At dahil mahal ko kayo. Opo may epilogue. Enjoy Ka-Everafters!😘
"Austin! Tumigil ka na anak... Hanggang kailan mo ba ako pahihirapan ng ganito?" Napahawak siya sa noo at nakikita kong tila nawawalan na naman siya ng pasensya sa'kin."Anak tulongan mo naman ako. I really want to help you... Please tell me what you want. Ginagawa ko ang lahat ano pa ba ang gusto mong gawin ko? Austin, saan ka pupunta?" Tinalikuran ko na. Tangina kung ba't kasi siya nakekealam. Sana bumalik na lang siya sa date. Mukhang mas gusto ko pa nong wala siyang pakialam sa nangyayari sa'kin. Pota nakakainit ng ulo parang gusto ko rin magwala sa tuwing nakikita ko siyang nahihirapan dahil sa'kin.
Alam kong buntis siya. Kaya ko gustong umalis ng bahay dahil sa tuwing nagkakaharap kami lagi kaming ganon. Ayaw kong may mangyaring masama sa kanya. Alam kong gusto narin siyang kunin ng lalaking kinakasama niya ngayon kaya sana gawin na niya... Kilala ko na iyon, opisyal ni kuya Anton. Mukhang masaya naman si Mama hindi gaya nong mga naunang lalaki niya.
"Alam mo bro tanggapin mo na lang na hindi na mabubuo ang pamilya mo. May pamilya ng iba ang papa mo tska may mga kapatid ka pa sa kanya. Ikakasal narin si Tita Lisa at gusto mo iyong mapapangasawa niya hindi ba?" Inabot sa'kin ni Waren ang isang bote ng beer bago naupo sa harap.
Lumapit din si Brandon. "Balita ko pinapasundan ka ni Chairman Cruz. Hindi kaya alam na nila ang tungkol sayo?"
Ibinaba ko iyong beer. "Bakit, ayaw mo? May ibang alak don kumuha ka na lang," ani Brandon.
"Uuwi ako ngayon. Ayaw kong uminit na naman ang ulo sakin ni ermat. Tsaka nakakatakot ang mapapangasawa non tangina baka nabaril ako non ng wala sa oras."
Sabay pa akong tinawanan. Pumasok si Fred. Kanina ko pa to inaantay ngayon lang dumating.
"Gago pre syempre buntis ang mama mo. Dapat pakagoodboy ka muna ngayon. Umayos ka pare baka paglihian ka ni Tita Lisa ultimo paglabas ng bahay baka hindi ka na payagan." Muli na naman akong tinawanan. Pota mukhang gusto ko na tuloy mag-inom ngayon. Binigay sa'kin ni Fred iyong susi ng motor ko. "O pinaayos ko na. Mabuti pa umuwi ka na baka mahuli ka na naman wala ka pang lisensya."
Hindi ko alam kung kelan ako nagsimulang tumino. Basta nong kinasal na si ermat at lumabas si Artie, gumaan na ang pakiramdam ko. Mula nong gabing pinuntahan ko ang tatay ko sa bahay niya, nalaman narin nila ang tungkol sa akin. Doon naman nagsimulang magka-interes sa'kin ang Chairman. Pota lagi niya akong pinapasundan sa mga taohan niya. 'Di nagtagal parang nawalan narin ako ng ganang magalit. Tinanggap ko na lang ang lahat. Ang importante sakin sa mga panahong iyon, ang makitang masaya at buo ang pamilya ng mama ko. Ayos na sa'kin iyon. Kahit papaano, ayaw kong mangyari kay Art iyong nangyari sa'kin.
Maaga akong naglaro kaya siguro medyo maaga rin akong nagmature. Sa edad na kinse-anyos naging tagapagmana na ako ng Chairman. Naging boring na sa'kin ang lahat mula non, kaya kung ano-anong kabulastugan ang nagagawa ko. Kung 'di ako lumaki sa puder ni Lola baka naging gaya ako ng ibang anak mayaman diyan. Pota lahat ng nakakasagupa kong nasa linya ng negosyo ng chairman ang sarap pagsasapakin sa mukha.
Mayaman ang mga tropa ko sila Brandon, Waren at Fred. Pota pati nga sila Liam at Paul na parehong nabagsakan ng responsibilidad sa pagpapatakbo ng negosyo sa murang edad pero hindi sila naging mapagmataas. Hindi gaya ng grupo ng Tyron na iyon.
"Tama na! Stop it Austin! Huwag...." tandang-tanda ko pa nong minsang binugbog ko ang tarantadong iyon dahil sa panloloko niya kay Margo. Para akong winasak nang makita siyang umiiyak para sa kanya. "Hayop ka!"
Tangina... Sa kabila ng lahat siya parin ang pinipili niya. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi parang wala akong magawa. Ginawa ko naman ang lahat para kay Margo. Nong mga panahong iyon lagi kong iniisip kung ano pa ba ang kulang sa'kin. Lagi kong iniisip kung ano ang meron kay Tyron na wala sa'kin.
BINABASA MO ANG
🔥Heart Memories (TFYG part two)🔥
Teen FictionTHE FIVE YEARS GAP🔥: part two Austin Cruz - THOR - "мy love wιll alwayѕ ғιnd ιтѕ way вacĸ тo yoυ" - AranixxVida Isinilong niya kami sa ilalim ng isang shade. Nanatili ang mahinang ambon. I had a glimpse of him on his tux at kahit ngayong nasa medyo...