Ang Katuparan ng Pangako

506 37 20
                                    

ESPESYAL NA KABANATA

Mula sa pananaw ni Hera
Mactan Shrine, Cebu
Ika-27 ng Abril taong 2021

"Saan ka nanggaling?" bungad na tanong ni Rosalie nang makabalik ako sa Shrine. "At bakit ganyan ang itsura mo? Ano ba ang nangyari sa'yo?" Hinila niya ako palayo sa kumpol ng mga tao at dinala sa sulok.

"Sally, naaalala mo ba iyong ikinukwento ko na palagi kong napapanaginipan?" mahinahon ko sa kanyang tanong. Sandali niyang inalala iyon bago tumango sa akin.

"'Yong lalaking palaging bumibisita sa panaginip mo?" aniya at tumango ako agad. "Ano'ng meron? At bakit parang balisa ka?"

"Nahanap ko siya!" nakangiti ko sa kanyang sagot.

Ilang sandali pa bago muling umimik si Rosalie. Humagalpak siya sa tawa na para bang nagbitaw ako ng biro. Nagtagpo lang ang kilay ko habang pinagmamasdan siyang tumatawa.

"Gutom ka na ata, Hera. Tara, kain nalang muna tayo!" aniya nang makaraos mula sa pagtawa.

"Hindi ako nagbibiro, Sally. Hindi ba ikaw na ang nagsabi na baka may nais iparating ang panaginip ko? Sa tingin ko'y ito na 'yon!" niyugyog ko ang kanyang balikat. Ramdam kong naninibago siya sa akin. Tinignan niya ako na para bang wala ako sa katinuan.

"Gutom ka nga," ngumiwi siya. "Tara na!" Hinila niya akong muli pero bago pa niya iyon tuluyang magawa ay napatigil kami nang marinig ang boses ni Ma'am Felicilda sa likuran.

"Hera, maaari ba kitang makausap?"

Nagkatinginan kami ni Sally bago ako tumango sa Punong-guro. Naiwan ako kay Ma'am Felicilda nang pinatawag si Sally para sa susunod na bahagi ng program.

"Mukhang may naghihintay sa iyo sa tapat ng monumento ni Lapulapu." Mahiwaga siyang ngumiti sa akin. Kanina ko pa nararamdaman ang ibang pakikitungo ni Ma'am Felicilda sa akin. Hindi ko lamang mawari kung bakit siya ganito. Napakamahiwaga.

"Po? Sino?"

"Pumunta ka lang doon. Mauna na ako at may aasikasuhin pa ako," muli siyang ngumiti sa akin bago ako tinalikuran.

Sinunod ko nalang ang sinabi niya. Tinahak ko ang daan patungo sa malapit na restroom at nagbihis ng damit. Matapos maayos ang sarili, dumiretso ako sa monumento ni Lapulapu kung saan ang sinasabi ni Ma'am Felicilda.

Maraming tao roon kaya naguguluhan ako kung sino sa kanila ang naghihintay sa akin. Tumingin ako sa paligid, malapit sa monumento para hanapin kung may kakilala ako pero wala. Tumalikod nalang ako para bumalik sa program pero nahagip ko ang isang katawan habang papatalikod dahilan para mabangga kami.

"Ikaw ulit?" gulat kong sabi nang makilala kung sino iyon.

Gulat din siyang napangiti nang makilala ako. Otomatikong tumalbog sa pinaghalong kaba at saya ang puso ko at hindi ko iyon maintindihan. Suot niya pa rin ang kanyang puting polo kanina ngunit hindi na niya bitbit ang kanyang hard hat.

"Bakit, ayaw mo?" nakangising sagot ni Calisto, 'yung Engineer kanina sa site kung saan ako nahulog.

Isinubsob niya sa bulsa ang mga kamay at hinarap ang monumento ni Lapulapu. Napansin ko ang bigat at haba ng kanyang paghinga habang tinitingala ang bayaning nanguna sa labanan noon dito mismo sa lupang tinatapakan namin.

"He's carrying his whole troop's name when he led the legendary battle 500 years ago," pagbasag ko sa katahimikan. Napaharap na rin ako sa monumento kasabay niya.

"You know what, I grew up knowing that he killed Magellan with his own hands," dagdag aniya.

"You know that's inaccurate, right?" sabi ko.

Hiraya (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon