Kabanata IV

1.2K 65 3
                                    

Konting kaalaman: Ang sasakyang koro- koro ay sasakyang pandagat na ginagamit ng mga datu o sultan noong unang panahon.

• • • • •

"Nasaan nga pala si Arigomon?" Tanong ni Kuya Jose.

"Humingi rin siya ng tulong sa kaharian," sagot ko.

Nagkakilanlan na sina Kuya Jose at Arigomon noong dumayo ito sa aming tahanan. Batid na rin ni Kuya Jose ang pakay ni Ama at Ginoong Paterno subalit ay hindi pa kami nag-uusap tungkol dito.

Nasa labas na kami ng aming tahanan at nakatago sa malalabong na damu. Kinakailangang kunin ni Kuya Jose ang mga kabayo nila ni ama upang aming gagamitin patungo sa daungan. Nang makarating kami sa kung saan nila iniwan ang mga kabayo, nagulat kami nang nakahandusay na ang mga ito sa lupa at duguan habang may mga tama ng pana sa katawan.

"Maaaring kanila iyong kinitil upang hindi tayo makatakas," nag-aalalang tugon ni kuya Jose.

"Kuya, sa aking palagay ay naroon parin sa kabila ang mga kabayong ginamit namin ni Arigomon. Itinali sila ni Arigomon sa liblib na lugar kaya nakatitiyak akong nandoon pa iyon ngayon," saad ko.

Ilang sandali, biglang may isang tunog ng yapak ng kabayo ang dumarating kaya agad kaming nagtago sa likod ng mga damo, nanatili kaming tahimik habang labis na kinakabahan.

Napatingin ako kay Rosa na ngayon ay nanginginig na sa takot at may mga luhang malapit nang tumulo mula sa kanyang mga mata. Hinawakan ko siya sa kamay upang iparating na magiging maayos din ang lahat.

"Hiraya..." pabulong na tawag ng isang boses na kanina'y nakasakay sa kabayo.

Agad kong nakilala ang tinig na iyon kaya napasilip ako agad at nakita ko si Arigomon na nakayuko malapit sa kanyang kabayo. Agad naman kaming lumabas mula sa aming pinagtataguan. Iba na rin ang kabayong kanyang sinakyan marahil ay kakabalik niya lang mula sa kaharian.

"Arigomon, ikaw ba'y galing kay Haring Luisong?" Tanong ni Kuya Jose na agad namang nagpatango kay Rigo.

"Oo Jose, at papunta na rito ang buong hukbo ng kaharian, kaya kinakailangan nang mailayo sina Hiraya dito bago magkagulo." Sagot naman ni Arigomon.

-

Malayo-layo rin ang aming nilakbay upang makarating sa daungan. Hindi na sumama pa si Arigomon dahil kinailangan niyang tulungan si Ama kapag dumating na ang ibang mga kawal ng hari.

Tumigil kami sa dalampasigan na may ilang mga bangka ang nakalutang sa 'di kalayuan. Nang makababa na kami sa kabayo ay agad may lumapit sa aming isang lalaki na nakasuot ng isang sambalilong na gawa sa dahon ng niyog. Wala itong pamibabaw na kasuotan kung kaya't nakatitiyak akong siya ay hindi taga rito.

"Maayong gabii kaninyo mga higala, kamo ba ang mga langyaw nga gipaabot ni Rajah Lapulapu? [Magandang gabi sa inyo mga kaibigan, kayo ba ang mga panauhing inaasahan ni Rajah Lapulapu?]" tugon ng lalaki.

Malawig rin kaming nakasagot sapagkat wala kaming naunawaan sa kanyang sinabi. Ang tanging alam ko sa mga salitang kanyang binitawan ay Rajah Lapulapu

"Ka..ibi...gan. Kami ay tu..tungo sa Sugbu. Kami...kaibigan...ni Haring Luisong at Rajah Lapulapu," Dahan-dahang saad ni Kuya Jose, baka sakaling ito ay maunawaan ng lalaki.

Parang naunawaan naman ng lalaki ang sinabi ng Kuya Jose dahil tumango ito. "Sunda ako. Dad-on ko kamo sa Sugbu. [Sundan ninyo ako, dadalhin ko kayo sa Sugbu.]" sagot nito. Napangiti nalang kami at napahinga ng maluwag.

Malaki at malawak ang bangkang koro-koro. Mayroon itong dalawang nalalapad na katig na inuupuan ng mahigit sampung taga-sagwan. Ang nasa gitna naman ay mahabang kubo na ayon kay Kuya Jose, doon daw nagpapahinga o tumutuloy ang mga datu habang sila ay naglalakbay.

Hiraya (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon