kabanata 24

3.4K 184 93
                                    

[Hello everyone! I hope this update gives you a good night!😘]

hold you back

PARANG ISANG ambon hindi nagtagal ang sayang nararamdaman ni Jane. Halos dumogin sila. Ang daming nagsisulputan mula kung saan at panay kuha ng litrato sa kanila.

Nagkagulo ang lahat. Halos hindi na sila makaalis dahil sa dami ng ibinabatong tanong at pursigidong pagharang sa kanila. Mabilis na hinawakan ni Austin ang kamay niya at hinila palapit. She was so thankful Austin is carrying Tia right now sana lang huwag ganito. Kaunti na lang maiipit sila kung hindi lang may pumagitnang dalawang guwardiya.

"Magpadala kayo ng back-up dito sa dalampasigan, over. Kailangan namin ng tulong para kay Sir Austin."

Tinanggal ni Austin ang suot na sumbrero at ipinasuot iyon sa kanya. Mabilis din niyang tinanggal ang suot na jacket at ginawang pantakip sa anak nila. He looks so angry that he even pushed the camera who deliberately flashed infront of them, halatang pati ang hawak na bata ni Austin gustong pag-interesan.

"Austin siya na ba ang babaeng ipinalit niyo kay Ms. Margo?"

"Bakit po kayo may hawak na bata?"

"...dahilan kaya't hihiwalayan niyo na ang fiance niyo?"

"Arranged marriage po ba ang nangyari..."

Jane is already having a panick. This can't be happening right now. Humigpit ang hawak ni Austin sa kamay niya habang maingat na inaayos ang jacket na tumatakip kay Tia.

Bodyguards seemed to have arrive from the hotel. Kitang-kita sa ayos ng mga ito na hindi sila magdadalawang isip na manakit kung hindi pa tumigil ang mga reporters. Nagulat si Jane roon pero mabuti at madali na silang nakaalis at pumanhik sa hotel.

MAHIGPIT ANG guwardiya sa labas pa lang ng lobby. Inside the hotel, may mga nakatayo ring bodyguards.

"M-mommy..." halatang natatakot ang anak niya habang nakayakap sa leeg ni Austin. Gumalaw ito at gusto nang magpakarga.

Kita niya ang pagdaan ng lungkot at pagsisisi sa mukha ni Austin pero dahan-dahang ding ibinigay sa kanya ang bata.

"Ssssh. It's okay baby. Don't cry mommys here. We're safe now."

"Austin oh my god anak. We saw what happened are you okay? Wala bang nasaktan sa inyo?"

Jane was surprised to see a familiar woman approach them. Agad itong yumakap kay Austin at hinawakan sa mukha upang matignan nang may pag-aalala. Hindi agad nakagalaw si Jane. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at nakaramdam ng panibagong bigat sa dibdib.

"Ma, ayos lang," sagot ni Austin at lumipat ang atensyon sa kanila.

Kitang-kita niya ang takot sa mga mata ni Tita Lisa nang sa wakas ay bumaling naman sa kanila. That's the kind of expression she never thought she'd receive from her after seeing each other like this.

"A-ang bata? Hindi ba natakot? Is she alright?" malumanay at tila nag-iingat na tanong ng ginang.

Parang gustong bumuhos ng luha niya sa lahat ng sakit. Mas lalo niyang niyakap ang anak na nanatiling balot parin sa jacket ni Austin. Tumango lamang siya. Hindi makabuo ng mga tamang salita upang isagot sa ginang.

"Madame..." tawag ng isang bodyguard na kararating mula sa isang pasilyo.

"Pinapatawag po kayo ng chairman. Kung maaari dumiretso na kayo sa presidential suit. Kung maaari daw pong lahat kayo, gusto niyang makausap." The bodyguard's gaze went to them for a while bago ulit bumalik sa ginang.

🔥Heart Memories (TFYG part two)🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon