"Carpio... Ang magiting na mangangaso sa Mactan. Nagtagpo tayong muli...kaibigan," sagot ng lalaki.
Pumagitna naman sa amin si Carpio at itinayo ang kanyang matalim na sibat.
"Kailanma'y hindi kita naging kaibigan.... Atan," galit niyang sagot.
"Patunayan mo na ang maharlikang iyan ay iyo ngang kasintahan," inis na sagot ng lalaki na Atan pala ang ngalan.
Napatigil ng saglit si Carpio at bakas na nag-iisip ito ng paraan. Ako nama'y kinabahan ng lubusan.m Nakatayo kami ni Mayang sa kanyang likuran. Ako'y nabigla nang kanyang abutin ang aking kamay, sinubukan kong kumawala ngunit tumingin siya sa akin na para bang nagsasabing ito lang ang paraan, Hiraya.
Kahit kalian hindi pa ako nahahawakan ng kahit na sinong lalaki! Isa iyong kalapastangan sa amin! Nararapat sa isang binibini na ang kanyang mapapangasawa ang siyang unang makakahawak sa kanya, lalo na sa kamay!
Nagulat naman si Mayang sa ginawa ng kanyang kapatid. Hinawakan niya na lang ang aking bisig at tiningnan ako sa mata na parang nais niyang iparating sa akin na...Pagkatiwalaan mo ang aking kapatid, binibini.
Tuluyan kong hinayaan ang malalambot na kamay ni Carpio na hawakan ang nanginginig kong palad. Para bang ginawa ang aming mga kamay para sa isa't isa. Hindi naman mapigilan ng aking puso na tumibok ulit. Ang lubos na kaba ay tuluyan nang naglaho nang isinalikop ni Carpio ang kanyang kamay sa gitna ng aking mga daliri. Kahit alam kong mali ang kanyang ginagawa, ay may bahagi pa rin sa aking puso na sana'y hindi na niya ito bibitawan pa.
Natunghayan ko naman ang pagka-inis ng mukha ni Atan habang pinagmamasdan ang aming mga kamay. Tiningnan niya lang ng masama si Carpio. Ngunit bago paman sila tumalikod at umalis, siya'y nag-iwan ng mga katagang lubos na nagpakaba sa akin.
"Hindi ito ang huli nating pagkikita, binibini," saad niya sabay ngiti ng matalim.
Nang tuluyan na silang umalis ay agad nang binitawan ni Carpio ang aking kamay at nagsimulang maglakad nang hindi man lang kami pinapansin. Nabalot ng katahimikan ang buong kapaligiran habang naglalakad kami. Kahit si Mayang ay nakayuko lamang.
"C-carpio maraming salamat sa pagligtas sa amin mula sa mga la---" Pagsisimula ko ng usapan ngunit agad niya lamang itong pinutol.
"Sino ang nagsabi sa inyo na maaari kayong maglakbay na kayo lang? Paano kung hindi ko kayo sinundan? Marahil ay nilapastangan na kayo ng mga taong iyon. Binibining Hiraya, hindi ibig sabihin na inihabilin ka rito ng iyong ama ay natitiyak mo na ang iyong kaligtasan. Kaya sinasabi ko sa iyo sa huling pagkakataon, kung nais mong maging ligtas ang iyong pananatili rito, ay matuto kang sumunod sa aming sinasabi," tuloy tuloy niyang tugon. Ramdam kong galit ito dahil sa kanyang boses.
"Kuya, ako po ang nanghikayat kay Binibing Hiraya na maglibot. Wala po siyang kasalanan. Hindi ko naman namalayan na dito na pala kami naparoon sapagkat napalalim ang aming usapan. Hindi rin naman namin namalayan na kami ay iyong sinusundan," saad ni Rosa habang nakayuko.
Saglit lamang. Kung sinusundan kami ni Carpio, maaari kayang narinig niya ang aming pinag-usapan na siya lamang ang paksa?! Hindi naman sana!
"Huwag niyo na lamang gagawin ulit ang bagay na ito," malamig na sagot ni Carpio.
"Binibini? Saan po kayo nanggaling? Bakit magkasama kayo ni Ginoong Carpio?" tanong sa akin ni Rosa.
"Mahabang usapin, Rosa. Nais ko na munang magpahinga," tipid kong sagot sa kanya.
Hindi ko nauunawaan ang aking sarili, kung dapat ba akong magalit kay Carpio, magpasalamat o humingi ng patawad. Nagugulumihanan na ako.
Nasa loob lamang ako ng aming kubo at tinatanaw ang kapaligiran mula sa durungawan. Pinagmamasdan ko ngayon ang mga naghahabulang paslit sa labas, mayroon din namang mga kalalakihang gumagawa ng bangka.
BINABASA MO ANG
Hiraya (✔️)
Historical FictionSa hindi inaasahang pagkakataon, kinailangang lumayo ni Hiraya sa kanilang lugar upang maging ligtas mula sa kaguluhang nangyayari doon. Inihabilin siya ng ama kay Rajah Lapulapu at sa nasasakupan nito sa Maktan, Sugbu. Hindi niya inasahang sa kanya...