kabanata 29

3.3K 150 54
                                    

Delta Force

NAGPALAKPAKAN ang maraming tao na nasa paligid. Doon sa stage ay naroroon ang mga matataas na opisyal ng mga sundalo at isa-isang ipinapakilala.

Hindi mapakali si Jane habang katabi ang mga kaibigan niya. Maya't-maya siyang napapagalaw sa kanyang upuan at napapahinga ng malalim. Kandong ni Gareth si Tia at nilalaro ito habang si Ella naman panay ang palakpak habang nakikinig sa speech ng mga nasa entablado.

Some of the high ranking officials took their speech, welcoming the visitors and all of them who were invited to come here. This is one of the times where civilians are allowed inside the military camp.

"Bess ano ba. Nakakadistract na ang mga deep sighs na iyan ha. Ano ba'ng problema?" ang hindi na napigilang tanong ni Ella. Medyo sumilip pa sa kanya si Gareth at parehong ngumisi ang dalawa.

"I-I'm nervouse. Bakit wala pang dumarating?"

Muli na namang nagpalakpakan ang lahat dahil sa sinabi ng isang heneral na nagsasalita sa harap.

"Hinihintay pa daw ang pagdating ng eroplano. Stop worrying too much. He is okay."

"Is daddy gonna come now?" ang singit ng bata nang siguro ay marinig ang kanilang pinag-uusapan.

Ngumiti si Gareth at pinisil ito sa mga pisngi. "Yes baby. Any time soon."

"See? Pati tuloy anak niyo hindi na makapaghintay," ani Ella at binigyan siya ng tubig.

Tinanggap niya iyon at uminom.

Hindi siya magtataka na ganito ang kanyang nararamdaman. For four months, she waited for him. If only they were allowed to contact them pero hindi naman puwede. Apat na buwan na hindi niya ito nakita, nakausap at nahawakan.

Sobrang namimiss na niya ito. Kung hindi niya lang pinipilit ang sariling maging matapang para sa anak nila baka gabi-gabi din siyang umiiyak. Totoo iyon, sobra siyang naging emosyonal lalo na noong unang dalawang buwan ng pag-alis nito. It must be the hormones. She's bearing the emotions of two. She's carrying his son.

"Stop it. Baka mastress ka lang lalo," ang paalala na naman ni Ella.

Isang malakas na tunog ng malalaking helicopter ang narinig nila sa himpapawid na agad nagpatigil sa lahat. Kasabay non ang pag-anunsyong dumating na nga ang kanilang hinihintay.

Mabilis at medyo nagkagulo dahil sa pagtayo ng lahat. Naririnig parin nilang nagsasalita ang lalaki sa harap at sinusubukan silang kalmahin. Inutosan silang puwede nang tumayo iyong mga kapamilya para sa pagsalubong.

Kinakabahang kinuha ni Jane ang kamay ng anak. "Baby come on."

"Janey becareful," ang nag-aalalang sabi ni Gareth habang napapasinghap.

"Dahan-dahan lang huwag kayong sumabay sa maraming tao," natataranta namang ani Ella. Kung puwede lang sigurong sumama sila pero isang sundalo ang nagsumiksik upang lumapit sa kanila.

"Ma'am dito po tayo. Iyong ibang bisita manatili po muna dito para hindi lalong magkagulo," anang sundalo habang hinaharang ang sarili upang hindi sila maipit. Nakahinga ng maluwag ang dalawang kaibigan niya dahil doon.

The soldier directed them to the other tunnelled way. May pailan-ilan parin silang nakakasabay na nagmamadali at tumatakbo. Napatingin si Jane sa anak at agad itong binuhat.

"Mommy no," ang sabi nito. Umiling si Jane at nagmadali parin sa paglalakad habang buhat ito.

"Mommy..." ang protesta parin ni Tia habang nakayakap sa leeg ng ina. Madalas paalalahanan ang batang huwag masyadong magpapabuhat sa kanyang ina ngayong medyo lumalaki na ang baby bump niya. She's just as protective as her uncle when it comes to her.

🔥Heart Memories (TFYG part two)🔥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon