kabanata 17

3.5K 229 35
                                    

Galit

Mariing tumikom ang bibig ni Austin parang gustong huwag na lang tumayo roon kung maari. Parang nababasa na nito ang nasa isip niya ngayon.

She wants to get out of here badly.

"Babalik ako. Pakiusap dito ka muna," mariing anito na may tunog pagmamakaawa.

She did not say anything pero nag-iwas na lamang siya ng tingin lalo pa at nakatuon na kay Austin ang tingin ng lahat. Tinatawag ang pangalan niya ng paulit-ulit.

NAGSIGAWAN ang mga bisita nang itinaas na ni Austin ang dalawang kamay at tumayo tila gusto nang sabayan ang lahat. Mas lumakas ang paulit-ulit na pagtawag sa pangalan niya hangang sa maibigay na sa kanya ng emcee ang mikropono.

Tinanggap niya iyon at tumawa. Mabilisang sumulyap sa gawi niya ang tingin nito bago humarap sa bagong kasal.

"Pre. San mo ako gustong magsimula?"

"T'ngina mo walang laglagan!" Humalakhak ang lahat pero si Austin nakangisi lang.

Muli na namang bumalik ang sulyap niya kay Jane bago tumikhim at napayungo ng ilang sandali. Mahina siyang tumawa bago nag-angat ng tingin.

"Nong bumalik ako, ito na yata ang huling inaasahan kong mangyayari. Ptangina ikakasal ka na pare."

"Thanks for your generosity pare! Tiba-tiba din ako sayo!" Tinawanan nila ang sigaw ni Waren.

Umiling si Austin at tumawa.

"Congrats. Masaya ako para sayo pare. Kaming lahat. May pustahan tayo tungkol sa mauunang ikasal. Di ko inaasahang ikaw na 'to." Napangisi si Austin at muling sinulyapan si Jane.

"Diko alam ba't parang ako parin iyong talo."

Malakas na umalma ang lahat.

"Susunod ka narin Austin!" ang sigaw ng isa sa mga groomsmen. Halos lahat nagpalakpakan sa narinig at malakas na nag-ingay.

"Oo nga!"

"Hoooo!"

Tumawa si Austin pero hindi umabot iyon sa totoong nararamdaman. Sa ngayon kitang-kita niya kung paano napaawang ang bibig ni Jane habang nakatingin sa kanya. Halatang hirap narin itong huminga tila sobrang nagdaramdam.

Alam iyon ni Austin. At parang dobleng sakit ang nararamdaman niya.

"Gusto kong maging tapat. Siguro nga sa wakas nahanap ko na iyong babaeng nais kong pakasalan. At sisiguradohin kong  hindi na siya makakawala pa sa'kin."

Unti-unting humina ang ingay ng lahat. Tila naging interesante ng husto sa naririnig.

Humarap si Austin sa banda nila Waren. Habang nagsasalita sa mikropono, banayad din siyang lumalapit.

"Dahil sa kasal mo pare. Nagawa kong hanapin ang isang bagay na nawala sa'kin. Saka ka na nalang bumawi sa'min. Sa ngayon pasayahin mo muna ang maganda mong asawa. Congrats pare."

Muling nagpalakpakan ang lahat habang nagyakapan naman ang magkaibigan at nagtapikan ng mga braso. Tumayo rin si Francine upang mabigyan ng halik sa pisngi si Austin. Muling inabot ni Waren ang kaibigan at mababang nagsalita.

"Dalian mo pre baka makalayo."

Kunot na bumaling ng tingin si Austin sa table nila. Ganon na lamang ang kanyang pagkadismaya nang makitang wala na doon si Jane.

Mabilis siyang naglakad paalis habang mabilisang nakikipagtapikan ng braso sa nadadaanang kaibigan.

ALAM ni Jane na may pagkakamali siya pero mahirap paring isipin ang katotohanan na nagmumukha na siyang kabit. Everybody knows his fiance and he's getting married kaya isang sampal ulit iyon sa kanya. Sobrang lakas na pakiramdam niya masakit parin hangang ngayon.

🔥Heart Memories (TFYG part two)🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon