Julian's POV
Hindi ako makagalaw, nakayakap sa likod ko ang babaeng pinakamamahal ko umiiyak at humihingi ng tawad.
Humarap ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Patuloy pa din ang paghikbi niya. Patuloy pa din ang paghingi niya ng tawad.
"Stop crying Sierra. Shhh tama na. Your already forgiven." bulong ko dito. "Oo galit ako sayo pero but when I saw you and Save nawala lahat yun. I feel complete again. You and our son is my life." tumingin ito sa akin.
"Listen to me babe. Mahal kita, mahal kita walang nagbago dun. Mahal na mahal kita Sierra more than everything." pahayag ko dito. Yumakap lang ito muli sa akin.
The next morning nagising akong wala na sa tabi ko si Sierra. Nakaramdam ako ng takot dahil baka lumayas nanaman ito. Lumabas ako para hanapin siya. Wala ito sa kusina at kahit saan wala din si Savier.
Tangna iniwan nanaman ba nila ako? Nawala lang ang kaba ko ng may pumasok sa unit. Si Sierra at Savier. Nakasuot pa ang anak ko ng raincoat.
"Put your raincoat here." sabi nito sa anak namin sinunod naman iyon ni Save.
"Daddy!! Your awake." salubong sa akin ni Save. Napansin kong may hawak na grocery si Sierra. Nakahinga ako ng maluwag.
"Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong nito sakin.
"Akala ko iniwan mo nanaman ako."
"Nagrocery lang kami wala ka ng stock, wag kang praning." sagot nito sa akin. Napansin ko ang suot niya nakashort lamang ito at manipis na t-shirt. Tanginis para siyang nakahubad sa suot niya.
"Oh bakit ganyan ka makatingin?"
"Lumabas ka ng ganyan ang suot mo?"
"Anong problema dito? I used to dress like this."
"Muntik ka ng naghubad." galit na sabi ko sa kanya. Dumiretso naman ito sa kusina para ayusin ang mga pinamili niya. "At isa pa kakagaling mo lang sa sakit bakit hindi mo na lang hinintay na magising ako and to think umuulan pa?"
"Mr. CEO 9am na ho. At gutom na yang anak mo." sabi naman nito sa akin. Nagluluto siya ng pancakes ngayon.
"Sana ginising mo ko."
"Teka nga ano bang kinakagalit mo yung suot ko o yung paglabas ko?" tanong nito sa akin.
"Pareho." sagot ko sa kanya habang kumukuha ng tubig. Ipinagtimpla naman niya ako ng kape.
"Oh ang aga aga ang init ng ulo mo. Save here's your pancakes." sigaw nito kay Savier na nanonood ng tv sa living room.
"This is the last time na makikita kitang magsusuot ng ganyan." banta ko dito.
BINABASA MO ANG
MY NERDY BOSS
RomancePaano kung one summer imbis na nasa beach ka at nageenjoy kasama ng barkada eto ka ngayong nagtatrabaho sa sarili nyong kompanya? Summer Job? yan ang parusa ni Lola Sonia sa kanyang only grandson na si Julian hindi lang yan SUMMER JOB+SUMMER BOSS? N...