pasa si Julian. Agad akong lumapit dito. Alam kong sanay si Julian na mabugbog or masapak kaya lang that was years ago iba na ngayon.

"I just gave him a welcome punch." walang alinlangan sabi ni Daddy habang naupo sa dining table.

"Welcome punch?"

"Three welcome punches= welcome to the De Asis Family." sagot naman ni Kuya Carlos habang sumasandok ng spaghetti. Napatanga ako sa sagot nito.

"Kelan pa nagkaroon ng ganun sa pamilya natin?"

"The moment he entered to our house my dear sister." Hindi na ako sumagot kay Carlos praning sila.

"Okay ka lang?" baling ko kay Julian.

"You guys are all insane."

"You were over reacted sis. Or much better the word over acting." natatawang sabi ni Carl sa akin.

"Anong over reacted kung ikaw kaya ipabugbog ko Carlito?" baling ko kay Carl na busy sa pagkain ng rice. "Ano okay ka lang ba? Yan lang ba ginawa nila sayo?"

"I'm fine." sagot ni Julian.

"Kita mo he said he's fine." sabat ni Daddy.

"Of course sasabihin niyang okay lang siya." sabay irap ko kay Daddy.

"OMG what happen to him?" natarantang sagot ni Mommy ng makita ang mukha ni Julian. Hawak nito si Savier na mahimbing na natutulog nilabas niya kasi ito sa may garden kanina.

"Binugbog nila."

"Dad!" tinignan ng masama ni Mommy si Daddy. "Okay ka lang ba iho?"

"Okay lang po ako."

"Pangatawan mo yang pagiging okay mo ha Andrada kundi ako mismo ang sasapak sayo. Nakakainis." Nakatingin lamang sa akin si Julian. Sapakin ko kaya to tignan ko lang kung magiging okay pa siya. Kailangan ba talagang sabihin niyang okay siya kahit hindi naman?

"Welcome punch dear." nakangising sabi ni Daddy.

"Nakaka OA pala ang pag-ibig noh, Ate?" humahagikgik na sabi ni Carl.

"Shut up Carl!" tumahimik naman ito at tuloy lang sa pagkain, pati si Daddy at kuya Carlos ano nagutom sila sa pagsapak kay Julian? Nakakainit ng ulo.

"Tara nga sa taas gamutin natin yang pasa mo! Puro ka okay eh!" aya ko kay Julian at hinawakan ko ang risk nito para akayin.

"Sinabi niya lahat ng mga nagawa niyang mali sayo, kung paano ka niya nasaktan dati, kung paano ka niya inaway about Sharmaine, kung paano ka niya sinisi. Thats why Dad punched his face. He also said na nagsisi na siya sa mga ginawa niya thats why I punched him too." nagulat ako sa sinabi ni Kuya Carlos hawak ko pa din ang risk ni Julian. Parang nafreeze ang buong paligid ko nagsikip bigla ang dibdib ko. Did Julian said those things? Seryoso ba siya?

"He even said that he really loves you and willing to take you back for good. And I gave him my super punch." sabi ni Carl habang sumusubo ng fried chicken.

"A total of three punches well trained ang dalawa kong bataan. Go on gamutin mo na ang mga pasa niya." Dad instructed me. Si Julian na mismo ang humitak sa kamay ko pakiramdam ko nawalan ako ng lakas sa mga narinig ko.

"Saan kwarto mo?" bulong ni Julian. Nauna kong maglakad sa kanya papunta sa kwarto ko sumunod naman siya sa akin. Pinakatitigan lang niya ang buong kwarto ko. Maybe he's wondering kung kwarto ko ba talaga yun cause it's totally different puno iyon ng girly staff, magazines, make up area, magandang sofa, may walk in closets pa. Malayo sa personality ng dating Sierang nakilala niya. Pero nakatayo lang din ako sa harap niya at nakatitig sa kanya.

"Huy okay ka lang? Parang ikaw pa yung nabugbog satin dalawa ah." He's looking in my eyes directly ganun din ako sa kanya.

"Juls." walang pagaalinlangan ko siyang niyakap. "Julian Edward." sabi ko sa kanya habang humihikbi.

"Let's go home Sierra. Bumalik ka na sa bahay natin, bumalik ka na samin. Please came back in my life." seryosong sabi niya habang hinihimas ang buhok ko.

Pinahiran ko muna ang luha ko bago ko siya sagutin. "I'm going home with you."

"Gamutin muna natin yang pasa mo."

"Magaling na."

"Ha?"

"You are a good medicine. I'm okay now strong enough for more punches, I can take more than 3...5... 10 punches..-- He paused for a while and look at me and even hold my face. "Throw me all of it hindi ako iilag basta para sayo kahit masaktan, mabugbog o masira pa tong gwapo kong mukha okay lang basta bumalik ka lang sakin."

Hinampas ko ang dibdib niya. "Sira kung ako kaya ang sumapak sayo?"

"Aray may pinagmanahan ka ha." natatawang sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

Authors note: Konting kembot na lang patapos na! :) Sana magcomment ang mga nagbabasa nito. Salamat :) Julian Edward Andrada on the multimedia ang hirap sigurong bugbugin ng ganyang mukha!! ❤️

MY NERDY BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon