Jealous
Medyo masama ang kanyang gising nong umaga pero pinilit niyang bumangon para mapaghandaan ang unang araw ng kumpetisyon. Kinailangan niyang ibaling sa iba ang isip lalo pa at halos buong gabing mukha ni Austin ang pumapasok sa kanyang balintataw. Inabot niya ang sirang cellphone sa ibabaw ng lamesa. Hindi na gumagana, mabuti na lamang at may telepono ang hotel room kaya nagawa niyang tawagan ang kanyang anak kagabi.
"Congratulations to those who made it this first elimination round! NICE JOB!"
Palakpakan ang bumalot sa paligid habang nakahilera ang mga bakers sa harap. Lahat sila ay nakasuot ng puting apron at presentableng ihinahain sa mga judges ang kanilang natapos na tinapay. Ginanap ang unang round sa dalampasigan kung saan per batch silang nagpaligsahan sa pagbake. Sampong katao ang eliminated ngayong araw. Bakas man sa kanila ang pagkadismaya ngunit hindi rin naman lugi dahil sa libreng bakasyon sa resort.
Napahawak sa kwintas niya si Jane at huminga ng malalim. Isa-isang nagkamayan ang lahat at masayang nagpapalakpakan para sa dalawang batch na pasok sa next round. Sunod naman siyang niyakap ng kagrupo niyang si Nami.
"Pasok tayo sa next round! I'm so happy we're on the same team! You were so good on those cookies iyon ang nagpanalo sa atin!"
Ramdam niya ang kaparehong sayang nararamdaman niya kay Nami. Ito ang mga sandaling namimiss niya. Pakiramdam niya parang isang dekada na ang lumipas mula nang makaramdam siya ng ganitong thrill.
"Masarap din naman iyong cake," aniya kay Nami.
"Grabeh hindi ko ineexpect na manalo pero sa susunod tayo parin ang magkateam ah!" she said with a flashing smile.
She laughed and nodded. "Oo, gusto ko rin iyon."
Muli silang nagtawanan bago bumaling naman sa iba upang makipagkamayan sa ilan pang miyembro na nanalo.
Halos apat na oras din ang itinagal ng first round na ito kaya sa pagpatak ng alas dose ay nabuwag na ang kumpulan at puwede na ulit nilang maenjoy ang resort sa buong maghapon.
"Congratulations iha." Paakyat na sila sa hotel at may mga bumabati parin.
Natigil sa pagtatanggal ng kanyang puting apron si Jane at humarap sa matandang babae. Medyo gulat siyang ngumiti. "Thank you po. Kayo rin po congratulations at saka good luck sa susunod na rounds."
Malawak na ngiti ang isinagot nito sa kanya bago sila nagpatuloy sa pag-akyat.
"Jane!" Siya namang pagtakbo ni Nami sa tabi niya. "Maglulunch tayo at mamayang hapon mamasyal sa beach. Gusto mo bang sumama sa amin?"
Medyo nawala ang ngiti niya. She would gladly join them kung wala lamang siyang plano ngayong hapon.
"May plano sana akong pumunta sa pinakamalapit na town." Sagot niya ng may kaonting himig ng panghihinayang. "Next time?"
"Sige, sabi mo iyan ah? Kung ganon sa labas ka narin ba maglalunch hindi dito sa hotel?"
"Oo. May bibilhin lang sana ako sa pinakamalapit na bayan. Nadaanan natin iyon habang patungo rito kahapon."
Tumango si Nami. "Mag-ingat ka. At saka bumalik ka agad baka may ipagawa si Sir Richard sa atin mamaya," imporma nito sa kanya bago sila naghiwalay para magpunta sa sari-sariling hotel rooms.
MULING pinasadahan ni Jane ang sarili sa harap ng salamin matapos magpalit ng maikling bestida at sinuklay ang mahabang buhok na sinadya niyang maalon. Dala ang maliit na sling bag na naglalaman ng kanyang wallet at ang cellphone ay lumabas na siya patungo sa elevator.
BINABASA MO ANG
🔥Heart Memories (TFYG part two)🔥
Novela JuvenilTHE FIVE YEARS GAP🔥: part two Austin Cruz - THOR - "мy love wιll alwayѕ ғιnd ιтѕ way вacĸ тo yoυ" - AranixxVida Isinilong niya kami sa ilalim ng isang shade. Nanatili ang mahinang ambon. I had a glimpse of him on his tux at kahit ngayong nasa medyo...