MNB29- Sierra to Julian

1.4K 36 0
                                    


"Tangna, seriously bro? Simpleng i like  you lang di mo nasabi?" seryosong mura ni Eli habang naglalaro sila ng billiards.

"I'm out of words. Sinabi ko namang I'm crazy for her." sagot ko sa kanya habang ako na ang tumitira.

"Sinabi mo ng pabulong at sabi mo may bumusinang sasakyan pa dahil mali ang park ng sasakyan mo. Julian naman pano kung di narinig?" paglilinaw ni Ace.

"Narinig siguro yun patay malisya lang. Kung di man nya narinig malamang sa susunod hearing aid na ibigay ko sa kanya." umupo na lang ako sa sofa at nagbuklat na lang ng magazine. Isang linggo na ang nakakalipas simula ng umamin ako kay Sierra.

"Siraulo. Hindi mo kasi alam yung essence ng eye to eye contact brad. Eye to eye contact." sabat ni Greg na busy sa paglalaro ng coc. "Hyo iaattack mo na, putcha masisira na yung base natin."

"Eye to eye contact?"

"Oo. Para kitang kita nya kung gaano ka kaseryoso."

"Seryoso naman ako ah."

"Alam mo Julian ganito lang yan ang pag-ibig parang clash of clans kung hindi ka gagawa ng base maattack yan ng iba." Tumawa naman ng malakas si Eli dahil sa sinabi ni Greg.

"Mga bugok."

"May isa ka pang problema." paalala ni Ace.

"Ano?"

"Sierra's brother." napailing na lang ako oo nga pala.

"Bahala na. Una na nga ako kanina pa tumatawag si Tanda."

Dumiretso ako ng mansion para sa lunch namin nila Lola.

"Son, come on kain na."

"Thanks Dad."

"Hows the freaking case Julian?" tanong ni Mommy sa akin.

"Going well."

"Good don't put this family in shame." hindi na lang ako sumagot dahil alam kong magkakasagutan lang kami.

"Young man buti naman at dumating ka na." biglang dating ni Tanda sa dining table. "I want you in the company tomorrow."


"For what?" ano nanaman ang plano nitong matandang hukluban na to?


"Gusto kong magtraining ka na as CEO of the Miden Hotel."

"Mama!" saway ni Mommy sa kanya. "He's not yet capable in that position. Julian is too irresponsible in such things."

"Kelan pa sya matututong maging responsable?" sagot naman ni Tanda sa kanya.

"Let Julian prove himself to us, honey." sabi ni Dad kay mommy.

"Fine." yun na lang ang naisagot ni Mommy.

"Is that all?" tanong ko sa kanila. "I'm taking it." agad na akong umalis sa hapag kainan. Maglalaro na lang ako ng xbox maghapon.

Dahil sobrang boring ng sabado ko naisipan kong itext si Nerd.

Hi =)

Sierra: Ulol.

Tignan mo tong babae na to ang ganda ng bati ko eh. Hindi ko na lang yun pinansin at nireplyan ko na lang sya ulit.

How are you? Kumaen ka na ba? =)

Sierra: I'm fine asshole. Oo hindi ako tanga para magpakagutom.

"Lintik na babae to. Wala man lang kasweet sweet magtext." bulong ko sa sarili ko.  Tama pupuntahan ko na lang sya.

Sierra's POV

Anong saltik nitong si Julian text ng text. Nakakainis.

"Bat ba busangot yang mukha mo?" tanong ni Anessa sa akin. Kasalukuyan kaming nanonood ng Taken 3 at sya kain ng kain ng lays.

"Wala. Si Julian text ng text."

"Uyyy pag-ibig." nakita ko syang nagtetext. "Iuupdate ko sila Julia." tumawa pa ito ng parang bruha.

Dingdong.

"Anessa may tao."

"Sierra buksan mo." sagot nito sa akin tutok na tutok ito sa telebisyon. "Tangna naman sino ba kasi yun?" tumayo na ako para buksan ang gate. Nagulat ako ng si Julian ito. Kaya nilabas ko si gago.

"Problema mo?" pagsusungit ko sa kanya.

"May period ka?" eh gago't kalahati pala to. Umbagan ko kaya?

"Matagal na kong di nakakasapak Andrada gusto mo bang masampolan?"

"Easy. Gusto lang kitang makausap."

"Wala tayong dapat pagusapan." halos pabulong kong sabi. Bakit ba gusto pa nya yung pag-usapan.

"Sierra."

"What?"

"I like you. And I want to court you." diretsong sabi ni Julian habang nakatitig sa mga mata ko.

"Didiretsuhin na kita Julian. Isaksak mo to sa kukute mo." huminga muna ako ng malalim bago ko sabihin sa kanya ang dapat kong sabihin sa kanya. "Wala kang mapapala sakin." at pinagsaraduhan ko na sya ng gate.

"Nagsisimula pa lang ako Nerd! Di ako susuko!"

MY NERDY BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon