Dinner with Artie
"Ganyan mo siya pagsabihan? Hindi iyan nakakatulong eh."
Ngumisi lang siya sa akin at inabot ako upang mahawakan sa kamay.
"Si baby?" aniya agad parang kanina lang ang dilim ng mukha. Sumulyap siya saglit kay Artie at parang may silent conversation sa pagitan nilang dalawa.
"Iniwan ko kay Nina. Teka oo nga pala," I turned around to face Nina's car, but instead we saw someone holding Anakin towards us.
My phone beeped.
"Sorry nauna ako. Si baby kinuha ng tito niya, matangkad, guwapo infairness. Tsaka kamukha ni hubby mo."
Kuya Anton neared us while holding Anakin in his arm. Napatindig ng maayos ang asawa ko at medyo sumeryoso.
"Nandito ka," anang asawa ko kay kuya Anton at agad na nginitian si Anakin na inosenteng nakatingin sa amin.
Kuya Anton's brooding gaze is not something new to me. Kahit mukhang hindi naman ito galit o ano, pero kahit kailan hindi ko pa kasi siya nakitang tumawa o ngumiti. He's always right there, observing and serious.
"Tinawagan ako ni Mama," he said glancing at their little brother while stepping in closer to give Anakin to me.
"Hey there little guy. How's my baby hmm," I kissed his cheeks the moment I held him again. His cute smile made me kiss him more. I saw a glimpse of amusement on kuya Anton's face habang nakatingin kay baby at sa akin. Medyo napatuwid din tuloy ako ng tayo.
He then looked at their little brother.
"Artie, nagamot na ba iyan?" he asked in his usual deep voice that always sounded a bit cold but I sense a hint of concern.
"Oo kuya," sagot agad ni Artie halatang hindi na makakibo ng maayos.
Medyo naawa ako. Alam kong takot siya sa mga kuya niya but maybe that's because he respects them. Si kuya Anton natural na may pagkaistrikto ang dating kaya given na iyon. Samantalang ang asawa ko bata pa naman sila lagi niya itong gustong-gustong kasama. Binubungangaan man siya nito o kung ano-ano paborito niya talaga si Austin.
Nakapamulsang tumango si kuya Anton. "Sa susunod umiwas ka na lang. Huwag mong dagdagan ng sakit ng ulo si mama."
"Sinubukan ko kuya. Nasabi ko na iyon sa inyo diba? Napuno lang talaga ako," ang halatang dismayadong sagot ni Artie.
His big brother only sighed before stepping back a bit. Bumaling na ito kay Austin at may sinabi tungkol na siguro sa trabaho. I took that as a hint to get Artie out of their brooding sight.
Finally he smiled when he saw Anakin.
"Ate lumalaki na siya. Hey AJ. Dalawa pa lang ngipin mo? Tsk ayus lang iyan mana ka parin naman sa akin. Haha..."
"You wish uncle Art! He's got his looks from my Dad!" biglang sumungaw si Tia sa bintana ng sasakayan ng Daddy niya. Parang kagigising lang din nito.
"Dad you didn't wake me!" reklamo niya agad at nanlaki ang mga mata nang makita kung sino-sino ang nandito.
"Wow uncle Antonius? Are we having a reunion or something?"
And finally a small smile crept on kuya Anton's lips. "Tia. Ang laki mo na."
"Psh why do everyone always say that. You know it would help if you visit us more often uncle Antonius. That's an order..."
"Tia," saway ko na. Aba palibhasa kasi bagong gising eh.
"Marami lang akong trabaho Tia. Pero masaya ako laging makita ka. Ikaw lang naman ang prinsesa namin." Napangiti lang si kuya Anton at saglit na hinagod sa ulo ang anak ko.
BINABASA MO ANG
🔥Heart Memories (TFYG part two)🔥
Teen FictionTHE FIVE YEARS GAP🔥: part two Austin Cruz - THOR - "мy love wιll alwayѕ ғιnd ιтѕ way вacĸ тo yoυ" - AranixxVida Isinilong niya kami sa ilalim ng isang shade. Nanatili ang mahinang ambon. I had a glimpse of him on his tux at kahit ngayong nasa medyo...