[Enjoy reading! Stay safe po tayo lalo na at maulan ngayon! Keep supporting HM po! 😘muah!♥️]
Cheated
DAHIL sa bilis ng lakad ni Chester hindi na halos makatyempo si Jane na tanongin ito. When her brother is serious like this she knows something is really wrong. Hindi na siya magtataka pa kung ano ang dahilan.
Mabilis silang nakaakyat sa hagdan patungo sa hotel. May pailan-ilan padin silang nadadaanang tao na tila curious din sa komusyong nagaganap doon sa dalampasigan. Kinabahang napapaiwas ng tingin si Jane. Hindi niya mapigilang kabahan kahit siniguro naman ni Gail sa kanya na walang nakakaalam.
"Ches. Slow down."
Natigil lamang sila nang nasa labas na sila ng hotel lobby. Tinignan siya ng kapatid at walang pasubaling tinanggal ang suot na T-shirt.
"Wear this. I was worried sick yesterday."
Tinanggap ni Jane ang damit at agad na isinuot iyon.
"I'm sorry. Nag-alala din ako sa inyo kaya lang wala na akong nagawang bumalik agad dito dahil sa lakas ng ulan."
Rumiin ang titig nito sa kanya at umiling. "I saw the pictures ate. What is going on? And that guy. That guy's name sounds familiar to me."
Napalunok si Jane at tumigil saglit upang mag-isip. Sa mga titig ng kapatid niya alam niyang hindi siya makakapagsinungaling. She can sense her own fear for whatever it is to come. No one can help her now more than her own brother.
"He's here Ches. N-nagkita na kami."
Kumunot ang noo ni Chester. Tila pinoproseso muna ang narinig bago unti-unting magsalubong ang mga kilay tila ngayon ay galit na.
"The fuck?!"
"Chester!" saway niya sa pagmumura ng kapatid. Hindi niya madalas makitaan ng ganitong reaksyon ang kapatid kaya alam niyang namamangha ito, at galit.
His wide eyes looked at her with accusation. "May namamagitan na naman ba sa inyo? Come on ate. Ano, alam na niya ang tungkol kay Tia?"
"He's Tia's daddy Chester. And no he doesn't know yet but I, I want to have them introduced if given the chance."
He sighed. Napahilot ito sa noo at nakapameywang na tumingala ng ilang sandali. Suminghap si Jane. She's still a bit nervous of how he would react on this. Ngayon lamang niya nakakitaan ng galit ang kapatid.
"He's not gonna ruin you again ang leave ate. I won't let him. Hindi mo ba nakikita? The tabloids are filled with those damn pictures and who knows what trouble that will cause you soon! Ayaw kong madamay kayo sa anomang eskandalo ate. Kayo ni Tia. Hindi ako papayag."
Nagkatitigan sila at hindi agad nakasagot si Jane. She trusts her brother on anything. Alam niyang sa kanilang dalawa ni Tia umikot ang mundo nito matapos ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila ng mga magulang. Ayaw niya itong biguin.
"We will leave tomorrow." He simply said and opened the glass door for her.
Tahimik na tumango si Jane at naunang pumasok. Maybe he's right. This is not the right time yet. Not when these whole pictures are still out there. Kung sakaling lumaki pa ang eskandalong ito, ayaw niyang madamay ang anak niya.
Nadatnan nila ang mga kasamahan nilang aliw na aliw kay Atheya habang kumakain sa restaurant ng hotel. Parang gustong maiyak ni Jane nang sa wakas ay masilayan narin ang anak niya.
"Mommy!" agad na binuhat ni Nami pababa sa upuan ang bata. Tumakbo ito pasalubong sa kanila.
"Oh, my baby."
BINABASA MO ANG
🔥Heart Memories (TFYG part two)🔥
Teen FictionTHE FIVE YEARS GAP🔥: part two Austin Cruz - THOR - "мy love wιll alwayѕ ғιnd ιтѕ way вacĸ тo yoυ" - AranixxVida Isinilong niya kami sa ilalim ng isang shade. Nanatili ang mahinang ambon. I had a glimpse of him on his tux at kahit ngayong nasa medyo...