[Malapit-lapit na tayo sa ending mga Ka-everAfters! Thank You so much po sa lahat ng mga nagbasa, nagvote at patuloy na sumuporta! God bless you and stay safe! ♥]
Black diamonds
BLANKO ang emosyon sa mga mata ng chairman. Ni hindi ito sumulyap man lamang sa black diamond. Iyon ang simbolo ng pamilyang Cruz, family heirloom kumbaga.
"Austin anak," ang mahinahong saway ng ginang. Nakalarawan sa mukha nito ang kaunting pangamba.
Sumulyap siya sa kanyang ina bago nakapamulsang umayos ng tayo. Hinarap niya ang chairman at hindi nag-atubiling ipakita ang kinikimkim na galit.
"Kaytagal niyong pinaglaruan ang buhay ng mga magulang ko. Puputolin ko na iyon ngayon. Hindi ko hahayaang pati buhay ko pakialaman niyo."
Sumulyap si Austin sa mga magazines. Madilim siyang ngumisi. "Madumi kayong kumilos. Ngayon ko lang iyon naintindihan."
"Sa buhay, kailangan mong gumawa ng mahihirap na desisyon Austin. If you choose to play soft, you will not survive. It is thesame with family and business." Ang komento ng chairman habang hindi parin nakakakitaan ng anumang emosyon sa mukha.
"Nagawa niyong iframe-up ang mga magulang ko noon. Napaghiwalay niyo sila dahil sa galit niyo sa tatay ng mama ko. Pinakasal niyo sa iba ang aking ama at nong nalaman niyo ang tungkol sa akin, gusto niyo akong bawiin."
Suminghap ang ginang at hindi agad nakaimik habang pinapakinggan siya.
"Ganon din ang nais ninyong mangyari sa amin ni Jane. Kayo ang may pakana sa mga pictures ni Renzo at ng girlfriend ko na ipinakita kay mama noon. Nasaktan niyo ang mga taong mahalaga sa akin, si mama, at ang babaeng mahal ko..."
"Alam kong kahit pamilya wala kayong pinahalagahan, pero iyong idamay niyo pati ang sarili niyong apo para doon, sinira niyo ang buhay ni Renzo. Gayong wala siyang ibang ginawa kundi ang maging mabuti at perpekto para lamang sa inyo."
Napahawak sa dibdib si Lisa halos hindi makapaniwala sa mga naririnig.
"Anak totoo ba ang sinasabi mo? H-how? Hindi ko maintindihan."
"Aren't you a man of the law, son... I'm sure you know I take no chances without any evidence. Nasaan ang basehan ng lahat ng iyong akusasyon? Hindi ko magagawa iyon sayo. I made a mistake with your parents but you sure got one thing right. I never liked your grandfther."
"He can put his gun on my head all he wants but he will never be able to pull the trigger. Because he's weak. And you still chose him six years ago. Pinili mo ang iyong pagsusundalo. You have a great potential Austin. Because you are my grandson. Nagmana ka sa akin! Lorenzo... Lorenzo is such a dissapointment. He is everything I hated. No spine, such a weakling. Wala akong apong lampa!"
Napangisi si Austin. Halatang naging maagap ang mga bodyguards sa likod ng chairman.
Sarkastikong tumawa si Austin. "Diyan ka nagkakamali. Sa lahat ng apo mo, siya ang nagtagal sayo."
Bumukas ang pintoan at agad na naagaw non ang atensyon nilang lahat. Isang lalaking nakasuot ng itim na hoodie natatakpan ang halos kalahati ng kanyang mukha ang pumasok doon.
"Hayaan niyo siya," utos ni Austin sa dalawang bodyguads ng pintoan.
May pagtataka sa mga mata nila nang tumayo sa tabi ni Austin ang taong iyon. Hawak nito sa isang kamay ang isang malaking camera at isang brown envelope. Naging alerto ang dalawang bodyguards ng chairman. Sumulyap lamang sa kanila si Austin habang nakapamulsa parin at ipinakitang wala silang dapat problemahin.
"Ano ito anak? Sino ang taong iyan?" ang nagugulohang tanong ni Lisa. Lumipat ang tingin ng ginang sa camerang hawak nito.
Dalawang lalaking magkasingtangkad. Dalawang lalaking halos magkasingkatawan. Tumalim ang mga mata ng chairman habang nakatingin kay Austin at sa lalaki sa kanyang tabi.
BINABASA MO ANG
🔥Heart Memories (TFYG part two)🔥
Teen FictionTHE FIVE YEARS GAP🔥: part two Austin Cruz - THOR - "мy love wιll alwayѕ ғιnd ιтѕ way вacĸ тo yoυ" - AranixxVida Isinilong niya kami sa ilalim ng isang shade. Nanatili ang mahinang ambon. I had a glimpse of him on his tux at kahit ngayong nasa medyo...