The white themed wedding venue was so beautiful. White flowers cascaded and surrounded the place. The silk cloths slowly moved with the soft blow of the winds, tila sumasabay sa pagpapalitan ng pangako sa altar.
Magkahalong saya at iyak ang nararamdaman ng bawat isa. Even after the exchange of vows, everyone is emotional. Ginanap ang kasal sa malawak na bahagi ng dalampasigan kung nasaan ang lighthouse.
Malamyos ang simoy ng hangin at maganda ang sikat ng araw. It was a perfect day for a wedding. Ang daming dumalo.
Napapunas sa mga mata si Lisa gamit ang hawak na panyo. She cried and laughed while watching her son finally seal his vow to the love of his life. Sa mga sandaling iyon, tila nawala lahat ng pagod at pag-aalala ng nakaraan para sa kanyang anak.
Isang palad ang marahang pumatong sa kanyang kamay at pumisil doon, giving her comfort. She glanced to the person sitting beside her at agad na ngumiti.
Nakangiti rin sa kanya ang mama ni Jane, ang kanyang bala-e. Carlene Rivera is just like her daughter. Sa kabila ng maamo at magandang mukha, nakalarawan din ang isang personalidad na ilang beses na niyang nakita kay Jane. The first time they met, she knew right away that she's as strong as her daughter.
NAGPALAKPAKAN ang lahat nang pumunta sa gitna para sa kanyang message ang bestman na si Brandon. The reception is held back to the hotel lobby near the huge swimming pools. Nakaupo na ang lahat sa kani-kanilang lamesa at habang ineenjoy ang mga pagkain ay isa-isang pumupunta sa harap ang mga gustong magbigay ng mensahe.
"Thank you," he bowed playfully bago bumaling sa bagong kasal. "Sa tagal nating magkaibigan, kahit kailan hindi ko naisip na darating ang araw na ito." Mahinang humalakhak si Brandon at sandaling ibinaba ang mikropono. "Tandang-tanda ko pa ang unang reaksyon mo noon bro. Damn you're like a stricken puppy." Bumaling sa bisita si Brandon nang mag-ingay ang mga ito tila inuudyok siyang magsabi pa.
"Go Brandon!"
Humalakhak si Brandon at tinuro ang kaibigan. "You see this man right here. The first time that we saw Miss Jane entered our classroom back then... Bigla nalang siyang umaktong matino eh. Alam niyo iyon?"
"No he just froze man! Literal!" dagdag ni Waren habang malaki ang ngisi. Malakas na nagsitawanan ang lahat lalo na ang mga kaibigan nilang naroroon narin.
Tumatawang bumaling si Jane sa kanyang asawa at kita niya ang medyo pamumula ng pisngi nito. Humawak si Austin sa kamay ng maganda niyang asawa at umiling. Jane found him cute while looking so embarrassed, para bang kahit mag-asawa na sila ngayon, nahihiya parin sa kanya. He bit his lower lip at tinaasan ng kilay si Brandon.
Hindi natinag ang best man niya at nagkibit balikat habang nagpapatuloy.
"Akala ko noon nagbibiro ka lang eh. I always knew that all of us will stop playing somehow and just grow up but it's too soon for that. Sobrang aga pare na halos hindi ako naniwala."
"Kaya lang..." Unti-unting humupa ang tawanan. "Hinding-hindi ko makakalimutan ang kinang sa mga mata mo noon. Hindi ko iyon naintindihan noong una. Lahat kaming tropa mo pare. Tangna magugulat nalang kami pumasok-pasok ka ng maaga tapos aba kumikinang-kinang na yata ang black shoes. Ni hindi ko matandaang nagsuot ka ng maayos na uniform mula elementary."
Humagalpak ng tawanan ang mga kaibigan niya. Waren and Fred even gave Brandon a high five.
"Let's not forget he fell from the fire exit back then," tumatawang dagdag ni Fred. Halos hindi na matigil ang mga bisita sa katatawa. Some of them might not even imagine that but knowing these group of friends siguradong totoong nangyari iyon. Kahit si Jane napahawak sa braso ni Austin at kunwariy kinunotan ng noo nang maalala ang insedenteng iyon. Sa sobrang kabulastugan ng mga ito noon akala niya magkakaheart attack siya nong mga panahong iyon.
BINABASA MO ANG
🔥Heart Memories (TFYG part two)🔥
Teen FictionTHE FIVE YEARS GAP🔥: part two Austin Cruz - THOR - "мy love wιll alwayѕ ғιnd ιтѕ way вacĸ тo yoυ" - AranixxVida Isinilong niya kami sa ilalim ng isang shade. Nanatili ang mahinang ambon. I had a glimpse of him on his tux at kahit ngayong nasa medyo...