"What? Wait don't te-"Hindi kaya siya ang dahilan kung bakit nagkakaganun si Julian?" diretso kong tanong kay Anessa.
"Alam mo praning ka na talaga. Okay na lahat di ba?" nakairap na sagot nito sa akin.
"Paano kung siya nga?"
"Paano kung hindi?" balik tanong nito sa akin. "Alam mo ikaw malapit ka ng mabaliw sa kakaisip."
"Come to think of it kasi, Syris is here. The first love is here. Praning na kung praning, baliw na kung baliw. Malaman ko lang na niloloko ko ni Julian. Ipapalapa ko siya sa mga crocodiles sa Palawan. Ipapasagasa ko siya sa Edsa. Ipapasalvage ko siya sa Maguindanao." naiinis na sagot ko dito.
"Wow ha. Talagang may venue ang killing act? Kaloka, alam ko na agad ang location ng murder scene!" natatawang sagot nito.
"I'm serious."
"K. Tara na nga tayo ng next." Pagbabalewala niya sa sinabi ko.
"Miss, you know it already." tumango lang ang babae kay Anessa. Hindi ko naman sila pinansin dahil naiisip ko pa din si Syris.
Julian's POV
Infinitea and Coffee
"Okay na bang lahat?"
"Yes, boss." sagot ni Eli.
"Good. Julia have you contact Aness already?" tanong ko kay Julia na kasalukuyang nag-aayos ng bulaklak. Hindi ko alam na may ganito pala siyang talent.
"3pm pa lang, Juls. Mamaya ko na tatawagan." kampanteng sagot nito sa akin.
"WHAT? Hin-"
"Hep, relax okay? Ninenebyos ka lang." natatawang sabi nito.
"No, I'm not." sagot ko sa kanya habang inaayos ang suot kong reading glass.
"Weh? Di nga? Wait, gwapo ka pala pagnakasalamin."
"My eyes got blurred, lately."
"Brad." Tinapik ni Greg ang balikat ko. Hawak nito ang anak niyang si Gab.
"Fine, I'm worried."
"Worried saan?" sabay tingin nila sa akin. Kasalukuyang nag-aayos ang lahat.
"Sa outcome. You guys know how much I love her. Kahit pa nagger siya, armalite ang bibig, mainitin ang ulo, praning. I can't live without her."
"Aaaaw! Such a man, cousin." natatawang sabi ni Julia.
"Alam namin." sagot ni Ace. Nakita ko naman ngumiti si Hyo at nagthumbs up.
"JULIAN EDWARD ANDRADA!!!" sigaw ng isang kilalang boses. Sino pa? Sino pa bang parang tigre sa buhay ko?
Nakita kong nanlilisik ang mata si Lola Sonia. Kasama niya si Mommy at Daddy.
"Hi, Lola. Ganda niyo ng-" nagulat ako ng bigla akong hampasin nito ng tungkod.
"Aray, La. Ano ba? Masakit." kahit kailan talaga ang brutal niya sa akin. Paending na di pa din nagbabago. Hindi ba uso sa kanya ang change is coming?
"Kulang pa yan damuho ka nagpadala ka lang ng invitation sa amin. Ano mo ba kaming hayup ka, ha?" naiinis na sabi nito sa akin. Highblood si Tanda.
"Busy kasi ako kaya di na ko umuwi." paliwanag ko sa kanila. Pero sa halip na maintindihan niya iyon ay hinampas niya pa ulit ako.
"La, ano ba? mawawala kagwapuhan ko!"
"Hindi ka gwapo gago ka. Gago. Busy busy. Haynaku!"
Nagulat kaming lahat ng may humikbi. Si mommy pala umiiyak. Nilapitan ko ito. Yayakapin ko sana siya ng bigla niya akong sinikmuraan.
"Aray, shit. Mommmyyyyy!!!!"
"Serves you right binigla mo kami." mangiyak ngiyak na sagot nito sa akin.
"Hon, naman hayaan mo na si Juls. Julian, I'm so proud of you." sabat ni Daddy.
"Thank you, Dad. Papatayin yata nila ko."
"You know naman son we have a tiger and a lion in the family. Kung buhay lang ang lolo mo matutuwa 'yun." sabi pa nito.
"And the combination of tiger and lion is coming, Dad."
"So ginawa niyo kaming wild animals?" Sabat ni Mommy sa amin.
"Hon, sa lahat ng wild animals ikaw ang pinakawild..."
"Ah, ganon pala ha. Sira-" may binulong si Daddy sa kanya. Natawa naman si Mommy. Hay, PPB teens!
"Kung buhay pa 'yun tatlo kayong sakit sa ulo." sabat ni Lola Sonia sa amin.
- I have to cut this! Hi everyone iseself publish ko po itong book na ito. Which is the first part. Aayusin ko from the start :) Books might be available in some cafe in Manila. Sana po ay umorder kayo. :) For more details add me on facebook. Ara Gumabon.
Thank you so much :)
But then baka magupdate pa din naman ako. But sana po ay suportahan niyo ko :)
BINABASA MO ANG
MY NERDY BOSS
Любовные романыPaano kung one summer imbis na nasa beach ka at nageenjoy kasama ng barkada eto ka ngayong nagtatrabaho sa sarili nyong kompanya? Summer Job? yan ang parusa ni Lola Sonia sa kanyang only grandson na si Julian hindi lang yan SUMMER JOB+SUMMER BOSS? N...