Maharlika

814 31 9
                                    

Magandang umaga/gabi! Kung binabasa mo pa ito ngayon, nais kong muling ipaabot ang aking pasasalamat sa pagbabasa ng kwento kong ito.

Kung inyong napansin, taong 2018 ko pa sinimulang isulat ang istoryang ito. Umabot ng halos dalawang taon bago ko tuluyang natapos! 

Hindi madaling sumulat ng isang Historical Fiction sapagkat lubos na kailangan nito ng puspusang pananaliksik. Kinakailangan mong pag-aralan muli ang kasaysayan at ibang mga bagay na alam mong mahalaga sa pagbuo ng iyong kwento. Kaya din siguro natagalan pa bago ko ito natapos.

Bago ako tuluyang magpaalam sa kwentong ito, nais ko sanang linawin ang ilang mga bagay.

Una, tungkol sa Kaharian ng Maharlika.

- Sa isang article ko nakuha ang tungkol rito. Matagal nang lumabas ang kwentong ito ngunit base sa aking mga nakalap na impormasyon, hindi napatunayang tunay ang tungkol rito. Ayon pa sa aming guro, dumaan sa pagsusuri at pag-iimbestiga ang sinasabing mga angkan ngunit hindi din nagtagumpay.

Itinuturing ko lamang isang piksyon ang tungkol riyan. Kaya sana'y hindi ko kayo nalito sa totoong estado ng ating bansa bago pa man dumating ang mga kastila.

Pangalawa, mga karakter.

-Ang ilang tauhan sa kwentong ito ay matatagpuan sa kasaysayan ng bansa. Ngunit sana'y hindi kayo malito sa kung sino sa kanila ang piksyunal at hindi.

Upang hindi malito, narito ang mga ginamit kong karakter na matatagpuan sa ating kasaysayan:

-Rajah/Datu Lapu-Lapu
-Rajah Sulayman
-Rajah Humabon
-Hara Bulakna (asawa ni Lapu-Lapu)
-Datu Zula
-Ferdinand Magellan
-Antonio Pigafetta

Ang mga karakter na hindi nabanggit ay siyang purong piksyunal.

Pangatlo,

Sana'y sabay-sabay nating abangan ang ika-500 anibersaryo ng Kadaugan sa Mactan.

Tandaan, Abril 27, 2021.

Muli nating alalahanin ang kabayanihan, katapangan, at pagsasakripisyo ng ating mga katutubong bayani. Nawa'y lagi nating bibigyan ng halaga ang kanilang mga ginawa para sa bayan. Nawa'y laging may puwang ang kahalagahan ng kasaysayan sa ating mga puso.

Sapagkat kung hindi dahil sa kanila'y hindi tayo ganito ka mayaman sa kultura ngayon.

Muli, maraming salamat sa pagbabasa!

Lagi sana nating tatandaan, kaharian man tayo o hindi, nawa'y ang ating mga puso ay mananatiling isang Maharlika ♥️

Hanggang sa muli!

05.22.20 | 12:29 AM

USAP TAYO:

Facebook: El Gallego
Instagram: jackless_rose
Twitter: JacklessRose

Hiraya (✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon