Ang Simula

3.7K 277 93
                                    

Isla

Sa gitna ng karagatan ay  rinig ang malakas na ugong ng lumilipad na itim na eroplano. Kasabay ng sunod-sunod na pagtalon ng mga sundalo sa malalim at madilim na tubig ay ang muli na naman nitong pag-angat sa ere upang bumalik sa pinagmulan. Walang naiwang kahit kaunting bakas sa katubigan. Kung gaano ito kadilim at kapayapa ay ganoon din ang hitsura nang ito ay nilisan ng eroplano at walang mag-aakalang sa kailaliman ng dagat ay ang sumisisid na mga sundalong nakatuka sa isang napakahalagang misyon.

Maliit lamang ang Isla de Morsico pero lubhang mapanganib. Tatlumpong minuto mula nang makaalis ang eroplano ay ang unti-unting pag-angat ng mga sundalo mula sa katubigan. Isang senyas mula sa leader nila at agad na silang nakaahon at mabilis na pinasok ang lupain ng Isla. Parang mga itim na anino ng hangin sa gabi, hindi man lang napapansin ng mga nagroronda at armadong mga guwardiya.

"All units do you copy. We finish this mission in 60 minutes and no seconds more." Utos galing sa pinuno ng grupo.

"Yes sir."

Mahirap silang masilayan dahil sa kanilang madilim na kasuotan. Isa sa kanila ang humawak sa isang teleskopyo na kayang iiscan ang buong lugar kahit pa sa gabi. Muli itong dumapa at sinenyasan ang kanyang taohan.

"Thor and Volt secure the way."

"Aye sir."

Dalawa sa mga kasapi ng grupong ito ay agad na nakarating sa pintoan ng pinakamataas na gusali ng Isla. Isang tahimik na kalabit ng baril at agad na natumba sa lupa ang kasalukuyang nakabantay sa harapan. Maingat at mabilis nilang naakyat ang gusali hangang sa pinakamataas na bahagi. Doon ay nagawa na nilang i-assemble ang hawak na mga kagamitan upang mabigyan ng konkreto at maliwanag na direksyon ang kanilang kasamahan.

Binuksan ng isa ang bitbit na bag at inilabas doon ang isang sniper gun. Binigyan niya ng mabilis at matalas na inspeksyon ang kabuuan ng hideout ng kalaban bago pinindot ang nakalagay na communication device sa kanyang leeg.

"All units cleared. I'm on sight sir."

"Copy that Thor. We're moving in."

Matalas na nakamasid parin sa kabuuan ng lugar ang sundalong nagngangalang Thor. Nakahanda na siyang magpakawala ng bala sa oras na matunogan sila ng kalaban. Ang misyong ito ay kabilang sa tinuturing na top secret mission bilang proteksyon at para narin sa kapakanan ng Estado ng America at ng Russia. Walang dapat makaalam kung sino-sino sila. Lahat ng kanilang pagkakakilanlan ay gamit lamang ng kanilang mga gawa-gawang pangalan.

Sa kabilang banda naman ay mabilis at may kakaibang bangis na tumitipa sa laptop ang kanyang kasama. Ito ang isa sa itinuturing na halimaw pagdating sa paghack ng kahit anong klaseng facility. Wala pa itong security codes na hindi nakakayang lagpasan. Masyado itong matalino at malupit na siguradong nakapasok na ang kanilang mga kasamahan at nakuha ang mga hostage bago pa man tumunog ang alarm.

"Hostages located. Sending coordinates."

"Coordinates received. Open all the doors on my signal Volt."

"Aye sir."

Kitang-kita ni Thor ang lahat ng mga nangyayari sa loob ng hide out gamit ang kanyang mataas na klase ng sniper gun. Nagawa na niyang malaman ang bawat posisyon ng mga kalaban at ang posibleng ruta na puwede nilang daanan. Mabilis na nakapasok sa silid ang apat na sundalo kung saan nakabilanggo ang mga hostage na kailangan nilang iligtas.

"Thor secure every passage from line one. Blind line two to trigger the alarm. We need diversions."

"Copy that sir."

Sa pagtunog ng alarm, nakalabas na sa silid ang mga sundalo kasama ang mga hostage. Sa ibang ruta dumadaan ang mga kalaban dahil sa tuloy-tuloy na pagpatay ng ilaw at mga CCTV camera sa bawat sulok ng hide out. Ayon sa CIA na kasapi sa misyong ito, nasa isang silid lamang ang kailangan nilang iligtas at hindi nalalayo sa anim o limang katao. Malayo pa man ang mga rescue team ay nahalata na ng dalawang sundalong nakamasid na may mali. Apat na katao lamang ang nailabas ng mga rescue team sa silid na iyon.

🔥Heart Memories (TFYG part two)🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon