Stuck
ILANG MINUTO ding nakaupo si Jane sa malaking sofa habang matamang nag-iisip. She had been thinking about everything.
Wala siyang alam tungkol dito sa lighthouse. Mahirap man aminin pero hindi niya talaga alam kung bakit naging importante ito kay Austin.
She'd be damned if she felt bad about it but thankfully she doesn't. Ang totoo masaya pa nga siya. Dahil sa resort na ito... madaming nangyari. In a span of days pakiramdam niya mas madaming pangyayari kaysa sa nakalipas na mga taon.
Pagkatapos ng pag-uusap nila kanina, halatang hindi nagustohan ni Austin iyon. Kung hindi siya nagkakamali ito ang dahilan kung bakit siya dinala dito ni Austin.
Maybe he wanted to know if she was part of all of this. He had great hopes pero sa huli... nadisappoint lamang siya.
Lumingon si Jane sa gilid kung nasaan ang bintana at tanaw na tanaw niya sa labas ang unti-unting pagdilim ng kalangitan. Medyo matagal na ba sila dito sa Isla? Hindi na niya namamalayan ang oras pero bahagya siyang nakaramdam ng gutom.
Nagpaalam si Austin at bumaba kanina. Hinayaan niya lamang iyon. Baka kasi gusto niya munang mapag-isa. Iyong paraan ng pagkadismaya nito kanina, medyo naramdaman ni Jane ang bigat non.
Sa kabilang banda nakatulong din sa kanya ang saglitan niyang pag-iisa. Sa wakas nagawa rin niyang kalmahin ang sariling emosyon.
Napabuntong hininga siya at tumayo. Pinanood niya ang dilim at ang pag-alon ng dagat. Alam na niyang uulan. Bigla siyang kinabahan. Paano na sila makakabalik niyan?
She needs to find Austin.
Iniwan niya ang kanyang sapatos sa itaas at pinanatiling nakapaa. Dahan-dahang bumaba. When her feet touched the sand floor, naabotan niyang tumutunog ang kumukulong tubig na kasalukoyang nasa maliit na stove.
Gumala ang tingin niya. Her eyes landed on Austin sitting on one of the chairs. His elbows resting on his knees. Nakayungo ito at hawak hawak ang kanyang ulo tila problemado.
Tahimik na lumapit si Jane sa stove at pinatay ang apoy. Humina ang tunog kaya agad na napa-angat ng mukha si Austin. Nagtama ang paningin nila dahil don.
"Sumasakit ba ang ulo mo?"
"Konti pero ayos lang. Hindi na gaya nang mga nauna." Umayos ito ng upo.
"Sigurado ka?"
Tumango ito. Nang makitang patay na ang stove tumayo ulit ito at lumapit. Medyo umusog si Jane nang mahawakan nito ang baywang niya at binuksan ang cabinet sa itaas ng kalan.
"Upo ka muna."
Nagtaka si Jane nang ilabas nito mula sa taas ang malaking supot ng pancake flour at ilan pang gamit sa pagluluto. Medyo nagdalawang isip siya doon.
"Austin hindi na ba tayo babalik? Teka paano nga ba tayo babalik sa resort?"
"Hwag mo nang isipin iyon. Maupo ka muna."
Naisip bigla ni Jane iyong pagdidilim ng ulap na natanaw niya.
"Sa tingin ko kasi uulan na. Teka dala mo ba ang cellphone mo? Naiwan ko iyong purse ko doon sa reception," medyo tarantang tanong niya.
"Hindi ko dala," sagot ni Austin at ipinagpatuloy ang ginagawa. Ni hindi man lang ito kinabahan o ano.
Biglang naalala ni Jane ang pagdating ng kapatid niya at ang kanyang anak. Chester! He might be calling her right now, and she's not even at the hotel to meet them. Mas lalo siyang nakaramdam ng pag-aalala.
BINABASA MO ANG
🔥Heart Memories (TFYG part two)🔥
Teen FictionTHE FIVE YEARS GAP🔥: part two Austin Cruz - THOR - "мy love wιll alwayѕ ғιnd ιтѕ way вacĸ тo yoυ" - AranixxVida Isinilong niya kami sa ilalim ng isang shade. Nanatili ang mahinang ambon. I had a glimpse of him on his tux at kahit ngayong nasa medyo...