[ Sana patuloy niyo pong suportahan ang HM! Tuloy-tuloy na siguro ang UD until I can finish it! Thank You po! ♥]
--------------------------------
RelievedUMAHON si Jane mula sa dagat. Kahit mag-isa lamang siyang lumangoy doon. Talagang nagustohan naman niya lalo pa at matagal nga siyang hindi nakakapunta sa ganitong lugar. She loved going to beaches specialy now that she never had vacations.
Sobrang focused siya sa pag-aaral noon at diretso sa masterals tapos sa paghahanap ng trabaho. Ngayon lamang at hindi inaasahang dadalhin siya dito ni Austin. Isa pa gusto niya ring nagsusuot ng bikini. This is the kind of place where she can finaly let herself wear something revealing and just blend in just like everybody else.
"Hay ang sarap ng tubig. Bakit kasi hindi mo ako sinamahan?"
Naupo na siya sa harap ni Austin matapos ng paggawa nila ng sandcastle na hindi kagandahan. Malapit nang lumubog ang araw. Sigurado siyang napakaganda non. Hinayaan siya nitong sumandal sa dibdib niya. If not he even wrapped his arms around her.
Nangingiti siya sa loob niya. Alam niyang kanina pa hindi sang-ayon ang nobyo sa mga tingin ng ilan sa mg lalaki dito. Isa pa hindi rin naman niya gustong pagtinginan ng matagal. Okay lang iyong mapasulyap sayo but to actually catch them watching too long is already something for her. Ayaw niya ng ganon. Conservative parin siya kahit nagagawa niyang magsuot ng ganito. She did not wear it to impress them.
"Minsan naiisip kong manirahan sa tabi ng dagat." Natawa siya at pinaglaruan ang buhangin sa harap. "Dahil siguro sobrang layo namin sa beaches kaya nawili ako sa ganitong lugar."
Hindi sumagot si Austin at seryosong pinaglalaruan ang kamay nilang magkasalikop habang nakatingin sa malayong harap nila. Medyo liningon niya ito. Kanina pa ito walang imik parang may malalim na iniisip.
"Austin? Okay ka lang?"
Nang sa wakas ay tila nakabalik ito mula sa pag-iisip, nakangiti itong humalik sa pisngi niya at mas lalo pang yumakap sa katawan niya.
"Ayos lang. Di ka pa nilalamig?"
Tumawa siya at kontentong humilig sa dibdib nito. "Hindi naman."
Totoo iyon. Sobrang gaan at ganda ng pakiramdam niya ngayon. Parang ayaw niyang matapos ang araw na ito. Hinalikhalikan ni Austin ang balikat niya at siniksik pa ang mukha sa kanyang leeg. Medyo nakiliti siya at gumalaw nang natatawa.
"Austin ano ba..."
"T'ngina kung di pa sila tumigil kakatingin sayo makakakasapak ako ngayon," mababa at tila iritang sabi nito.
Napalingon sa paligid si Jane. He's being overprotective again. Pero sa totoo lang mukhang hindi lang naman mga lalaki ang napapasulyap sa kanila. Even girls are staring at them habang napapadaan. It must be their position right now... O baka dahil lang din dito sa guwapong bugnutin na ito.
"Kapag kaya ko na. Ititira kita kung sa'n mo gusto. Gusto mo sa tabing dagat?"
Medyo napawi ang ngiti ni Jane at lumingon sa nobyo.
"Akala ko hindi mo ako narinig. Ang tahimik mo eh."
Ngumisi ito. "Tinatantya ko lang babe baka puwede na kitang gawan ng bahay. Gano kalaki'ng gusto mo?"
Muli na naman niton ipinatong ang baba sa balikat niya. Natawa si Jane.
"Sira. Sinasabi ko lang naman tsaka hindi ko pa naman naiisip iyong ganon sa ngayon."
Saka lamang siya natigilan at napaisip. Sa totoo lang hindi niya talaga naiisip ang ganon. Tsaka bahay? Ni hindi iyon sumagi sa isip niya kaya ang mabanggit ito ni Austin ngayon, pakiramdam niya nagbibiro na naman ito.
BINABASA MO ANG
🔥Heart Memories (TFYG part two)🔥
Teen FictionTHE FIVE YEARS GAP🔥: part two Austin Cruz - THOR - "мy love wιll alwayѕ ғιnd ιтѕ way вacĸ тo yoυ" - AranixxVida Isinilong niya kami sa ilalim ng isang shade. Nanatili ang mahinang ambon. I had a glimpse of him on his tux at kahit ngayong nasa medyo...