school play
So far maganda naman iyong naging takbo ng school program. The kids are so fun to watch at sobrang behave sila. I'm here now, with the other parents at kandong ko si baby Anakin habang pinapanood si Tia na kasali sa school play.
"Say hi to ate..." I lifted my son's hands to wave a bit. I'm so proud of my baby girl who is dancing and reciting her part on the stage with grace and confidence.
Gaya ng date seryoso parin tong baby boy ko. He's not always crying. Iiyak lang naman ito kapag nagugutom.
"Ma'am may tumatawag po. Si ser po yata..." Inabot sa akin ni yaya Meli ang cellphone ko.
Napasinghap ako. Late na siya. I know he couldn't possibly make it pero sabi niya susubukan niya parin. Tia already knew he can't come kasi sinabihan ko siya kaninang umaga. She understands kahit alam kong malungkot parin siya. Pero kahit ganon excited siyang magperform for me and her baby brother at sa mga yaya niyang todo palakpak sa kanya.
Oo na at tinanggap ko ang alok ni mama Lisa. She sent us two house helps na di nalalayo ang edad sa akin. Matagal na raw sila don kay mama kaya sila ang pinili. I like them. Marunong silang makisama at istrikto sa pagsunod ng mga utos ko. They would only do the chores that I told them to, specialy when it comes to cooking. Gusto ko asikaso ko parin ang pamilya ko pagdating doon.
I can only imagine mama Lisa and her strictness which trained these helps so well. She can manage the house and still have time to visit her restaurants specialy these days na malaki na si Artie. Naiinggit ako minsan pero tingin ko hindi ko parin kaya iyon. She has Atleast six maids in the mansion hindi pa kasali ang hardinero at apat na guwardiya.
"Mahal nandito ka na... Sorry medyo madaming tao nasaan ka?"
The crowd cheered more as the play progresses.
"Dito sa harap. Nanonood na 'ko babe ayos lang kayo?"
Lumingon ako sa harap na lane. I saw him beside the invited guests at iyong principal. It's not hard to spot him kasi naka-uniporme pa siya. Narinig kong may kumausap sa kanya at nakipagkilala. He replied and answered politely though it's unlikely he'd cut the call. Mukhang interesado pa naman ang kumausap sa kanya.
Tumikhim ako. "Magkita tayo mamaya sa labas. Uhm, manood na tayo."
"Pupuntahan ko kayo. Da't dito kayo naupo sa harap," sagot niya agad.
Yeah... About that. I saw some of the parents who were given special treatments earlier. There are mothers there that I did not want to sit with. Bukod sa akala mo nagpapagandahan at nagpapasikatan ng gamit, alam kong pinag-uusapan din ako noong dumating kami sa labas ng school.
Our SUV must be a great thing for them to talk about. Besides that, I also have Geli and Hana with me na todo alalay at hawak sa gamit ko at ni baby Anakin. Kung kayang ako lang edi kami lang ni baby pero itong dalawa mukhang may mahigpit na bilin mula kay mama Lisa...
"Okay lang kami rito. Manood ka na... Tia is so good. Ang ganda-ganda ng anak mo..."
Rinig ko siyang huminga ng malalim at mahinang tumawa. "Oo. Wag kayong sumabay sa madaming tao mamaya. Pupuntahan ko kayo."
"Hmm... Sige ibababa ko na mahal."
He sighed. "Geh babe."
"Ma'am si baby Tia po may part na ulit..." sabi ni Hana na halatang proud na proud sa alaga niya habang hawak ang video camera. Si Geli sumasabay pa sa dance movements at kumakanta. Syempre pati yata sila namemorize na nila ang galaw dahil sa practice ni Tia sa bahay.
BINABASA MO ANG
🔥Heart Memories (TFYG part two)🔥
Teen FictionTHE FIVE YEARS GAP🔥: part two Austin Cruz - THOR - "мy love wιll alwayѕ ғιnd ιтѕ way вacĸ тo yoυ" - AranixxVida Isinilong niya kami sa ilalim ng isang shade. Nanatili ang mahinang ambon. I had a glimpse of him on his tux at kahit ngayong nasa medyo...