Gusto kong sumagot sa sinabi nya pero walang lumalabas sa bibig ko. Parang sa isang iglap bigla akong napipi, pakiramdam ko kaming dalawa lang ang nasa harap ng coffee shop. Isang mabilis na halik sa labi ang binigay ko sa kanya, hindi ko alam hindi ko maintindihan pero kusang gumalaw ang katawan ko.
Napatakip ako sa labi at biglang tumalikod kay Julian. Halata mo ang pagkabigla dito.
"Para san yun?" alanganing tanong sabay ngiti ni Julian.
"Sagot ba yun sa sinabi ko?" pangungulit pa nito. Ngunit di ako sumagot dumiretso lang ako sa loob ng coffee shop. Pareho kaming nasa tapat na ng counter.
"Skinny cafe mocha" sabay naming order. Nagkatinginan kami saglit.
"Anything else mam sir?"
"What do you want?" tanong nito sa akin.
"Carrot cake."
"One carrot cake for my girlfriend and one peanut sandwich for me." mahilig talaga sa mani ang isang to. Pinandilatan ko sya ng mata dahil sa sinabi nya. Girlfriend, girlfriend nyang mukha nya. Naupo sila malapit sa may window at bumuhos ang malakas na ulan.
"Inaasahan po ang malakas na ulan sa ilang lugar sa luzon bunsod ng bagyong Renan blah. Blah." sabi ng forecaster sa television ng coffee shop.
"Ang tahimik mo."
"I have nothing to say."
"Seryoso ko sa sinabi ko kanina, magsimula tayo ulit yung hindi tayo nagaaway."
"It wouldn't work for us. Hindi tayo si Sierra at Julian kung hindi tayo nag-aaway."
"Okay ganito na lang. Maging tayo na lang ganun kasimple."
"May saltik ka ba?"
"You kissed me remember?" tanong nito. Di pa man ako nakakasagot nagtanong na sya ulit."Wait don't tell me wala lang yun?"
"Oo wala yun. Walang meaning. Walang feelings involve." napanganga si Julian sa sagot ko.
Natatakot akong sumugal kaya hanggang ngayon hindi ko kayang sabihin kay Julian kung ano ang totoo kong nararamdaman.
Hindi ito sumagot at kumain na lang ng sandwich. Naguguilty ako hindi na sya muling nagsalita.
Matapos naming kumain tumayo na sya. Kahit malakas ang ulan lumabas sya sa may parking area.
"Magpatila muna tayo." tinignan nya lang ako.
"Talk to me Julian. Wag ka ngang parang bata."
"I have nothing to say."
"Hindi ka na nakakatuwa."
"You keep on rejecting me. Sinong di maiinis?" naiinis na sabi nito sa akin. "I rejected by the girl I love 3 times. How nice." bulong pa nito. Buti na lang agad na tumigil ang malakas na ulan humina na ito. Pero ang puso ko ganoon pa din. Habang nasa sasakyan kami.
"I'm leaving Julian." doon naipreno ng malakas ni Julian ang sasakyan. Buti na lang ay nakaseatbelt ako.
"Tangna ano ba? Papatayin mo ba ko?"
"What did you just say? Aalis ka?"
"Babalik na ako ng Cebu."
"So goodbye and good riddance na ba to? Nice." at pinaharurot nya na ang sasakyan.
Pagkahinto ng makina agad kong tinanggal ang seatbelt ko.
"Julian talk to me." tinignan lang ako nito kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nya.
"Ano?"
"I'm sorry." bulong ko.
"Magaling ka talagang manakit ng ibang tao." yun lang ang sabi nya at umalis na. Inirapan pa ko ng hayup.
Hating gabi na pero di maalis sa isip ko si Julian. Tinext ko din si Julia kung nakauwi na ba ito. Sabi hindi pa at baka kasama sila Hyo. Hindi ako mapakali dahil tinawagan ko sila Eli hindi daw nila kasama si Julian. Isang text message ang nareceive ko galing kay Greg.
Julian rush in the St. Joseph hospital.
Bago pa man ako kabahan ng todo may second message na si Greg.
He was fine nasa condo na sya. Nabugbog lang ng mga tambay.
Dahil bukas ng hapon ang flight ko paCebu pupuntahan ko na lang siya.
"Hoy babae gabi na san punta mo?" nagulat ako. Gising pa pala si Anessa may hawak itong isang basong tubig
"Kay Julian nabugbog. He needs me."
"Akala ko ba nireject mo na sya?" tanong pa nito.
"Ang dami mong tanong."
"Mahal mo noh? Halatang halata sa mga kilos at galaw mo." sabi nya sabay lagok sa tubig na hawak nya.
"Dami mong alam. Alis na ko."
Pagdating ko sa condo ni Julian si Eli na lang ang inabutan ko.
"Sierra." nagulat si Eli ng makita ako.
"Kamusta sya?"
"Ayun tulog na. Nasa kwarto nya lasing na lasing."
"Siraulo talaga."
"Wag mo syang paasahin Sierra, he's not good in this game. He loves you at saksi kami dun." paliwanag ni Eli.
"I'm leaving tomorrow, Babalik na ko ng Cebu."
"See? Iiwan mo si Julian, kita mong sayo lang sya nakikinig."
"Kailangan."
"Bahala nga kayo. Anyway una na ko Sierra it's getting late."
Nang umalis si Eli pumasok na ako sa kwarto ni Julian.
"Don't leave me Nerd. May hindi pa ko nasasabi sayo." nagsasalita ng tulog ang abnormal. Kitang kita kong puro pasa ang mukha nito.
"Nerd." bulong nito. "Ma-hal ki-ta." sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"I love you too, Julian. I love you." pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako. Pero nagulat ako ng hitakin nya ako kaya napunta ako sa ibabaw nya. Sinubukan kong kumawala pero hinigpitan nya ang yakap sa bewang ko.
"I heard you loud and clear, I love you too." seryosong sabi nya sakin habang nakatitig sa mga mata ko. And he kissed me. Not an ordinary kiss but a kiss full of love and sweetness. And my mouth and lips surrender it automatically move and respond to his kisses. I love him I truly do.
BINABASA MO ANG
MY NERDY BOSS
Любовные романыPaano kung one summer imbis na nasa beach ka at nageenjoy kasama ng barkada eto ka ngayong nagtatrabaho sa sarili nyong kompanya? Summer Job? yan ang parusa ni Lola Sonia sa kanyang only grandson na si Julian hindi lang yan SUMMER JOB+SUMMER BOSS? N...