MNB56- How about us?

1.1K 27 4
                                    

Sierra's on point

12 am kanina pa ako hindi mapakali dahil hindi pa din umuuwi si Julian dapat nandito na siya ng 8 pm kung nagovertime man siya. But the heck 12 am? ibang usapan na 'yun. Paranoia runs on my mind nambabae kaya siya? uminom? or naaksidente? Wag naman. Damn negativities ruin me. I even contact the boys pero wala daw hindi naman daw sila kinocontact ni Julian.

"Come on, Andrada pick up your phone." nakakailang dial na ako sa phone niya. Tumawag na din ako sa office pero wala ng sumasagot obviously sarado na 'yun. Kanina pa din tulog si Savier.

The last time we talk ay nung nagaway kami. Hindi na kami nakapagusap pa dahil maaga siyang umalis noon. Naninibago ako hindi ko alam ang nangyayari.

Maya maya pa ay isang malakas na kalabog mula sa pinto ang aking narinig.

"Julian?" nakahandusay siya sa sahig puno ng pasa at lasing na lasing.

"Julian what happen? Okay ka lang?" natatarantang tanong ko sa kanya. "Juls naman. Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" but he refused.

Pinilit niyang tumayo upang pumasok. Sumunod lamang ako sa kanya. Sinubukan ko siyang alalayan pero umiiwas siya.

"Mahiga ka muna gagamutin ko yang mga sugat mo." Sierra relax intindihin mo lang.

"Gagamutin ko." Hindi siya umiimik at hinayaan niya lang akong gamutin ang sugat niya.

"Care to tell me whats happening?"

"Wala." simpleng sagot niya.

"Alam ko meron, nararamdaman ko meron." naiinis na ako sa mga kinikilos niya.

"I told you wala."

"Hindi ka magkakaganyan kung walang problema. Ano bang tingin mo sakin dito tautauhan? Wala lang? Julian I'm your--

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ano nga ba niya ko?

"You are my what? You have no label, yet."

Natulala ako sa sinabing niyang 'yon. I have no label. Wala akong label sa buhay niya. Ano na naman bang nangyayari? The last time I check okay naman ang lahat samin. And now hindi ko na alam.

Tumayo ako at pumunta sa kusina. Doon ako umiyak ng umiyak. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Wala pala akong karapatang magtanong wala akong karapatang manumbat. Ina lang naman ako ng anak niya.

Alas tres na ako ng madaling araw nakatulog. Dahil sa kakaisip. Pero pinilit ko pa ding gumising ng maaga para ipagluto sila ng almusal.

"Save eat your breakfast." nakatanga lang kasi ito sa bacon, hotdog at pancake na niluto ko.

"Wala po akong gana, My."

"Save magagalit ako. Kainin mo yan." bigla naman lumabas si Julian.

"Kain na." uminom lang siya ng kape at umiwas na ng tingin sa akin.

"Let's make an agreement."

"Para san?"

"Para kay Save."

"What do you mean? Nakikipaghiwalay ka ba Julian?" hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Gulong gulo na ko. Yun agad ang unang pumasok sa utak ko.

"I'm sorry." tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niya.

"Ano bang nangyayari Julian? Ano bang ginawa ko? ha. Bakit? Bakit ba? Gulong gulo na ko, Julian."

"Ako ang may problema."

"Pakshit. Nakakagago ka! Paano tayo?"

"I need a break." Putcha. Anong klaseng sagot yun? Naiinis ako. Sobrang gulo! Sobrang sakit. Sobrang hirap. Sobrang nakakagago.

"Why can't you just explain every thing to me? Iintindihin ko bawat detalye basta ipaliwanag mo lang sa akin kung bakit ka nagkakaganyan."

"You would not understand."

"Paano ko maiintindihan kung ayaw mo naman ipaintindi sa akin? Paano ko malalaman kung hindi mo sasabihin? Paano ko--

"No need."

"Okay fine. Pesteng buhay 'to. Sana di mo na lang ako sinundan sa Cebu. Sana--

"Sana nga." Doon tuluyang gumuho ang mundo ko.

Julian's POV

"Tangina mga tsong. Kakaiba na si Sierra. Tama pa ba 'tong plano natin?" sabay tanggal ko sa band aid na nasa mukha ko. "Kakaiba siya eh ang peaceful ng mga approach niya sakin."

"Girls are complicated wag ka ngang praning, Andrada." sagot ni Greg habang kumakain ng piattos.

"Tiwala lang, Juls." Sabat ni Ace na kasalukuyang naglalaro ng billiards.

"Sigurado ba kayo? Baka biglang magbalot na naman yun at umuwi ng Cebu."

"She would not do that." kampanteng sagot ni Eli.

"How sure are you?"

"Simple lang. Hindi gugustuhin ni Sierra na mapatay ka ng tatay niya." Bigla naman silang nagtawanan ng malakas.

"Akalain mong may utak ka pala, Eli." pangiinis ni Greg dito.

"Hyo!" nagthumbs up lang si Hyo sa amin at ngumiti.

"Plantyado na ba ang plano mo, Julian?" tanong ni Greg.

"Idea niyo 'to. Pagsumabit bugbog sarado kayo saking apat."

"Ulul. Hahaha! Kapag sabit de goodbye Sierra ka."  binato ko ng tissue si Eli.

"Gusto mo bang ikaw ang mag goodbye sa mundo?" pananakot ko kay Eli. Natawa naman siya.

"Huwag naman tsong wala pa kong lahi."

MY NERDY BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon