Lost Memories
Nagsalita na ang ilang businessman sa harap kasabay ng palakpakan ng mga nariritong bisita. Marami sa kanila ay pulitiko na may matataas na posisyon. Marahan kong inabot ang aking wine glass habang gumagala ang paningin sa paligid nitong malawak na venue. Cameras kept on clicking everywhere making sure every detail of this event is being recorded.
Nanatili akong nakaupo sa aking puwesto habang nakatuon parin sa harapang entablado ang aking atensyon. I'm here now, not as an investor or a benefactor of this event but as a nobody. Isa-isa nang tinawag ang mga negosyanteng panauhin as a recognition for their presence tonight.
The ring on my finger clicked with the glass when I decided to put it down. It produced the faintest sound but it completely got my attention. Nagtagal ang tingin ko roon bago muling ibinaling sa iba ang mga mata. Tumayo kaming lahat para sa pagpasok ng chairman sa harap ng entablado. Ilan pang kalapit na negosyante ang nakipagkamay rito bilang respeto sa matandang chairman.
"It appears a very beautiful lady is alone tonight..."
Napalingon ako sa aking tabi. A tall young man is standing there looking dashing in his dark coat and holding a glass of wine.
"Brandon," gulat kong anas sa kanya.
Ngumisi siya muna sa ilang bisitang napapatingin sa kanya at bahagyang itinaas ang hawak na inomin bilang pagsangguni sa kanila. I smiled a bit sa tuwing nadadapo sa akin ang kanilang atensyon.
"Magandang gabi Miss Jane. Did you invest? My family is one of the founder of this big project they are planning to launch. Very big indeed..." aniya habang sumisimsim sa hawak na kopita.
Umiling ako at inayos ang pagkakahawak sa aking clutch bag. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. I thought it would have been better if no one see me lalo na ng mga kakilala. I don't want anyone to know the reason why I'm here. Humakbang ako para sana lumihis at magpunta sa ibang lugar. Everyone is standing so I'm positive that I won't get any eyes on me.
"Miss..." tawag sa akin ni Brandon at agarang nahawakan sa siko ko.
Napapikit ako at bumaling muli sa kanya. Ilang sandali lamang ay may isang lumapit sa amin. Halos manlaki ang aking mga mata nang makita sa aking harapan si Waren. Oh my but he's grown too and he's looking ruthless. Hindi ko mapigilang punain ang laki ng kanilang ipinagbago. Years ago... these men were just bad boys that I used to teach. Ngayon, ang lalaki na nila and not to mention successful in their own careers.
"Ma'am Jane." Nataohan lamang ako at napakurap nang bahagya niya akong niyuko upang ngitian.
"W-waren."
Isang magandang babae ang nasa kanyang tabi na binigyan ako ng kyuryusong tingin. That is exactly what I don't want to have from these people. And the last thing I wanted to happen is being asked of my connection to this event.
Inilagay ni Brandon ang kanyang kopita sa napadaang waiter bago kinuha ang aking kamay at ipinatong sa kanyang braso.
"I got your back Miss." He reassured me with a smile, still I saw a glimpse of concern in it.
A loud applaud filled the place at lahat na ay bumaling sa harap kaya ganoon din ang ginawa ko. Sobrang bilis ng pintig ng aking puso habang hinahawakan si Brandon sa braso. I have to admit that I really needed that.
He's going to be here tonight. God please I just want to look kahit sa malayo. Kahit hindi niya alam na naririto ako.
I am a grown woman now. Sa pagkakataong ito alam ko na dapat kung paano mabuhay sa mundong ito. I have a stable job, a caring family and a very beautiful angel of my own, yet here I am going back to how I was six years ago. I've learned to live every single day without thinking about him. I pushed myself to be strong even if my heart is crying for just a single information. Iyong malaman ko lang sana na okay siya, na maayos siya, na ligtas siya...
BINABASA MO ANG
🔥Heart Memories (TFYG part two)🔥
Teen FictionTHE FIVE YEARS GAP🔥: part two Austin Cruz - THOR - "мy love wιll alwayѕ ғιnd ιтѕ way вacĸ тo yoυ" - AranixxVida Isinilong niya kami sa ilalim ng isang shade. Nanatili ang mahinang ambon. I had a glimpse of him on his tux at kahit ngayong nasa medyo...