Engaged
"Austin, I'm really thankful you decided to take me with you..." ani Margo nang nasa flight na ang lahat papunta sa nasabing beach resort sa Cebu.
Sumulyap sa katabi si Austin at tipid na ngumiti. Bumaba ang kamay ni Margo at humawak sa palad niya. Ngumuso ang binata at kunot-noong nag-iwas ng tingin mula sa magkahawak na kamay nila, hindi malaman kung pa'no kakausapin si Margo. Kahit iginigiit ng lahat na matagal na niyang nobya si Margo, may parte sa kanyang gustong tumanggi sa bagay na 'yun.
Ngayon, siguro'y unti-unti naring tinanggap ng kanyang isip na hindi siya nagiging patas kay Margo kung hindi niya susubukan. Alam niyang importante sa kanya si Margo, ramdam niya iyon sa tuwing magkasama sila. Kaya lang sa mga natitirang ala-ala niya, kahit kailan hindi siya pinagbigyan ng dalagang pumasok sila sa isang relasyon.
Mula sa kaharap na upuan ay nakapuwesto naman ang ilan sa kanyang mga kaibigan at kakilala. Ilan sa kanila, malabo parin sa kanyang ala-ala. Tinanggap na niya ang kagustohan ng chairman. Sa kasalukuyan, siya parin ang itinuturing na tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng matanda kaya ang eroplanong ito, at ang buong resort sa Islang pupuntahan nila ay pag-aari niya.
Kung tutuosin nawawalan na siya ng gana sa lahat. Una ay ang Heneral, natatakot na mawala sa mundong ito at maiwan siyang hindi pa nasisilayan ang apo mula sa kanya. Parang gusto niyang matawa. Kahit kailan hindi siya naantig sa anomang palabas na nais mangyari ng kanyang pamilya pero alam niyang sinsero ang Heneral sa hiniling nito sa kanya.
Sa sitwasyon naman ng kanyang lolong chairman, hangang ngayon hindi niya parin maunawaan. Sa dami ng apo nitong puwedeng gawing tagapagmana, mas gusto pa yatang pag-awayin ang kanyang pamilya bago pumanaw sa mundong ito. Maaaring iiwanan nga siya ng matandang chairman ng sandamakmak na kayamanan subalit hindi niya iyon lubosang mapapahalagahan.
Ngayon lamang niya napagtantong nakakapagod din palang tumanggi. Buong buhay na siguro niyang ginagawa ang bagay na 'yun. Kung may mabuting naidulot ang pagkawala ng kanyang ala-ala, 'to na siguro 'yun. Hindi na niya kelangang kimkimin ang kahit anong pasanin ng nakaraan.
"Ano nga pala ang plano mo? Sunsundin mo ba ang lolo mo?" Bumaling si Austin kay Margo. Ilang sandali niyang pinakatitigan ang mukha nito: maganda, sopistikada at may pinag-aralan.
"Pumayag na ako sa gusto niyang mangyari. Ayaw ko ng kumplikado." Simpleng sagot niya habang titig na titig parin kay Margo.
"Engaged na tayo Austin. My family was thrilled when I told them lalo na kapag magaganap na ang announcement non. With the courtesy of the chairman's invitation hindi na ako makapaghintay na magsimula ang training ko sa kumpanya." Ilang sandaling napakurap si Margo sa bigat ng tingin nito sa kanya. Namula ang pisngi ng dalaga at itinuon ang pansin sa kamay nilang hangang ngayon ay magkahawak parin.
Hindi na nagsalita pa si Austin. Lahat ng bagay walang kasiguradohan sa mundo. Ngayon man siya magpakasal o sa susunod na mga taon, pareho lamang 'yun. Natupad na niya ang matagal niyang hangarin mula pagkabata. Nakuha na niya ang tiwala ng Heneral at isa narin siyang sundalo. Tama ang Heneral, siguro panahon narin para bumuo ng sariling pamilya. Pareho ang kagustohan ng dalawang matanda at ayos lang sa kanya iyon. Hindi naputol ang tingin niya kay Margo sa kanyang tabi.
Balang araw kailangan niyang pumili. Kung pipiliin niyang magpakasal... ipagpapatuloy niya parin ang pagsusundalo sa huli. Hangang ngayon, ayaw niyang pakawalan ang propesyong ito. Dito lamang siya nakakaramdam ng pagkasabik. Sa tuwing nalalagay siya sa panganib, doon lamang siya nakakakuha ng lakas, ng ganang mabuhay.
Muli siyang natigilan. Parang bigla siyang nakonsensya sa naiisip. Hindi ganon kalalim ang nararamdaman niya para kay Margo. Pero ang kaisipang pakasalan ito para mapagbigyan ang kahilingan ng kanyang pamilya, siguro hangang doon na lamang 'yun. Walang talo sa kasalang ito. Matalino at magaling sa negosyo ang babaeng kanyang pakakasalan, bukod pa sa galing ito sa isang kilala at mayaman din pamilya.
BINABASA MO ANG
🔥Heart Memories (TFYG part two)🔥
Teen FictionTHE FIVE YEARS GAP🔥: part two Austin Cruz - THOR - "мy love wιll alwayѕ ғιnd ιтѕ way вacĸ тo yoυ" - AranixxVida Isinilong niya kami sa ilalim ng isang shade. Nanatili ang mahinang ambon. I had a glimpse of him on his tux at kahit ngayong nasa medyo...